KABANATA 7

443 12 8
                                    

Inayos ko na ang labi ng aking kapatid,until now,hindi parin ako naniniwala na wala na si Danica.Bumabalik pa sa aking pananaw ang kanyang mga ngiti sa akin,ang huling bigkas nya ng i love you,napasabunot ako ng buhok habang patuloy sa pag-agos ang aking luha na nakayuko.Dito ako ngayon sa room ni mommy,kahit papano okay naman ang lagay ng aking ina.

"Nasa tabi ni mommy si daddy na kita din ang pagod at lungkot sa pangyayari.Nasa ganon akong sitwasyon ng may kumatok,tumayo ako at binuksan ang pinto.Nakita ko ang malungkot na mukha ng aking mga kaibigan at puno ng pag-alala.

"Condolence dude,sabi ni Sky sabay tapik sa aking balikat,malungkot akong tumango sa kanya.Lumapit si Jayden sa akin,nakikiramay ako sa nangyari kay Danica,kita din ang lungkot sa mukha nito."Sorry for your loss dude,sabi ni Thunder sabay yakap sa akin,kaya mo yan tol be strong lang sabi nito bago humiwalay sa akin.We gonna help you dude,sabi ni Wave na lumapit at yumakap din sa akin.Ang mga kaibigan ko na loko-loko pero pag may problema,nandiyan sila para sumuporta.Lumapit din sila kay daddy at naghayag ng kanilang pakikiramay.

Sabay-sabay kaming pumunta sa police station para malaman kung ano talaga ang nangyari.I ask my friend na lawyer to handle the case of my sister.Nakarating na kami sa police station,nagulat ako ng makita ko si Mr.Mauricio Ramos na kinakausap ng isang pulis.Hinarap kami kaagad ng Hepe.Nagulat din si Mr.Ramos ng makita ako nito.

Pumasok kami sa opisina ng hepe,naiwan ang aking mga kaibigan sa labas.Sa harap kami ngayon ni Mr.Ramos ni Chief of Police.Falcon Gabayno.Nagtataka ako bat nandito si Mr.Ramos.Tumikhim ang hepe para makuha ang aming atensyon.

"Mr.Ramos,ang anak nyo na si Jessica Ramos, ang kabangga-an ni Danica Stewart sa isang aksidente.Hindi ako makapaniwala ang anak nito ang nakabangga ng aking kapatid.According to our investigation,nakainom ang iyong anak,pero hindi sya lasing.At sa tamang lane ang takbo ng kanyang sasakyan,saad ng hepe na tumingin sa akin at kay Mr.Ramos.At sa nakakita ng pangyayari,Mr.stewart,mabilis ang takbo ng sasakyang ng iyong kapatid.Na parang hindi kontrolado ng kapatid mo ang takbo.

Sa ngayon hindi tayo makakapagsampa ng kaso sa anak ni Mr.Ramos dahil sa kung titingnan at ayon sa pag imbistega ang kapatid mo ang may mali,Mr.Stewart,dagdag ng Hepe.Siya ang bumangga sa sasakyan ni Jessica Ramos.Since under recovery pa ito,hindi pa natin makuhaan ng kanyang pahayag.

Nakatingin si Mr.Ramos sa akin ng malungkot.Napahawak ako sa aking sentido,hindi ako naniniwala na ang kapatid ko ang may kasalanan.Maingat itong magmaneho,kilala ko ang aking kapatid.

Hinampas ko ng malakas ang mesa ng Hepe,matalim ko siyang tiningnan,paano mo nasabi na ang kapatid ko talaga ang may kasalanan.Dahil nasa wrong lane ang aking kapatid?dahil sa nanakita na mabilis ang pagpapatakbo nito?Bakit hindi nyo muna imbistigahan ng mabuti ang anak nito,sabay turo ko kay Mr.Ramos.Nakatiimbagang kong sabi,im fucking pissed and mad.

Mr.Stewart huminahon ka muna,ang sinasabi ko ang nakuha na naming impormasyo sa aming pag imbistiga at sa nakakita,sir.Wag kang mag-alala we gonna do more deep of investigation regarding your Sister"s case.Pampakalma sa akin ng Hepe.

"Im sorry Mr.Stewart for your loss,kilala ko ang anak ko,at alam kong akisdente lng ang nangyari.Kung may pagkakamali ang aking anak,harapin namin ang kasong isasampa nyo sa kanya.Antayin ko lng na gumaling sya para makuha din ang side nya sa mga nangyari.

Nanginging ako sa galit na nakakuyom ng mahigpit ang aking kamay.Sorry,Mr.Stewart sa ngayon,wala tayong kasong pwedeng isampa sa kay Ms.Ramos.Galit akong lumabas sa opisina nito at pabagsak na sinara ang pinto.

Lumapit ang aking kaibigan ng makita akong lumabas,sinenyasan ko silang uuwi na kami.Sinabi ko sa kanila ang pinag-usapan namin sa loob.Nasa isang sasakyan lng kami.Walang umimik sa kanila sa aking pinahayag."Sana kung may surveyllance camera sa part ng pinangyarihan at malalaman natin ang nangyari,sabat ni Sky sa akin.Tumango naman sila maliban sa akin na tahimik habang nakakuyom ang aking mga kamay.

When She's Gone (BILLIONAIRES SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon