Sa bugso ng mga tao sa Calle Crisologo ay napili ni Leni na mamili na lamang ng bibilhin niyang mga souvenirs na ibibigay nila sa mga kaklase at mga miyembro ng ibang club na hindi pinalad na makasama sa school trip. Namimili siya ng mga pagkain at mga souvenirs na aangkop para sa mga bibigyan nito.
Leni is currently at a souvenir shop in Calle Crisologo—choosing some pasalubong to give those students, her parents, and her sister. There were so much to choose from since it’s a large, there were large quantities of food products, things such as handkerchiefs, keychains, ornaments, display figures, and more.
“Leni!” Napalingon si Leni nang makita niya si Sara na tumatakbo palapit sa kaniya, she smiled and nodded as a reply.
“Namimili ka na ng mga pasalubong?” Sara added, dahilan ito upang tumango muli si Leni.
“Yeah, samahan mo kaya akong mamili.” Leni requested, pumayag naman si Sara sa kaniyang gusto.
“Sige ba, patingin ako riyan.” Kaagad na lumapit si Sara kay Leni upang mamili ng maganda at angkop na pasalubong.
“Ano bang magandang bil’hing pasalubong? Naguguluhan ako, ang dami kasing maganda rito eh. I can’t choose properly.” Nagpatulong na si Leni sa pagmimili ng pasalubong.
“Keychains na lang siguro, o kaya panyo or whatever. Nakaisip na ’ko ng ipapasalubong sa parents ko eh, sa iba na lang ang hindi.” Dagdag pa ni Leni.
“May tinda naman silang cookies dito, maybe tig-iisang mga box para sa bawat tao. I would prefer the longganisa though, pero baka kasi mapanis since hanggang bukas pa tayo rito sa Vigan.” Suhestiyon naman ni Sara.
“What about a box of cookies and a keychain? Puwede na ’yon.” Leni announced, Sara just smiled and she already went to choose the best cookies and keychains. Si Leni naman ay nagtungo sa t-shirt section para tumingin naman ng ipapasalubong kay Salvacion, Antonio, at Lourdes.
“Siya nga pala, nasa’n si Pia?” tanong ni Leni habang tinitignan nito ang mga t-shirt na may mga tatak ng Vigan—madalas ang tatak ay ang Calle Crisologo.
“Maglilibot pa raw siya kaya pinabayaan ko na lang, pero alam ko naman kung sa’n pupunta ang babaita. Pupunta ’yon sa resto kasama si Lito para kumain ng tanghalian.” Ngumisi si Sara, saglit pang napalingon sa kaniya si Leni at nagtataka itong nagtanong.
“Bakit? Ano bang siste kay Pia?” she asked. Naguguluhan si Leni sa mga pinagsasasabi ni Sara sa mga oras na iyon.
“I saw the convo between her and Lito earlier when she’s busy reading her fortune. Pinahawak niya sa ’kin ang cellphone niyang sa una pa lang eh nandidiri na ’kong hawakan dahil nga alam mo na kung sa’n niya ’tinago.” Nagsimula itong magkuwento habang namimili siya ng mga keychain.
“Pinilit niya ’kong pahawakan and wala naman akong nagawa. Then no’ng pinahawak niya sa ’kin ’yong cellphone niya, nag-notify ang message ni Lito sa kan’ya. It seems that she’s entertaining Lito all along, ’di lang niya ’yon pinapakita sa ’tin kasi nahihiya siya. If I were her, I would feel the same though. I can’t blame her for that.” Dagdag pa nito.
“Yeah, if I were her I would’ve done the same thing also. It’s hard to let people know na in a relationship ka.” Tugon naman ni Leni, she then chose three t-shirts to give both her parents and her sister
Habang namimili si Sara ng mga cookies ay napansin niyang pumasok sa loob ng shop si Bongbong na wari ba ay may hinahanap, Bongbong then looked at the beautiful ornaments and he’s ready to buy two or three. Napangisi naman si Sara at nagdesisyong lumapit sa binata.
“Hey, Ferdinand! Nice seeing you here!” she chimed in. Napalingon naman si Bongbong kay Sara at napangiti rin ito, lumapit si Sara sa binata upang papiliin ito kung anong keychain ang mas maganda.
BINABASA MO ANG
Hatsukoi
FanfictionA BongLeni Fanfiction. With a new school year comes a new group of classmates, including aspiring writer Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and track and field team member Ma. Leonor "Leni" Gerona is assigned to the same class. Despite being complete s...