Isang araw matapos ang school trip ay balik klase nanaman ang mga mag-aaral ng Epiphany Christian Academy, ngayon ay nagsisi-pasukan na ulit ang mga mag-aaral sa eskuwelahan matapos makapagpahinga sa dalawang araw na galaan.
“Alam niyo, sobrang naiinis talaga ako sa mga nangyari no’ng school trip. Ito na yata ang pinaka-nakakabanas na naranasan ko sa buong talambuhay ko.” Grace ranted to her friends, Nancy Binay and Loren Legarda as soon as she reached her chair, she sat down and she leaned her head on the armchair while slightly banging it on.
“I was about to lose it, alam niyo ba?! If it weren’t from my long patience, baka napatay ko pa siya.” Napalingon ang kapwa nila mga kaklase Kay Grace na umagang-umaga pa lang ay parang sinasapian na ng treseng demonyo sa sobrang pagka-bagabag.
“He’s really not thinking about how I feel, like... he’s not thinking about anything! It’s unbelievable, I tell you all, unbelievable!” Grace shouted in rage, napatingin naman sa kaniya ang iba pang mga estudyante na naroroon sa kanilang classroom.
“Magtigil ka nga, Grace, umagang-umaga eh inuumpisahan mo kaagad kami! You chose that boy, commit with that boy! Saka bakit parang puro mali ang nakikita mo sa kan’ya eh napakabait na tao ni lyang si Isko?” Pinunan ni Ping ng pansin ang pagsisisigaw ni Grace.
“’Wag ka ring maingay dahil nagrereview ako sa quiz dito oh, ’di lang ikaw ang may karapatang maging annoyed. Mag-review ka na lang kiidi sa quiz para magkaro’n ka naman ng worth para kay Isko.” Napalingon naman si Grace kay Koko na ngayon ay halos masunog na ang kilay sa kare-review niya ng coverage ng kanilang quiz mamaya.
“Tama si Koko, Grace, you need to have worth for somebody who’s already a million times worthy to obtain. You’re lucky enough to deserve Isko yet you complain dahil mas tuon ang atensiyon niya kila Panfilo at Ferdinand kaysa sa ’yo, like girl, may sariling buhay din ’yong tao!” Napalingon naman si Grace kay Cynthia na ngayon ay nagbabasa rin ng kaniyang reviewers.
“Kaya nga, Grace. Si Isko na yata ang dream boy ng lahat ng mga babae at beki rito sa Epiphany, napaka-swerte mo, sa totoo lang. Alam nating lahat na mabuting tao at considerate ’yabg si Isko, kaya kung ’di ka niyang napagbigyan no’ng school trip eh pabayaan mo na lang.” Sabad naman ni Nancy.
“To be considerate enough is an option, Grace. Considering that Isko is considerate enough to spend some time with you, yet you still don’t consider his efforts doesn’t make him less considerate, it makes you.” Napatingin si Grace at Nancy kay Loren na ngayon ay nakatuon ang atensiyon sa binabasa nitong literature book.
“Hindi ko ma-conprehend, Loren, ang lalim eh!” Napahagalpak kaagad ng tawa sila Nancy at Grace nang banggitin ni Nancy ang mga bagay na iyon, Loren however just kept her mouth shut while still reading that book.
Saglit pa ay napalingon naman si Grace sa katabi nitong si Manny, she was expecting him to say something but Manny just went blank for a couple of seconds. Nagtaka si Manny kung bakit siya tinititigan ni Grace at saka na lamang niya napagtanto ang mga nangyayari.
“Ambot sa imo.” (I don’t understand you.) Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at dinala niya ang kaniyang binabasang libro para mag-review sa incoming quiz.
Hindi naman kumikibo si Leni na ngayon ay nakaupo sa kaniyang armchair sa may gawing harap ng classroom, nagre-review din siya para sa quiz nila ngunit nais niyang marinig ang hinanaing ni Grace at pagtutol ng kapwa nila mga kaklase sa dalaga.
Saglit pa ay nakita ni Leni na pumasok si Bongbong sa kanilang classroom, tinignan niya ang binata at tumingin din naman pabalik si Bongbong. He smiled to Leni making her smile too—blushing at the same time. Tinakpan niya ng panyo ang kaniyang mukha dahil sa nararamdaman nito.
Nang umupo na nga si Bongbong sa kaniyang upuan ay nanatili pa rin siyang tinitignan ni Leni, paminsan-minsan ay nagtatama ang kanilang mga mata. Sa mga sumunod ngang oras ay dumating na si Professor Miriam upang simula ang panibago nanamang araw ng kanilang klase.
Ngunit... sa kabila ng pagiging magkasintahan nila Leni at Bongbong ay wala pang ibang nakakaalam na sila na pala.
***
“You need to take your studies a little further, Mister Marcos. I’ve got high hopes that you can be the valedictorian of this year’s batch. Besides, the first semester will be over soon and the semestral exams are coming.” Napatango si Bongbong sa sinabi sa kaniya ni Professor Miriam nang ipatawag siya nito sa faculty room ng kanilang eskuwelahan.
“Pardon me, I’m just asking for the stock room key po, Prof Miriam?” Kapwa napalingon sila Bongbong at Professor Miriam sa nagsalita noon, it was Sara. She didn’t mean to intrude though.
“Here oh, sana next time ay kumatok ka muna bago ka pumasok.” Sarkastikong ngumiti si Professor Miriam sa dalaga, napaiwas naman ang tingin ang dalaga at pasimple na lamang na umalis.
“As I was saying, kapag nakakuha ka ng mataas ngayong school year, posible kitang mai-recommend sa principal natin para pag-aralin ka sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila.” Nanlaki ang mga mata ni Bongbong at napasinghap nang marinig niya iyon mula sa kaniyang guro.
“Talaga po?!” he exclaimed in pure joy. Napangiti na lamang din si Professor Miriam nang malamang natutuwa ang binata dahil dito.
“What was the course you desire to choose for college again?” nagtanong naman si Professor Miriam. Kaagad naging seryoso ang mukha ni Bongbong at sinagot niya ang tanong.
“Education po, Bachelor of Secondary Education.” He answered, dito na napangiti si Professor Miriam at tinanggal niya ang salamin sa kaniyang mga mata.
“Good choice, you chose the best course. Walang iba pang mas masaya kung ’di ang magturo, grasp that dream and don’t let it slip away.” Ngiti niya sa binata.
“Sa’n mo balak magturo kung makakapasa ka sa LET?” she asked again. Bahagyang napayuko si Bongbong at ngumiti siya.
“I was thinking the same thing, Professor. Naisip ko po na if ever na makakapasa po ako kaagad sa board exams, I would go back here in this school again—not to learn but to teach.” Ngiti ni Bongbong.
“It looks like I’ve found the right person at last, study well, Ferdinand.” Bahagyang nagulat si Bongbong nang hawakan ng propesor ang kaniyang kamay habang nakangiti ito.
“Kapag wala na ’ko rito, ikaw naman.” Ngiti niya, matapos ang ilang segundo ay bumitaw si Professor Miriam sa pagkakahawak sa kamay ni Bongbong ay pasimple na lamang itong ngumiti.
“Ipagpatuloy mo ang pagkuha ng mataas, Ferdinand. Now, you’re dismissed. Magandang hapon ulit at salamat dahil binigyan mo ’ko ng oras na makausap ka.” Professor Miriam added to what she said.
“I will, Professor, kindly excuse me.” Ngiti niya at tuluyan na ngang lumabas ng faculty room.
~Dream or Future?
BINABASA MO ANG
Hatsukoi
FanfictionA BongLeni Fanfiction. With a new school year comes a new group of classmates, including aspiring writer Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and track and field team member Ma. Leonor "Leni" Gerona is assigned to the same class. Despite being complete s...