Chapter 34:

84 7 17
                                    

Mabilis na tumatakbo si Leni patungo sa library habang nakangiti siya, nananabik siya sa makasama nang solo si Bongbong at sa wakas ay makakapag-usap na rin sila nang sila lamang dalawa. When she reached the door of the library, she gradually took a deep breath and she put her hands inside his pocket—getting her teddy bear stuffed toy.

Saglit niyang pinisil-pisil iyon bago siya nagdesisyong pumasok na nga sa loob, she then opened the door and the smell of the well-maintained library got on the tip of her nose. It was mesmerizing, malamig din sa loob dahil sa nakasinding aircondition.

She closed the door and she walked inside, pero kaagad niyang narinig sa ’di kalayuan ang isang lalaki at babaeng nag-uusap sa isang table. Pamilyar sa kaniya ang boses ng dalawa, hindi siya maaaring magkamali.

“I’ll ask my parents to get me there, then.” Sara smiled to Bongbong as they talk to each other, wala ngang nagawa si Bongbong kung hindi ang sakyan na lang ang lahat.

“Salamat ha, kung ’di dahil sa ’yo baka naghahanap pa ’ko ngayon. You saved my life!” tawa pa nito. Saglit pa ay nakita na nga ni Bongbong si Leni na nakatayo sa hindi kalayuan, napaiwas ito ng tingin dahilan kung bakit nagtaka si Sara at tignan ang tinignan nito kanina.

“Leni?!” gulat na tanong ni Sara. Saglit nang napatayo si Bongbong sa upuan nito habang tingnan niya na nang diretso ang dalaga.

“Teka... kayo ba eh—” she didn’t had the chance to continue her sentence when Leni talked back.

“Ha? Ay hindi, hindi, wala! Napadaan lang ako rito kasi may ipinakukuhang libro si Prof Miriam!” kaagad nitong tanggi.

“Ay, akala ko naman kung ano. Okay lang ’yon, ’di ba, Ferdinand?” Bumaling ng tingin si Sara kay Bongbong na ngayon ay naiipit na sa situwasyon.

“Ah, oo.” Pasimple nitong ngiti.

“Alam mo kasi, papasok ako sa cram school kung sa’n pumapasok si Ferdinand. No’n pa kasi ako humahanap ng cram school na matino-tino kasi tagilid ’yong grades ko, alam mo naman ’yon, Leni.” Nanlaki ang mga mata ni Leni nang marinig niya ang sinabi ni Sara.

“Ano? Talaga ba?” tanong niya naman.

“Yeah, gusto samahan mo ’kong bisitahin ’yon after ng club natin?” tanong naman ni Sara.

“Ay, hindi na siguro ako makakaabot. Marami rin kasi akong priorities ngayong araw, may isa nga lang na parang hindi ako ang priority.” Tumawa siya, pero sa pagtawa niyang iyon ay makikita sa sarili niya ang nadarama nitong pagseselos.

“Ay gano’n ba, okay lang naman. Aalis na ’ko ah. Salamat ulit, Ferdinand.” Ngumiti kay Bongbong si Sara at Minsan pang humawak sa balikat nito na mas lalo pang ikinakulo ng dugo ni Leni. Pasimpleng huminga nang malalim ang dalaga at pinigilan niya ang kaniyang sariling mag-react.

“See you around, Leni.” Paalam niya naman sa kaibigan at tuluyan na ngang umalis si Sara sa library. Nang makalabas sa pintuan si Sara ay dito na nakahinga nang maluwag si Bongbong, pero si Leni... hindi pa yata.

Tinignan ni Leni si Bongbong na para bang hinugusgahan nito ang buong pagkatao niya. May galit—kung galit nga ba? Halo-halong emosyon, basta’t ang nararamdaman ni Leni sa kasalukuyan ay ang pagseselos.

“Ano... gusto mo rin bang sumama do’n sa cram school—” Bongbong attempted to have a proper conversation with Leni, but she stopped him from speaking by interrupting him.

“Hindi! Kumain na lang tayo ng tanghalian.” Pero kahit na gano’n, alam naman ni Leni ang sitwasyon. Kahit galit siya, alam niya ang limitasyon niya.

***

“Isa, dalawa, tatlo... takbo!” sigaw ni Kiko. Leni ran as fast as she could but she couldn’t help but to think about what happened at the library earlier at lunch. Dahil dito ay hindi siya makatakbo nang maayos.

HatsukoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon