Chapter 36:

82 6 31
                                    

Nakarating si Leni sa harap ng public library ng kanilang baranggay, huminga muna siya nang malalim bago niya binuksan ang pinto. Nang pumasok na nga siya sa loob ay doon niya na nakita si Bongbong, nakangiti ito sa kaniya habang nakaupo sa isang upuan sa hirela ng mga lamesa sa gilid ng mga bookshelf.

“Salamat naman at nakarating ka.” Ngiti niya kay Leni at tumayo sa kaniyang kinakaupuan, he immediately went to Leni to accompany her inside.

“Hindi ako pamilyar sa lugar na ’to, mero’n na palang public library dito sa baranggay natin?” Leni just giggled, sumunod nga siya kay Bongbong nang maglakad na ito patungo sa mga upuan.

“Kaunti na lang ang taong pumupunta rito, marami na kasing mas gustong mag-search na lang sa internet other than search it up in books here. Madalas na ’ko rito no’ng junior high school ako, nakita ko rin ang pagbaba ng mga parokyano ng library na ’to.” Kuwento ni Bongbong at umupo na nga siya sa upuan at ipinatong nito ang kamay niya sa isang lamesa.

“I see, kailan lang kasi ako lumipat dito sa baranggay natin kaya ’di ko pa halos alam ang pasikot-sikot. Matagal na ’ko sa Epiphany, yes, but I live in the baranggay next to ours then.” Ngiti rin naman ni Leni.

“Leonor, hindi na ’ko magpapaligoy-ligoy pa.” Bongbong looked at Leni straight to the eye and he smiled to her gently, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito, bagay na ikinabigla naman ni Leni.

“I wanted to talk to you alone, gusto kitang makausap at gusto kong marinig kung pa’no ka magsalita, tumawa, I also wanted to know more about you since... you’re my girlfriend.” Leni couldn’t utter more, she just looked at Bongbong until her face turned red like a buffering tomato—red as a ripe strawberry.

“We don’t get to talk at school. Then no’ng sinubukan kitang solohin, your friend interrupted. Alam kong galit ka pa rin sa ’kin about do’n, pero sasabihin ko sa ’yong nagkataon lang talaga sa halos sabay kayong dumating kahapon nang tanghali sa school library.” Napaiwas siya ng tingin kay Leni pero nanatili siyang nakahawakak sa mga kamay nito.

“Yeah, alam ko naman ’yon dahil may tiwala ako sa ’yo. Alam kong ’di mo ’ko lolokohin, I’m just mad yesterday because we couldn’t meet up properly.” Sagot naman ni Leni kay Bongbong.

“We’re finally going out, so... let’s do this more often.” Dagdag pa ni Leni sa sinabi niya.

“Makakapag-usap tayo nang maayos dito sa public library, wala namang halos pumupunta rito. Wala rin ngayon ’yong librarian kasi may kinuha siyang donations na libro sa baranggay hall, he let me use this though. Kaibigan ko rin siya at alam niyang may ka-relasyon ako, idea niya nga na mag-meet tayo rito eh.” Saad naman ni Bongbong.

“Oh, I see. Tapos ka na ba sa cram school mo?” tanong naman ni Leni.

“Kanina pang alas sais y media ako natapos, dumating ako rito five minutes after I got out of my cram school. Then, pinabantayan sa ’kin ng kaibigan ko ’tong library kasi nga kuhanin niya ’yong donation mula sa baranggay hall. He’ll be back by eight.” Paliwanag pa ni Bongbong.

Kalaunan ay nagharap na sila ni Leni at nag-usap sila nang masinsinan, Leni was was holding her teddy bear stuffed toy while pressing it. Hindi ito dahil sa kaba kung ’di dahil sa nadarama niyang mga paro-paro sa kaniyang tiyan—that particular feeling ignites wether someone felt the concept of romance.

“You know...” Panimula ni Leni habang nakatingin siya kay Bongbong, pasimple siyang ngumiti sa binata.

“Yes?” Bongbong asked.

“Hindi talaga ako gan’to ka-talkative sa loob ng school natin, even though I’m a member of the track and field club. Pili lang ang mga kaibigan ko, ’di rin naman ako gano’n ka-popular.” Leni shared her story to Bongbong.

HatsukoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon