"Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman kong parang hinahalukay ang aking tiyan."Tinakbo ko na ang banyo,suka ako ng suka na wala namang lumalabas sa aking tiyan.Namumula na ang aking mukha,at napaluha na ang aking mata habang naka upo sa harap ng toilet.Nanghina ang aking katawan na nahihilo ang aking ulo.
"Hatinggabi na kami nakauwi mula kina Chloe,ayaw nga sana kaming pauwiin ni Chloe kaso ayaw ni Red,nagpupumilit talaga itong umuwi."At ito dito siya natulog sa room ko,wala na akong nagawa nang kinutsaba niya si Von,pumayag nalang akong katabi kami matulog.Naayos na sa amin ni Red ang lahat,at kasal pa kami kaya asawa niya parin ako,hindi niya pinirmahan ang annulment na binigay ko sa kanya.
"Tininganan ko ang oras,five in the morning,im thinking kung ano ang nakain ko na kinasama ng aking tiyan.Pero lahat nga ng hinanda ni "Myloves"paborito ko.
"Ohhh,shit,napahampas ako sa aking noo ng may maalala ako."Nakalimutan ko na hindi pala ako dinatnan nitong buwan."I need to be sure na totoo ang hinala ko,bukas pupunta ako ng pharmacy,pupunta pa naman si Red sa office sa umaga kaya makasalisi akong makalabas na wala siya."Napahawak ako bigla sa aking tiyan,nanaiyak ako."Naalala ko tuloy ang baby angel ko.Bukas dadalaw kami sa kanya bago pumunta sa aming lilipatan.
"Naghilamos ako at nag toothbrush bago bumalik sa higaan,uminom ako ng isang basong tubig,medyo gumaan na ang aking pakiramdam."Mahimbing ang tulog ni Red habang yakap ang unan na pinalit ko kanina,nakayakap kasi siya sa akin,ayaw kong madisturbo ang tulog niya kaya pinalitan ko ito ng unan.
"Bumalik na ako sa paghiga,nakaharap ako ngayon sa aking asawa,ang guapo talaga ng hinayupak,kinurot ko ang matangos niyang ilong,kakagigil,ang mapula niyang labi na bahagyang nakabuka habang mahinang humihilik,sarap halikan,ang makapal niyang kilay,ang natural na haba ng pilikmata,hinimas ko ang kanyang mukha,sarap pugpugin ng halik,kakagigil,hindi ko napigilan at kinurot ko ang kanyang pisngi."Hhhhmmmm,baby...nasabi niya habang nakapikit ang mata.
"Naramdaman kong may humahalik sa aking pisngi at leeg,"Baby,wake up,dinig kong sabi nito sa aking tainga,i prepared a breakfast for you and Von,dagdag nito,at pinulupot ang braso sa aking baywang.
"Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata at tiningnan ang oras sa side table.Lumaki ang aking mata,nine na ng umaga,napasarap pala ang aking tulog."Goodmorning baby,bati ni Red sa akin,ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg.
"Goodmorning babe,bati ko din sa kanya,gising naba si Von,tanong ko dito."Yes,baby his waiting for us,bangon na asawa kong maganda,paglalambing pa nito sa akin."Hinampas ko siya sa braso,nambola kana naman,alisin mo nga braso mo at ng makabangon ako,singhal ko sa kanya."Hhhhmmm,his pouting na parang bata sa akin,totoo namang maganda ang misis ko ah,tataas-taas pa ang kilay habang tinutukso ako.Pinaikotan ko siya ng mata,mauna kana susunod na ako,utos ko dito.
"Sabay na tayo bumaba,sasamahan muna kita sa banyo,at napangisi ng nakakaloko.Binato ko siya ng unan,alam ko na ang laman ng utak mong hinayupak ka,walang kapaguran sa dyugdyugan,nakadalawa kana pag uwi natin kagabi,sinamaan ko siya ng tingin,kaya ayaw niyang mag overnight kina Chloe,kasi may binabalak ang hinayupak."Ang sarap mo kasi wife,masisi mo ba ako,sabay kindat sa akin.
"Red Stewart,umalis kana sa harap ko,masuntok talaga kita,ang aga-aga ang kahalayan ang laman ng isip."Galit ko siyang tiningnan.
"Pikon naman ng baby ko,"hhhmmm bumibigay din naman,pagalit-galitan,pero tumitirik din ang mata,pang-aasar nito sa akin sabay takbo palabas ng pinto.Dinig ko pa ang malakas na tawa nito.Ang g*go talaga,ng hinayupak walang preno ang bunganga,pulang-pula ang aking mukha sa hiya.Lakas mang-asar,parang hindi CEO,kung umasta.
"Hinatid ko sa labas ang aking anak at asawa,gusto siyang isama ng Daddy niya papuntang opisina,pinagmamayabang ba naman sa anak ang malaking kompanyang pag-aari nito.Panay pa ang tanong ng kanyang anak,habang naglalakad kami pupunta sa sasakyan nito.Masayang sinasagot ng ama ang kadaldalan ng anak nito.Nakaabang na ang kanyang driver at mga bodyguards.Ang guapo talaga ng anak ko naka 3 suits ito kagaya ng kanyang ama.Mini-me talaga ni Red,lahat kuha niya sa ama.Masayang binati ni Von ang mga tauhan ng kanyang ama,nakipag fistbump pa ito sa kanila,bibong-bibo talaga ang aking anak,pag kami ang kaharap,pag sa ibang tao,Red na Red na ang ugali.
BINABASA MO ANG
When She's Gone (BILLIONAIRES SERIES 2)
RomansaYou can't blame someone for walking away,if you didn't do anything to make them stay!.Red Stewart