Continue
Imee Pov
Nagulat ako nung nakita ko si kaianna na nakahandusay sa may puntod ni papa macoy. Pero mas nagulat ako nung nakita kong pumupula nanaman isang pisngi ni kaianna.
:Irene!
Irene: Hmm?
:Sinampal mo nanaman ba si kaianna? Namumula nanaman pisngi niya.
Irene: Oo, sinagot sagot ako eh. Wala siyang respeto.
:T*ng*na naman irene! Hindi kana naawa sa anak mo?
Irene: Bakit, kaawa awa ba yan?
:Bonget, greggy pakibuhat na si kaianna. Sa bahay ni mama meldy tayo dumiretso.
Binuhat naman na ni greggy at bonget si kaianna at sinakay sa car. Nasa car na kami at nasa tabi ko si kaianna. Pulang pula ang kanyang pisngi at may mga pasa siya sa kamay.
:Greggy!
Greggy: Bakit manang?
:Pagsabihan mo yang asawa mo ha! Kunting kunti nalang.
Greggy: Opo, Sorry manang.
:Hindi niyo na ba talaga mahal tong batang to? Hindi ba kayo naaawa?
Greggy remain silent.
:Sinasabi ko na ngayon saiyo greggy. Kung may mangyari sa niece ko, kayo ang masisisi! Sigaw ko
Bonget: Manang tama na. Magusap nalang tayo sa bahay na mahinahon mamaya.
_
Nasa bahay na kami at laking gulat ko nung makita ko si mama meldy sa sala.
Meldy Pov
Dumating na nga sina imee.: Asan si kaianna?
Imee: Mama andun po sa car.
:Papuntahin niyo na dito. Gusto ko siya kausapin.
Imee: Mama tulog po.
:Asan ba, papasukin niyo na.
Imee: Mama magpapahinga muna po siya. Tulog na tulog po eh.
Pumasok naman na si bong at greggy buhat buhat si kaianna. Linapitan ko si kaianna, amoy alak. Ang tapang. Tapos may mga pasa siya at namumula pisngi niya.
:Imee, ano ba nangyayari.
Imee: M-mama si kaianna po kase naginom. Natagpuan po sa puntod ni papa macoy.
:Bat may mga pasa at namumula pisngi niya? SINAMPAL MO BA?
Imee: Mama hindi po, si irene po.
:Naku yang kapatid mo sumusobra na. Sige puntahan mo na si kaianna sa taas.
Umakyat na si imee at magtungo sa room ni kaianna. Bumaba na din si bong at greggy. Pumunta sila sa garden para magusap.
Si irene kakausapin ko ngayon. Sumusobra na siya.
Irene Pov
Uuwi na sana ako nang bigla nagtext si mama meldy.
Mama Meldy: Irene, pumunta ka dito sa bahay ngayon!
:Mama uuwi muna ako wala pong kasama si leah sa bahay.
Mama meldy: Pumunta ka ngayon.
Wala na akong magawa at punta nalang.
_
Andito na ako sa bahay ni mama at bumungad sakin ang sampal ni mama meldy.
Mama meldy: IRENE ANO BA GINAGAWA MO SA ANAK MO! LAGI MO NALANG BA SIYA SASAKTAN?
YOU ARE READING
FAVORITISM
FanfictionThis Story is just a fiction. This story is about family having a favoritism between their daughters. Sana ay magustuhan niyo ang storyang ito, Sorry sa mga grammatical errors at sa mga typings. -Princess Kaianna Marcos Araneta-