IRENE POV
June 25 na, mamaya na yung biyahe namin papunta manila, si greggy lang din uli magdridrive nung car papunta manila dederetso muna kami sa bahay ni mama meldy. Sana wala pa siyang alam about sa nangyari samin kundi malilintikan nanaman ako. Alam ko naman na wala ako kasalanan pero nga kakampihan nanaman niya si kaianna kaya better nalang kng wala siya alam about dun.
_Kumain na kami ng breakfast at inihanda na namin yung mga damit namin para makapagbiyahe na. 9-10 hours yung biyahe kaya kailangan namin umalis ng maaga para hindi gaano kalate yung pagkadating namin dun. Birthday din pala ni kaianna ngayon pero wala ako pake ganun din si greggy. 10:30 na ng umaga kaya nagbiyahe na kami papunta manila para saktohan pagkadating namin dun is dinner time na. Hindi ko na sinabihan si manang at si mama about sa paguwi namin ngayon para surprise mwehehe. Tsaka sure ako magcecelebrate sina mama ng birthday ni kaianna ngayon. Masusurprise silang lahat pagdating namin dun.
GREGGY POV
Ako yung magdridrive nung car pauwi manila ngayon kaya bumawi ako ng lakas kagabi. Sana hindi traffic para hindi kami umabot ng 8-9 hours na biyahe. 10:30 na nung umalis kami ng bahay kaya sana mga 4-5 pm or 5-6 pm na is andun na kami sa manila.Nagbaon nalang kami ng lunch namin para hindi na kami pupunta pa sa isang kainan oara nagtake out baka kase matagalan eh hindi pa naman sure kng traffic ba o hindi traffic sa manila.
5:30 na ng hapon pero nasa daan pa kami, nasa manila na nga kami pero nastuck naman kami sa traffic nakakainis. After 1 hour andito na kami sa village namin nila mama meldy. Dito kami dumiretdo kase yun ang sabi ni irene. Nasa harap na kami ng bahay at pagpasok namin may mga kotse sa labas kaya nagtaka naman ako. Naalala ko pala birthday ni kaianna ngayon baka nagpaparty sila.
ALFONSO POV
Nakarating na kami sa hotel ni matt at nagpahinga muna para may energy kami sa paparty ni kaianna mamaya haha char. So eto na nga Lunch na kaya nagpadeliver nalang kami ng food wala muna kase lalabas baka may makakita samin or makilala tas ipopost nanaman sa socmed baka makita pa ni kaianna kaya mas safe nalang muna na magstay kami dito hanggang mamayang hapon.Kumain na kami at pagtapos isa isa kaming naligo 7 kami eh tapos 2 lang yung cr matagal pa naman sila maligo kaya need namin maaga magprepare. Ako yung naunang naligo at nakadamit na, mabilis kase ako kumilos eh hindi tulad nila tsk.
After 2 hours nakaligo na kaming lahat at nagdadamit na yung iba ang kupad kase nila need pa naman namin umalis ng maaga para hindi matraffic tsaka medyo malayo tong condo ni matt sa bahay ni lala eh.
5:30 na pero nastuck pa kami sa traffic pero keri lang maaga pa naman kase mga 7:00 ata simula nung celebration. Si michael pala yung driver namin ngayon nakavan kami kaya hindi na namin kailangan magdalawa pang sasakyan.
Malapit na kami sa bahay ni lala pero may nakalimutan kami. YUNG CAKE, FLOWER TSAKA CHOCOLATE! Masyado ata kaming naexcite kaya need namin bumalik sa mall para bumili pa. Akala ko kase nakabili na si luis eh.
: "Nasobrahan tayo sa excitement"
Luis: "Akala ko kase nakabili na kayo eh tas nawala sa isip ko nung otw na tayo."
Michael: "Hindi pa tayo senior pero napakauliyanin na natin hahaha!" Humagalpak kaming lahat sa tawa
Borgy: "Magdrive ka nalang jan bro baka kng maibangga mo pa"
Sandro: "buti nalang talaga at medyo hindi na traffic kundi baka mamayang madaling araw na tayo makakabalik pa dun."
Vin&simon: "Palpak tayo ngayon mga bro less points."
Ako, matt at luis nalang pumasok sa mall para mas madali. Ako yung bumili ng flower si luis naman yung cake and matt yung chocolate. Magkikita kita na Lang kami sa parking lot para hindi kami mapicturan or makilala man kase baka nga mapost kami sa socmed. Nakasuot naman kami ng face mask, jacket at eyeglass nagsumbrero din pala sana talaga hindi kami mahalata.
Haaaay buti nalang at walang nakakilala samin kaya peaceful kaming nakabili ng mga need namin bilhin. Nasa van na ulit kaming lahat at umalis na. Hindi gaano traffic kaya mabilis lang kami nakarating sa bahay ni lola. Ang balak namin hindi muna kami papasok agad bale magaantay muna kami sa labas ng 30 mins- 1 hour para mas maganda haha.
---
MARIAN POV
Nakuha ko na yung pinapakuha ni kaianna sakin hindi ko pa binubuksan kase dapat siya magbubukas kinakabahan ako sa resulta niya pero sana hindi naman malala sana normal lang yun. Imbitado pala kami sa pasurprise birthday celeb para kay kaianna ngayon kaya nagready na ako ganun din si andrea. Nagsimple dress lang ako at flats na sandals baka kase kng magheels pa ako dinaig ko na yung magbibirthday haha charot!Otw na ako sa house nila medyo traffic kaya natagalan, maaga pa naman kaya chill lang muna ako dito. Magkikita nalang din daw kami ni andrea dun sa bahay nila kase seperate kami ng car eh. Sabi kng etong car ko nalang gagamitin namin kaso ayaw niya bahala siya ang mahal na nga lang ng gasolina eh.
Andito na kami ngayon sa bahay nila kaianna, saktong dating ko kakadating lang din ni Andrea. Sinalubong na nga kami ni tita liza sa may gate pagpasok namin ang ganda! Wala sila kaianna dahil lumabas sila surprise daw tong birthday na to eh. Habang nagaantay kami nagulat kami ni andrea dahil bigla dumating si tita irene. Bumulong naman si andrea sakin
Andrea: "diba hindi okay sina kaianna at tita irene?"
: "Hindi nga, omg ka sis!"
Hindi na uli nakabulong si andrea dahil bumeso na kami kay tita irene, ang sabi niya surprise din daw yung dating nila.
IMEE POV
We're going home na medyo traffic pero okay lang para din makaready na sila sa bahay. Andun na daw mga kaibigan niya and sina dawn. While nastuck kami sa traffic chinichika ko muna si kaianna para hindi siya mabored and para naman hindi siya nakasimangot.
: "Kaianna let's take a picture" sabi ko dahil natahimik nanaman eh. Naubosan na ako ng chika
Nagselfie lang kami tapos nagtry ako bumanat ng corny jokes kay kaianna pero wala siyang reaction. Hindi ko masisisi na malungkot siya ngayon dahil kami kami lang yung kasama niya magcecelebrate.
KAIANNA POV
Im so tired na. Nastuck pa kami sa traffic kaya natulog muna ako. About sa result pala kinakabahan ako idk why.Mama imee: "kaianna gising na nasa bahay na tayo" sambit ni mama. Tumingin naman ako sa bintana bat ang dark? Like walang lights?
: "Mama bat ang dilim?" Tanong ko
Mama imee: "Lumabas daw si tito at tita mo si mama naman natulog na daw kase pagod"
: "Oh okay po"
Mama imee: "Okay let's go, mauna kana pumasok kunin ko lang ibang binili natin. Papatulong din ako kay manong."
: "Okay mama" sagot ko at pumasok na nga. Pagbukas ko ng door biglang bumukas yung ilaw at bumungad silang may hawak na cake at kumanta na sila.
Ohh its a surprise party. Pero hindi ako naexcite i mean walang sense yung pagcecelebrate ko ng birthday haha! Isa isa na silang lumapit sakin para batiin at ihug. Sumunod din naman agad si mama imee nasa likod ko lang siya nung nablow ko na yung candle may biglang lumabas galing sa may room. Si mommy at daddy? What the?
Lumapit naman sila sakin, ANG PLASTIC! Tinanggap ko nalang yung hug nila. Alam ko naman na ayaw nila sakin pero andito kase si lala eh so need nila maging plastic haha.
: "Thank you everyone!" Sambit ko at lumapit na kay andrea at marian para makuha yung result and magtungo na ako sa room to change cloths and para iopen yung result. Inaya ko nalang pala na pumunta sa taas si marian at andrea.
: "I'll change cloths lang po, pasama ako marian and andrea hihi" sumunod naman na sila.
Nung nasa hagdan na kami my hands are trembling so bad hindi naman makikita nila mama kase nasa kusina sila so si andrea at marian pinapakalma ako. Pagpasok palang namin sa room ko nagbreakdown na ako agad, kinuha ko na din yung result nung test.....
HERE YOU GO HAHAHAHA CHAR! I KNOW MABIBITIN NANAMAN KAYO SORRY NOT SORRY CHAROT. PAPUNTA PALANG TAYO SA EXCITING PART! sorry nabusy ako last week kaya hindi ako nakaupdate. Sorry din kng may mga hindi nanaman maayos na pagdedeliver sabog sabog tayo ngayon haha!
YOU ARE READING
FAVORITISM
FanfictionThis Story is just a fiction. This story is about family having a favoritism between their daughters. Sana ay magustuhan niyo ang storyang ito, Sorry sa mga grammatical errors at sa mga typings. -Princess Kaianna Marcos Araneta-