“Kindly excuse me.” Ngiti ni Bongbong at tuluyan na nga siyang lumabas ng faculty room. Palabas niya ay bumungad sa kaniya si Sara na ngayon ay nakasandal sa pader katabi ng pintuan.
“Narinig ko ang pag-uusap niyo ni Prof Miriam, ang galing mo naman!” Napangiti si Bongbong sa sinabi ni Sara, tumango naman siya at tumugon dito.
“I’m just lucky, I guess.” Ngiti ni Bongbong, saglit pa ay naalala ni Sara ang sinabi nito no’ng intramurals. Napangisi siya at tumugong muli sa sinabi no Bongbong.
“You said the same thing back in the intramurals, still, I don’t believe you.” Tawa nito, napahagikgik naman si Bongbong.
“’Di ko rin kasi inakalang ako pala ang pinakamataas sa academics sa ’min eh.” Hagikgik nito.
“Siya nga pala, ’di ba kasali ka sa literature club?” She proceeded to ask Bongbong, Bongbong simply nodded at her and he answered.
“Yeah, why?” he asked back.
“Nanganganib kasi ’yong grades ko sa Oral Communication at Twenty-First Century Literature eh, may alam ka bang magandang cram school dito sa Benguet?” Sara asked him directly.
“’Di naman gano’n kasama ’yong pinapasukan kong cram school after ng club, so...” Hindi na naituloy ni Bongbong ang sasabihin niya nang kaagad na nagsalita si Sara.
“Is that so?! I guess I’ll try to go there!” Bongbong looked away at her, thinking that she’ll be a distraction or something. But he couldn’t deny the fact that Sara doesn’t know anything and that she was one of his friends or so.
She makes him feel that there’s always something that makes her hold back.
Some time later, natapos nga ang klase sa pang-hapong periodiko at balik nanaman ang lahat sa kani-kanilang mga club activities. The track and field club was working and aiming hard for the regional track meet so they practice as early as possible.
“Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo...” Bumibilang ngayon ang mga miyembro ng track and field club habang nagwa-warm up para sa kanilang bagong araw ng pag-eensayo para sa darating na regional track meet.
Sara is constantly giggling while stretching his legs, para bang may bulate sa kaniyang puwetan dahil hindi magkamayaw ang pag-ngisi at pagtawa niya nang mahina. Dito na nagtanong si Pia kung ano bang nangyayari kay Sara at panay tawa ito.
“Hoy, tatawa-tawa ka diyan.” Parinig niya kay Sara kaya naman lumingon siya habang nakangiti pa rin.
“Bakit? May restrictions ba ang pagiging masaya?” banat nito. Napasimangot naman si Pia at nagpatuloy sa pag-inat ng kaniyang mga braso.
“Ewan ko ba sa ’yo, Sara, Ikaw naman ang inaatake ng kabaliwan ngayon.” Leni sighed and continued her routine.
Sandali pa ay namataan nilang naglalakad si Kiko patungo sa direksiyon nila Leni at may hawak itong isang pirasong papel na naglalaman ng kanilang mga plano para sa daraan na mga araw ng kanilang pag-eensayo.
“Leni, Pia, Sara, take this.” Ngiti ni Kiko at ipinamahagi niya sa bawat isa ang papel na kaniyang hawak, the three is quite confused about what to do with the papers so they asked what was it for.
“Ano ’to?” tanong ni Pia habang nakatingin sa papel. Nakangiti namang sumagot si Kiko habang nakahawak siya sa kaniyang baywang.
BINABASA MO ANG
Hatsukoi
FanfictieA BongLeni Fanfiction. With a new school year comes a new group of classmates, including aspiring writer Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and track and field team member Ma. Leonor "Leni" Gerona is assigned to the same class. Despite being complete s...