"Hi Sweetheart ! " , masayang sinalubong ni Kim si Xian pero napansin nya na medyo nagsalubong ang kilay ng binata.
" Sino ba yung kausap mo at mukhang nagpapa-cute sa yo", tanong ni Xian kay Kim pagkatapos nya halikan sa pisngi .
" Hay naku, selos mode na naman si Mr. Uy ! !!! ,sabay pisil sa ilong ni Xian. " Si Kevin yun barkada ni Kuya Jojo. Parang Kuya ko na rin yun kasi palagi sila sa bahay dati .Sila na ang main supplier ng tuna namin at may mga inaayos lang tungkol sa frequency ng delivery. ."
"Sigurado ka, hindi mo yun dating manliligaw ? Teka, baka hindi niya pa alam na ikakasal na tayo next month? " , ayaw pa rin paawat ni Xian sa kanyang pagseselos .
"Eto naman, akala lahat nalang may gusto sa akin. Tara na nga Sweetheart at baka kung saan-saan pa mapunta ang pagseselos mo ", malambing na nagsalita si Kim sabay hila kay Xian palabas . Tinawagan kasi ni Xian si Kim na may pupuntahan sila kaya maaga siyang dadaanan sa office. Hindi naman sinabi ni Xian kung saan sila pupunta basta "surprise " daw.
Nagka-Engagement Party that weekend. Halos lahat ng kamag-anak from both sides ng pamilya Uy at Yap at mga malalapit na kaibigan ang dumalo. Dahil parehong malalaking angkan napagkamalan tuloy na isang wedding reception na ang ganap kaya tanggap na rin ni Kim na it would be a big wedding after all. Dagdag pa ang dalawang mommies na mas excited pa sa mga ikakasal kaya nakiki-alam din sa mga plano ni Xian at Kim. The only child nga naman nila si Xian at si Kim naman ang nag-iisang princesa ni Daddy Joe and Mommy Ching.
Kahit napag-usapan na nuong pamamanhikan na pababayaan ang dalawa sa kanilang mga plano, hindi mapipigilan si Mommy Menchu at Mommy Ching sa kunwari suggestions nila. Napadalas tuloy ang tampuhan ng dalawa kasi si Xian mas kinakampihan ang mga mommy nila. Natuto na rin si Kim to compromise at nakikita naman nya ang tuwa ng mga magulang nila na mapagbigyan sa kung ano ang gusto nila. Grateful na rin si Kim sa suporta ng kanilang mga pamilya.
" Promise ko sa 'yo Sweetheart, basta ako na ang bahala, matutupad pa rin ang dream wedding mo ", punong-puno ng pagmamahal na pagkasabi ni Xian kay Kim habang magkayakap ang dalawa..
" Sweetheart, saan ba tayo pupunta ?" , pangungulit na ni Kim kay Xian. Ngumiti lang si Xian, his usual killer smile at kinikilig na si Kim sa binata. Pagkatapos ng ilang minuto biglang itinigil ni Xian ang sasakyan at nagpark . Kinausap niya si Kim na lalagyan muna ng blindfold para sa kanyang surprise at pagkatapos ay pina andar uli ni Xian ang sasakyan.
Itinigil uli ni Xian ang sasakyan at dahan-dahang inalalayan si Kim na bumaba sa sasakyan at inalis ang blindfold.
" Sweetheart, my wedding present for you ! ", at itinuro ni Xian ang bakanteng lote sa kanilang harapan .
Napayakap si Kim kay Xian, "Sweetheart, ang ganda ng lugar at feeling ko ang fresh ng simoy ng hangin at malayo sa pollution ! "
" I'm glad you like my present Sweetheart !", misty-eyed si Xian sa nakita na reaction ni Kim. " The first time I saw this place nagustuhan ko kaagad because this is a perfect place to raise a family. Bago pa lang naging tayo that time , but I was already preparing this place for us. Deep in my heart, I know na ikaw na ang gusto kung makasama for life. "
Ang wedding present ni Xian kay Kim ay nasa isang exclusive na subdivison . Iilan pa lang ang nagtatayuan na bahay at halos ang mga may-ari ay young families din na kagaya nila. Hindi mo akalain na nasa kalagitnaan ng Metro Manila dahil tahimik at maraming mga puno na nakapaligid. Ang maganda pa, malapit lang ang mga bahay ng mga magulang nila dito.
Excited ang dalawa na nagtulungang buohin ang concept ng kanilang dream home kaya madilim na ng nakaalis sila. Pagkatapos ng kasal umpisahan ang construction at gusto ni Xian na focus muna sa preparations ng kanilang wedding. Iba din si Xian, hands-on siya with the preparations . Ang gusto niya , ang concern lang ni Kim is her wedding gown at sa wedding entourage and that's it. Ang details kung ano ang mangyayari during their wedding day should be a Big Big SURPRISE for Kim.
Nagdinner ang dalawa at patuloy na pinag-usapan ang ipapatayo na dream house. Bugbog sa hampas at kurot si Xian . Paano ba naman at tinutukso nya si Kim tungkol sa future babies nila.
" Sweetheart, dapat umpisahan na natin para makadalawa kaagad. Baka pag-aawayan pa ng Mommy mo at ni Mommy " , pabulong na sinabi kay Kim na may pasundot-sundot pa sa gilid ni Kim kaya nahampas na naman si Xian.
Patuloy na nagkukulitan ang dalawa kaya hindi nila napansin na may lalaking papalapit sa kanila. Sabay napalingon ang dalawa ng may narinig sila na may tumikhim. Si Enrique , nakatayo sa kanilang harapan.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga
FanficWhen two persons are destined for each other, no matter where they were and where they are, everything would work to bring two separate lives together when the right time comes...