chapter 24
Anne's POV
"Seryoso na ba kayo jan sa plano nyo?" tanong ni Elle na parang hindi naniniwala.
"Oo nga.." pang anim na beses kong sagot.
Kanina pa ako kinukulit nyan eh..
"Diba takot ka sa dugo..? Naka-get over ka na?"
Nilingon ko sya, "Oo, naka-get over na. Kaya nga handa na diba."
"Nako friend," yugyog nito sakin, "Magigiging ninang na talaga ako!"
"Oo," pagmamaldita ko, "Yun ay kung kukuhanin kitang ninang."
Napatigil ito sabay palo sa braso ko, "So ganyanan na ha?"
Lumakad ito papunta sa pinto, "Sige break na tayo. Maghanap ka na ng bagong bestfriend. Yung papayag na hindi maging ninang sa anak mo."
Grabe..ang drama.
Napatawa ako, "Syempre kukuhanin kitang ninang noh. Eto naman hindi mabiro."
"Che!" sagot naman nito, "Gagawa nalang ako ng akin."
Napataas ang kilay ko, "Hoy Elle, hindi pwedeng sabay tayong mabuntis ha. Walang tutulong dito kay Pa."
Nilingon ako nito, "Heh. Sige na, lalayas na ako."
"Sige sige, teka Elle."
"Baket?"
"Na-transfer ko na pala sa daddy mo yung bayad ko sa utang..paki-salamatan mo nalang sya ulit ha."
"Sige sasabihin ko nalang, tyaka hoy, di ako makakasabay mag lunch sa'yo. Si tito kasi, sabi daanan ko daw sa Bagiuo yung kontrata kay Mrs Dah-vid."
"Ah..gano'n ba. Sasamahan ka ba ng boyfriend mo?"
"Di noh.. distraction lang yan sa trabaho, sa bahay nalang. Anyways, aalis na ako ha. Badavoosh."
"Geh geh."
Pagkaalis ni Elle ay naisipan kong hindi nalang mag lunch.
Tutal wala akong kasabay.
Dinner nalang with Trevor.
Kumain naman ako ng breakfast, siguro sapat na yun hanggang makauwi ako.
*Ring ring*
I grabbed my phone.
"Hello baby.."
I heard a guy laugh on the other line.
Napatingin ako sa cellphone ko.
It's not Trevor..
"Hello..? Na-wrong number ka ata...?" sabi ko at tumawa ulit ang lalaki.
Siraulo lang..?
Ibababa ko na sana ng magsalita ulit ito, "Anne anne...."
"Sino 'to?" mejo nakakunot na ang noo ko.
"Pasalamat ka.....hindi ako nagparamdam ng mga nakaraang araw....."
"Sino ka ba ha?!"
"Ang dali mo namang makalimot.....parang nung minsan lang kausap kita sa telepono....."
I smiled bitterly, "Ah....ikaw yung mukhang perang demonyo na pagkakuha ng pera ay maglalaho nalang. Oh ano? Wala ka ng pera kaya kinukulit mo nanaman ako?!"
Napatahimik ang kabilang linya.
"Tama.. Teka, hindi ba iyon ang gusto mo? Ang maglaho ako....? Unless gusto mong bigyan mo ako ng pera tapos tawagan kita araw araw....hindi kaya mahalata ni Trevor...?"
BINABASA MO ANG
Making Love with Trevor PG13
General FictionA story of a guy who is keen in settling down and a girl who is up for his body. Will Making Love beat the pleasure of Pure Sex? Let's find out. (MATURE CONTENTS)