“Literature, Psicom Publishing Incorporated.” Binasa ni Bongbong ang nakasulat sa magazine na kasalukuyan niyang binabasa, nakaburaot siyang tumingin doon. Nababanaag mula sa loob ng simbahan kung saan siya naroroon ang katahimikan dahil sa walang gaanong tao sa lugar dahil weekdays.
He’s inside the San Jose Parish Church in La, Trinidad for his church duties as a youth member, katatapos lamang niyang maglinis ng simbahan kasama ang ibang mga miyembro ng youth member at siya na lang din ang naiiwan sa loob. Just then, an old priest came over to the altar to check the retablos and he noticed Bongbong sitting at one of the chairs and reading.
“Oy, Bongbong. You have been here before, tapos na kayo kanina pa ah? ’Di ka pa ba uuwi?” tanong ng pari. Nakangiti namang sumagot si Bongbong dito.
“Ay opo, Padre Juan, maaga po kasi kaming binitawan ng prof namin kasi po midterm exams naman na po.” Tugon ni Bongbong sa paring si Juan Valentin Furagganan Enrile Sr.—known simply as Padre Juan by the locals. Ngumiti naman ito sa kaniya at masigla itong tumango.
“Kaya pala. I tell you, midterms are the worst. Actually, every term was.” Bahagyang natawa si Bongbong sa sinabi ni Padre Juan, he then changed the subject because he doesn’t wanna talk about his exams.
“What are you up to right now, Padre Juan?” he asked.
“Actually, I just cleaned the halls earlier and now, I’m checking the retablos for some defects so that it can be repaired.” Saglit pang itinago ni Bongbong ang binabasa niyang magazine sa kaniyang likuran.
“Uy, Bongbong!” Saglit siyang napalingon sa pintuan sa gilid ng simbahan at napansin niya si Ramon, may dala itong isang kahon na hindi niya alam kung ano ang nilalaman.
“Kanina ka pa nandito ah, what about school?” Ramon followed by asking, pasaglit namang isiniksik ni Bongbong ang hawak niyang magazine sa kaniyang bag upang hindi na ito mapansin ni Ramon.
“Araw po ng midterms namin ngayon, Kuya Ramon, maaga po kaming pinakawalan ng prof namin.” Kagaya ng tugon niya kay Padre Juan ay ganoon din ang tugon niya kay Ramon.
Bongbong had some troubles fitting the magazine inside his bag so Ramon noticed what’s the magazine he holds, napangiti naman ito at binanggit na niya ang patungkol sa nasabing magazine.
“Ay, ’yan ba ’yong magazine na sinasabi mo sa ’kin? Did you enter the manuscript that I proofread? ’Yong pinabasa mo sa ’kin no’ng nakaraan?” Wala na ngang kawala si Bongbong nang dahil doon, he doen’t want anyone to know but Ramon knows now.
“Pangalawang story ko po ’yong ipinakunsulta ko sa inyo, ’yong pang-una po ’yong isinabak ko rito.” He replied with an awkward smile, nginitian lamang din siya ni Ramon.
“Oh, I see. May tiwala naman ako sa skills mo kaya kayang-kaya mo ’yon even without my help. I see potential in your literary writings.” Ngiti nito.
“Sige, I’m going to put this instruments to the hall for the folk dance practice this incoming week.” Dagdag pa nito, saka na lamang din naalala ni Bongbong na malapit na pala ang kanilang pag-eensayo ng folk dance para sa Adivay Festival.
“Siya nga pala, Bongbong. Inaasahan kitang pupunta dito sa practice.” Sumabad si Padre Juan.
“Opo, ’di ko po kayo bibiguin.” Tugon naman ni Bongbong.
“Oo nga pala, nasubukan mo na bang sumali sa mga gan’yang pakulo ng Psicom? Maglalabas pa lang ng results niyan ah?” Napalingon muli si Bongbong kay Ramon ngunit nang marinig niya ito ay napayuko na lamang siya, nahihiya sa kung ano ang dapat niyang sabihin.
“I feel your stress, parang wala ka na nga yatang panahong isipin ’yong exams mo.” He just simply nodded and he took a deep breath.
“No, Kuya Ramon. Kahit naman po busy ako sa club at sa pagsusulat ko ay naisasabay ko naman po ’tong pag-aaral.” Bongbong smiled after, he then packed his bag.
BINABASA MO ANG
Hatsukoi
FanficA BongLeni Fanfiction. With a new school year comes a new group of classmates, including aspiring writer Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and track and field team member Ma. Leonor "Leni" Gerona is assigned to the same class. Despite being complete s...