Chapter 25:

77 4 25
                                    

“Nahuli nila ang ilan sa ’tin, pero nakapuslit naman ng cellphones ang iba.” Sumandal si Sara sa kaniyang inuupuan sa bus katabi sila Pia at Leni. Tatluhan ang upuan kanang bahagi ng bus at dalawa naman sa kaliwa, si Leni ang nakaupo sa window seat at nakadungaw ito sa mga bukiring kanilang nadadaanan.

“Nakunan nga rin ako ng cellphone eh, naiinis ako kay Prof Miriam talaga. Saka bakit ba nila ipinagbabawal ang cellphone sa trip na ’to in the first place?” reklamo pa ni Sara. She pouted and she rolled her eyes.

“Marami kasing mga students ngayon sa Epiphany na imbis sa mismong destination naka-focus ang mga mata ng mga students ay sa mga cellphone nila. Kaya camera lang mismo ang pinapadala sa ’tin para pang-picture lang.” Pia exhaled and she leaned her back on the bus’ seat also.

“Mabuti na mga lang at nagdala ako ng camera, incase na ma-capture ang cellphone ko eh may pang-kuha naman ako ng litrato.” Ngumiti si Sara kalaunan.

“Ikaw rin mag-picture sa ’min ah? Ipasa mo na lang sa ’min after the trip.” Ngiti naman ni Pia, tumango si Sara bilang tugon dito.

“Siya nga pala, nahulihan ka ba?” tanong pa ni Sara kay Pia. Napangisi ang dalaga at kalaunan ay napatawa na lamang.

“Hindi ako nahulihan.” She laughed making Sara confused for what she’s she’s laughing at.

“Eh bakit ka natatawa? Sa’n mo ba ’tinago ’yong cellphone mo?” Sara asked again.

“Alam mo, mabuti na lang at walang teacher dito sa bus natin ngayon.” Tawa pa niya at saglit pa niyang itinaas ang kaniyang blouse, she then travelled her hand below her skirt making Sara and Leni shocked of what she’s doing.

“Anong ginagawa mo? Ang imoral!” saad ni Leni sa nandidiring tono. Kaagad inilabas ni Sara ang kaniyang kumot mula sa kaniyang bag upang takpan si Pia.

“’No ba kayo? ’Di naman ako mag-huhubad dito, kinuha ko lang ’tong cellphone ko!” Pia pulled her phone from her underwear making Sara and Leni’s eyes almost come out of both their orbit.

“What the hell did I just saw, that’s the place you hid your phone?!” Hindi napigilan ni Sara ang pagsigaw, dahilan ito upang mapatingin ang ibang mga istudyante sa kanila. Namutawi ang katahimikan sa kanilang lahat sa mga sandaling iyon, makalipas ang ilang segundo ay bumalik na muli sa normal ang lahat.

“Just... how disgusting, Pia!” Sara growled by whispering.

“Yeah, I couldn’t even realize that you’ll hide your phone on your underwear.” Seryosong saad naman ni Leni, napahinga siya nang malalim at sumandal siya sa bintana ng bus.

“Ano ’yon? Sa underwear niya itinago ’yong cellphone niya!” Sumulpot mula sa kanilang itaas ang isang ulo ng isang lalaking nakasilip sa likuran ng kanilang upuan, nanlaki ang mga mata nila at bahagyang napasigaw nang dahil sa gulat.

“Pia hid her phone under her panties—” sisigaw na sana si Robin nang biglang takpan ni Lito ang kaniyang bibig. Halos mawalan naman ang hangin ang binata dahil dito, he shurgged in agony.

“Patawarin niyo na ’tong kaibigan ko, medyo may sayad lang ’to sa utak eh. Siya nga pala, ang ganda ng naisip mong taguan.” Pasimpleng ngumiti si Lito at hinagis si Robin sa tabi ng isa pa nilang kasamang si Bong.

“Yeah, pagpasensiyahan niyo na ’to, topakin lang eh.” Kaagad sinakal ni Bong si Robin at inipit siya nito sa upuan. Umupo na rin si Lito at pasimple pang kumindat kay Pia.

“What was that all about?” Sara was a bit confused.

“Atleast someone wasn’t disgusted of what place I hid my phone though.” Pia rolled her eyes and leaned her back on the seat once again.

HatsukoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon