"Xian , darling ! " excited ang boses ng isang magandang babae na papalapit kay Xian. Naghug sa kanya ang babae na ikinagulat ni Xian. Napalingon si Kim ng marinig na tinawag ang pangalan ni Xian at nakita niya ang isang magandang babae na nakapuluput pa sa kanyang boyfriend.
"Megan hello !!!! kailan ka dumating? " gulat na bati ni Xian sa babae sabay hinawakan ang braso ni Kim at dahan-dahang hinihila papalapit sa kanya. Ang babae ay nakahawak pa rin sa beywang ni Xian. Nakatingin lang si Kim sa dalawa na blanko ang expression sa mukha.
" Sweetheart, si Megan, cousin namin ni Mateo . Si Kim, girlfriend ko " , pagpakilala ni Xian sa dalawa.
"Oh hi Kim !!! " sabay hug din kay Kim na akala mo dati na silang magkakilala. Si Kim nanatiling parang tuod na nakatayo. "Kim , baka nagselos ka sa akin at kung ano ang iniisip mo. Pinaka close ko kasi na pinsan sina XIan at Matt at kami kasi ang magkabarkada, " paliwanag ni Megan kay Kim na napansin niya na hindi nagustuhan ni Kim ang nakita kanina.
Napangiti si Kim sa narinig kay Megan, " Hi Megan ".
Nakahinga ng malalim si Xian ng nag -Hi na si Kim . Nag-alala kasi si Xian na baka biglang mag-walk out ang girlfriend sa nakita.
" Kahapon lang kami dumating ni Gian. Dito namin i-celebrate ang birthday ko this coming Saturday kaya dapat nandun kayong dalawa ha ? Gusto kasi ni Gian to take a short break at baka dito daw kami makabuo. " pilyang tawa ni Megan.
Dalawang taon na kasal si Megan at Gian at sa Amerika na sila nakatira. Si Megan ay anak ng kapatid ng mga daddy nina Xian at Matt. Isang Fil-Am si Gian na nagmamanage ng kanilang Export-Import business sa America.
"I'm so happy to see na may girlfriend ka na, Xian. The last time we saw each other when I came home, loveless pa etong cousin ko. Ang bagal kasi ni Xian kaya siguro ang tagal ka nahanap Kim. ", panunukso pa ni Megan sa pinsan."
" Enough Megan at baka kung ano pa ang ipagkakalat mo dyan at maniwala pa si Kim, where's Gian nga pala ? ", tanong ni Xian
" Kasama nya mga friends niya. I'm with my friends also . Napadaan kami dito when I saw you inside this shop kayo pumasok ako.
Tahimik lang si Kim na nakikinig sa dalawa pero hindi nagtagal si Megan at tinatawag na ng mga kasama na naghihintay sa labas. "Kim, don't forget on Saturday !
Tumingin si Kim kay Xian at si Xian na ang sumagot ,"Of course, pupunta kami ni Kim."
Pagkalabas ni Megan, nag-yaya na rin na lumabas ni Kim . “ I thought you wanted to buy the bag ? “ tanong ni Xian kay Kim.
“ Hindi , tiningnan ko lang “, mahinang sagot ni Kim.
Nagdinner silang dalawa pagkatapos nanuod ng sine. Sina Matt at Maja hindi na daw makahabol at may ibang pupuntahan. Tahimik lang si Kim habang kumakain. “Sweetheart, is something bothering you , you seem so quiet ngayon?” nag-alalang tanong ni Xian sa girlfriend.”
“ Naisip ko lang yung scenario kanina, what if, it were somebody else, hindi ko alam ano ang maging reaction ko. Ang tagal ko nga naka get over na pinsan mo lang ” , mahinang sagot ni Kim.
Bumalik sa alaala ni Kim ang nangyari sa kanila ni Enrique nuon kaya ganun ka tindi ang epekto sa kanya ang mga kaganapan sa shop.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga
ФанфикWhen two persons are destined for each other, no matter where they were and where they are, everything would work to bring two separate lives together when the right time comes...