Chapter 9

2.8K 46 10
                                    

Nakakatuwa  ang Daddy at Mommy ni Xian. Excited din sila sa bagong girlfriend ni Xian. Halos hindi na makakain ng maayos si Xian tuwing breakfast at puro Kim na lang ang tinatanong ni Mommy Menchu sa kanya.Natatawa na lang si Daddy Edison habang nakikinig sa kwentuhan ng mag-ina. 

Maagang tinawagan si Kim ni Mommy Ching . Pabalik na sila galing Batangas at deretso na sa ospital for the regular check up ni  Daddy Joe . Kinahapunan, sinundo ni Xian sa Kim para maihatid pauwi.  Hindi na pumasok sa mansion ang boyfriend at may meeting pa silang pupuntahan kasama ang daddy niya. May bagong project for the company ang kaibigan ni Daddy Edison kaya sumama si Daddy sa meeting.

Habang nasa kotse sinabi ni Xian na balak na nyang kausapin si Daddy Joe at ipaalam na sila na ni Kim pero ayaw pumayag ni Kim. Natatakot si Kim at baka pagbawalan na siya na makipagkita kay Xian.  

"Kim, I don't think na ganun ang Daddy mo. Kaya nga mag-uusap kami to clear out everything." pag assure ni Xian .

"  And what if galit pa rin si Daddy sa daddy mo? "

" Problema ba yun, o di iuuwi kita sa amin pag ayaw niya sa akin for you. Welcome na welcome ka naman duon !" , at humahagikhik ng tawa si Xian sa sinabi. Natawa na lang si Kim sa sinabi ng boyfriend sabay kurot sa tagiliran. Kahit papaano pinagaan ni Xian ang nararamdaman niya tuwing naiisip si Daddy Joe . 

"Sweetheart, why don't you come with me to the meeting ? Friday naman ngayon eh", lambing ni Xian sa girlfriend.

"Anong gagawin ko habang nagmemeeting kayo ?"

"Wala. Nakaupo ka lang sa tabi ko. Inspirasyon ko,hahaha ! "

"Niloloko mo lang talaga ako. Huwag na at baka magalit tuloy sa akin ang daddy mo. Magtrabaho ka na nga muna. Pag work , work, okey ?"

"Sige na nga ! Babawi na lang ako bukas. I'm not working tomorrow para we can go out early.,." sabay kindat kay Kim.

Nagmamadaling pumasok si Kim sa mansion. Halos isang linggo na kasi na duon sa beach house ang daddy at mommy niya.  Naabutan ni Kim si Mommy Ching na nag-uutos sa  kanilang cook kung anong gusto ni Daddy Joe para sa hapunan. Niyakap niya ng mahigpit ang mommy at kinumusta ang check up ng Daddy Joe. Masayang ibinalita ni Mommy Ching na malaki ang improvement ng kondisyon ng Daddy.   May isang test pa sa   susunod na linggo para malaman kung kailangan pa ba ng isa pang session  ng chemotheraphy.    

Laking pasalamat ni Kim sa narinig na balita. Kung ilang beses na nilang kinumbinsi si Daddy Joe na sa America na magpapagamot pero ayaw pumayag ni Daddy. Wala naman silang magawa at yan ang gusto   nya. Panalangin nilang lahat  na sana tuloy-tuloy na ang pag galing ng Daddy nila.

Pinuntahan ni Kim ang daddy niya sa home office. Maaliwalas na ang mukha ni Daddy Joe siguro dahil sa magandang resulta sa check up kaninang umaga. Bago pa makapagsalita  si Kim, naunahan na siya ni Daddy Joe at kinumusta ang business nila.

"Dad naman, business pa rin ang iniisip, huwag kang mag-alalala Dad,  its well-taken cared of. ", pagyayabang pa ni Kim kay Daddy Joe.  

Marami pa sanang itatanong si Daddy Joe patungkol sa business nila pero ayaw ng sumagot ni Kim.

"Kaya nga  po nandito na ako para hindi mo na iisipin  ang business natin, ang importante po is your health, kaya no more further questions Dad !" paglambing ni Kim sa  Daddy nya.

Napangiti na lang si Daddy Joe sa mga sinabi ni Kim.  Natutuwa  siya at madaling natuto si Kim sa pagpatakbo ng kanilang business ngayong nasa kanyang tabi palagi si Mommy Ching at naiwan kay Kim ang mga responsibilidad.

Prinsesa kung itinuturing ni Daddy Joe si Kim.  Nag-iisang anak na babae si Kim, pero  lumaki na mabait  at masunurin na anak.  Wala silang  maalala na pagkakataon na binigyan sila ng problema ni Kim. . Meron pala, nang naging boyfriend ni Kim si Enrique duon lang nagkaproblema ang daddy ni Kim. Kung hindi lang anak ng bestfriend ni Ching si Enrique, siguro binagbawalan na nya na makipagkita si Kim kay Enrique. May pagkaplayboy si Enrique at  natatakot si Daddy Joe at  baka paiyakin lang ang prinsesa nya. 

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon