Dumukdok si Leni sa kaniyang study table at napabuntong-hininga sa pag-iisip sa kung anong dapat gawin sa relasyon nila ni Bongbong ngayon, kaagad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at ipinunta ito sa Google upang mag-search ng tungkol sa teenage relationship.
Dali-daling lumabas ang mga resulta ng kaniyang hinahanap, bumungad sa kaniya ang isang artikulo na nagsasabing, “Ang mga bagay na ’di mo dapat gawin kapag ika’y nasa isang relasyon.” Leni didn’t hesitate to open the article, there, she saw various tips on relationships.
“Una, dalas-dalasan ang pagte-text, LINE, o pagcha-chat. Ayaw ng mga lalaki ng mga babaeng papansin.” Binasa ni Leni ang unang tip.
“Pangalawa, pag-isipan mo ang nga isasagot mo sa jowa mo, ’wag Kang sasagot kaagad pero ’wag mo rin siyang paghintayin ng matagal.” Napakunot ang noo ni Leni nang mabasa iyon, saglit niya pa itong inisip at nakuha rin naman niya ang nais nitong iparating.
“Pangatlo, ’wag na ’wag kang magsasabi sa iba ng tungkol sa relasyon niyo ng jowa mo. Mahirap na’t napakaraming ahas sa mga panahong ito.” Nang mabasa ni Leni ang pangatlong tip ay pinatay niya ang cellphone niya at dumukdok muli siya sa kaniyang lamesa.
“Napakahirap palang makipag-relasyon.” She exhaled talking to herself. Suddenly, she heard that her door opened. Iniluwa ng kaniyang pintuan si Lourdes na ngayon ay katawagan ang kaniyang kasintahan sa telepono nito.
“Ang kulit mo naman, Babe! Pero kinikilig ako sa ’yo ah, ang sweet mo. Sige bye na!” Lourdes was filled with romantic excitement when she got into Leni’s room for some shampoo.
“Kuha ako ng shampoo, Leni.” Paalam niya sa kapatid niya at kumuha na rin siya kaagad ng isang sachet sa cabinet nito.
“Ate Lourdes...” Pinutol ni Leni ang kaniyang ate at bumangon siya sa pagkaka-dukdok sa kaniyang lamesa, kaagad naman din siyang tinignan ni Lourdes.
“Bakit, Leni?” tanong nito. Medyo nahiya pa si Leni sa itatanong niya ngunit nasambit niya naman ito makalipas ang ilang segundong pananahimik.
“Ate, ano po bang dapat niyong gawin kapag may jowa ka na?” tanong ni Leni kay Lourdes. Pasimple namang nginisian ng kaniyang ate si Leni at mabilis itong lumapit sa kaniya.
“Ahoy! May jowa ka na ano?” pang-uuyaw ni Lourdes sa kapatid. Napaiwas naman ng tingin si Leni dahil nahihiya na ito.
“Oo, Ate Lourdes, gano’n na nga.” Pasimpleng tugon niya.
“Ay dalaga na talaga ang kapatid ko!” Binigyan ni Lourdes si Leni ng isang mahigpit na yakap, sobra ang kilig na nadarama nito at halos hindi na makahinga si Leni nang dahil sa pagkakayakap ni Lourdes sa kaniya.
“’Di ako makahinga ate!” Leni complained once she felt the pressure on Lourdes’ hug, Lourdes then immediately released her and pinched her chin because of excitement.
“Alam mo, Leni. Sa mga kaedad mo, ang madalas lang ginagawa nila eh ’yong naggagala—date kung baga, sabay silang lumalakad pauwi, saka normal lang din na tanggapin mong bisita sa bahay mo ang jowa mo.” Lourdes advised, bahagya namang napakunot ang noo ni Leni nang marinig niya ang huling sinabi ng kaniyang kapatid.
“Imbitahim sa bahay, huh?” tanong niya sa kaniyang sarili.
“Oo, normal lang naman ’yon, ’no ka ba?” tawa naman ni Lourdes.
“Pero...”
“Sila Mama at Papa? ’Di mo pa ba nasasabi?” Pinutol ni Lourdes si Leni.
“’Wag mo munang sabihin, pabor lang, Ate?” Huminga nang malalim si Lourdes at nginitian na lang niya ang kaniyang kapatid.
“Alam mo, gan’yan din ako sa ’yo nang makilala ko ang jowa ko. Nininerbiyos, ’di ko alam ang gagawin ko, at higit sa lahat... ayo’ko munang malaman ’yon nila Mama at Papa noon.” Ngiti niya, saglit siyang tumigil sa nagsalita siyang muli.
“Pero nang malaman ko ang mga basics sa pakikipag-relasyon, mas matuto pa ’ko at mas nagkaro’n pa ’ko ng confidence na iharap ang boyfriend ko kila Mama at Papa.” Ngiti pa nito.
“Susuportahan kita, pero naiintindihan kong ’di ka pa handang ipakilala kila Mama at Papa ngayon ang jowa mo. Balang araw ay matututo ka rin, Leni. Basta’t pagbutihan mo lang at ’wag na ’wag kang mang-iiwan, ’di baleng Ikaw ang iwanan. Kahihiyan ’yon.” Pasimpleng ngumisi si Lourdes at tuluyan na ngang lumabas ng solid ni Leni.
“Si Ate talaga, kasasagot ko pa nga lang kay Ferdinand tapos ang pagbre-break kaagad ang iniisip.” Huminga siya nang malalim at hinawakan niyang muli ang kaniyang cellphone.
***
Umupo si Bongbong sa kaniyang study table at inilabas nito ang kaniyang libro, papel, at ballpen upang libangin ang sarili sa pag-aaral para huwag nang sumagi sa kaniyang isipan ang patungkol sa kung ano man ang estado ng kanilang relasyon ni Leni.
Pero pilit pa rin itong sumasagi sa kaniyang isipan, hindi mawala sa kaniyang utak ang mga pinag-usapan nila ni Ramon habang naglalakad sila pauwi sa kanilang mga tahanan. Pinag-iisipan niya ang mga sinabi ni Ramon sa kaniya.
“So you’re in a relationship, huh?” tanong ni Ramon. Itinutulak niya ang kaniyang bisikleta habang pinagmamasdan niya ang mga ilaw ng mga kabahayan mistulang mga bola ng liwanag sa gitna ng dagat ng kadiliman.
“Opo, Kuya Ramon, so... ano pong bang dapat niyong gawin kapag nasa isang relasyon kayo?” Bongbong asked him confidently, pasimple na lamang ngumiti si Ramon at inihain niya na ang kaniyang sanaysay.
“Alam mo, Bongbong, base lang ’tong advice ko sa mga ginawa ko no’ng binata pa ’ko.” Napakamot si Ramon sa kaniyang ulo at ngumisi siya.
“Any advice would do, Kuya Ramon. I just need it for some enlightenment, para sa advice at para na rin sa nobela ko—atleast ’di ako nagsinungaling sa inyo sa bagay na ’yon.” Ngisi rin naman ng binata, pasimpleng ngumiti si Ramon at tumingin siya sa kalangitang napupuno ng mga bituing nagniningning.
“When I met your Ate Luz when I’m on highschool, my world turned on slowly like a vintage film. Katulad mo, nagtanong-tanong din ako about sa topic na ’yan. At... ito ang isa sa mga advice sa ’kin na talagang nagamit ko.” Nakangiting tumingin si Ramon kay Bongbong matapos niyang pasimulan ang kaniyang payo.
“Ano po ’yon, Kuya Ramon?” Bongbong asked him again. It made him blush a little but the darkness in their path hid Ramon’s turning red face. Ramon chuckled, he looked at the sky once again.
“Someone told me to drag who you love or like to your favorite place, the place that gives you comfort, the place that you adore—your haven.” Ngiti niya kay Bongbong, saglit pang napakunot ang noo ni Bongbong at nagtanong muli siya.
“Your favorite place?” he asked. Ramon nodded while smiling as a reply.
“The library, it might work out since we both like books.” Ramon suggested making Bongbong smile.
“Tama po kayo, I’ll try to invite her there.” He replied to Ramon. Seconds later, they parted ways.
~Relationship Advice.
BINABASA MO ANG
Hatsukoi
FanfictionA BongLeni Fanfiction. With a new school year comes a new group of classmates, including aspiring writer Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and track and field team member Ma. Leonor "Leni" Gerona is assigned to the same class. Despite being complete s...