Chapter 37:

82 9 20
                                    

Four days before the regional track meet. Katatapos lang ng practice nila Leni, Pia, at Sara para sa kanilang laban at kasalukuyan silang kumakain ng ice cream habang nakaupo sa isang bench sa tabi ng creek malapit sa kanilang eskuwelahan.

Tatlo silang nakaupo sa mahabang bench. Sa kanan ni Sara nakaupo si Pia, sa kaliwa naman si Leni, at si Sara naman ang nakaupo sa gitna.

“Ang ganda ng timing mo, Sara! Partida, nagcra-cram ka pa ah, kung ako ikaw eh ’di ko mababalanse ang pagcra-cram at pagtakbo nang maayos. Maybe I have to give up one to improve on the other.” Puri ni Pia kay Sara habang kumakain ito ng ice cream.

“Well, I need to improve faster dahil sa susunod na linggo na ang track meet.” Ngiti naman ni Sara na siyang ice cream din ang kinakain.

“Maybe you’ll make it to the Nationals! Galingan natin ah, dalawang place lang daw ang kukunin para makapasok ka sa Nationals.” Pia shared once again.

“We already knew, kinakabahan nga ’ko eh. Baka matalo ako, baka kung anong mangyari or such. Pero may tiwala naman ako sa sarili ko, and I don’t doubt that.” Nakangiti namang saad ni Sara.

“Makukuha mo ’yan, baka nga maka-ginto ka ulit eh!” Pia encouraged her once more but Sara just laughed at it, hindi naman hinihiling ni Sara iyon.

“Seriously? ’Wag mo ’kong ine-echos ah!” tumawa ang dalaga.

“Oo naman, ikaw pa! Pagsusumikapan ko rin, pati na rin si Leni, ’di ba?” Bumaling ng tingin si Pia kay Leni na nakaupo sa gawing kaliwa ni Sara.

“No one knows, ’di ko rin naman masasabi.” Pasimpleng ngumiti si Leni.

“Anong flavor ba ng ice cream ang kinuha mo, Pia?” iniba ni Sara ang ussapan.

“Rocky road, bakit ba?” tanong naman ni Pia pabalik.

“Patikim ako!” Hindi pa man nakasasagot si Pia ay kaagad nang kumagat si Sara sa ice cream.

“Hoy! ’Di pa ’ko umo-oo, nakakainis ka!” Pia pouted, napatawa na lang si Sara dahil doon.

“Ang sarap! Ikaw, Leni, anong flavor ’yong sa ’yo?” ngiti naman ni Sara kay Leni.

“Strawberry vanilla, gusto mo?” ngumiti si Leni sa dalaga. Inalok niya ito kaya naman kaagad ding sumagot si Sara.

“Ay sige, patikim ako!” Kaagad na kumagat si Sara sa ice cream ni Leni, pinagmasdan niya ito habang kumakain. She couldn’t stop thinking that Sara—her best friend, likes his boyfriend.

“Ang sarap! Salamat, Leni!” Sara thanked her.

“Sa susunod ’yong flavor na binili ni Leni ang bibilhin ko.” Nagpanggap na lang si Leni na hindi siya nakakadama ng inis sa kaniyang kaibigan.

Hindi naman niya masisisi ito, Sara doesn’t know that Bongbong already has a girlfriend. No one can blame her for liking a taken boy because she doesn’t know anything about the relationship between the boy that she likes and another girl.

***

“I’ve heard that your scores on the exams got released these past few days, kamusta score mo?” Imelda asked Bongbong while she’s cooking at their kitchen, nakaupo naman si Bongbong sa hapag at kasalukuyang nagbro-browse sa social media.

“Okay lang naman po ang grades ko, Inang. Sandali lang po at kukunin ko ang mga test papers ko.” Umakyat si Bongbong sa kaniyang kuwarto at kinuha nga niya ang kaniyang mga test paper na kabibigay lang din, matapos iyon ay bumaba siya at nagtungo muli sa kusina.

HatsukoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon