Chapter 3

3.4K 37 8
                                    

Dumating ang kanyang Tita Lynn at Tito Pete for dinner. Para syang nabunutan ng tinik na hindi kasama ang kanilang anak na si Enrique. Si Enrique ang first boyfriend ni Kim.  Dahil magbest friends ang mommy nya at si Tita Lynn sila sila rin nina Kim and Enrique at ang kanilang mga kapatid  ang palaging magkakasama sa mga lakaran.

Bago pa nag graduate ng high school, naging boyfriend ni Kim si Enrique na ikinatutuwa naman ng mga mommy nila. Gustong gusto nila na isa sa mga anak ay magkatuluyan in the future pero usapan nila na walang makikialam para hindi ma pressure ang mga bata.  Hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa. Isa lang sa maraming dahilan ang pag aaral ni Kim sa US samantalang pinili ni Enrique na dito lang  sa Pilipinas. Hindi rin kasi magkatugma ang kanilang mga ugali.  

Mas gusto ni Kim sa bahay lang samantalang si Enrique ay masyadong outgoing at panay barkada ang kasama. May naririnig na rin siya mga balita na may mga pinopormahan ang boyfriend habang nasa States sya nag-aaral. Nang minsang  umuwi si Kim for Christmas break nahuli nyang may ka date na iba si Enrique.  Bago siya bumalik sa America, nakipagbreak na siya sa boyfriend kahit na ayaw pumayag ng huli.

Naging first heartbreak niya si Enrique. Hindi  sana masyadong nahirapan si Kim sa kanilang break up kaya lang, patuloy siyang sinusuyo ng lalaki .  Habang nagtagal , hindi na rin nya maintindahan si Enrique. Sa mga gatherings  na magkikita sila, palagi na lang siyang inaasar o kaya sinasadya na pinapakita sa kanya ang kung sinu-sinong babae na kanyang kasama. Hindi tuloy alam ni Kim kung pinagseselos ba siya o kung sa anong dahilan. Di na lang  pinapansin ni Kim ang pinaggagawa ni Enrique, asal bata pa talaga ang dating boyfriend. 

Masaya ang kwentuhan sa dinner table. Kararating lang pala ng  mag-asawa from the US at may inumpisahan na bagong business doon . Naikwento din nila na si Enrique pansamantalang naiwan duon. 

" Si Enrique ba ang magmamanage duon ? " tanong ng Mommy ni Kim kay Tita Lynn 

" Parang yan ang gusto ni Enrique pero ewan ko lang ngayon if malalaman nya na dito na pala si Kim, baka biglang mag iba ang ihip ng hangin", natawang sagot ni Tita Lynn.

"Bakit naman po ako Tita, ang tagal na naming wala " , depensa ni Kim.

"'Hanggang ngayon umaasa pa kasi si Enrique na magkakabalikan kayo eh ".

Tumawa na lang si Kim at naintindihan naman nya na pati sina Tita Lynn ay umaasa rin na magkabalikan pa sila. Hindi na rin kumibo ang daddy at mommy ni Kim at hindi na rin nila nagustuhan ang inaasal ni Enrique.

Tuloy tuloy ang kwentuhan at bandang 11:00 pm ay nagpaalam na ang mag-asawa,  Bago sila umalis, nagkasundo sila na sa susunod sa bahay naman nina Tita Lynn sila magdinner  at malapit na rin ang birthday ng Tito Pete nya.

Pagbalik ni Kim sa kwarto, kinuha nya ang cellphone at naisipan nya na tawagan si Maja para magkwento.  May 3 missed calls na pala si Maja at isang text sa isang number na hindi naka register sa kanyang phonebook.

Kaninong text kaya ito galing ?  Hi ! How was your dinner? Napa isip si Kim. Hindi naman siguro galing kay Enrique ang text at out of the country siya. Itinuloy nya ang pagbabasa sa text May  asungot ba ? Hope wala. This is  Xian . I got your number from Maja, hope okey lang sa yo. Gusto ko lang mag Thank U uli for having coffee with me . I really enjoyed ur company and ended the message with a smiley .

Kinilig si Kim at binasa uli ang text message . Ang sweet naman ni Xian , ang tangi lang nasabi ni Kim . Agad agad nagreply si Kim . Hi Xian! The dinner went  well. Walang ASUNGOT ! Me, too ,nag enjoy din talking with u kanina .

Mahigit isang oras na naghintay si Xian na sumagot si Kim sa text nya. Excited na siya kung andun ang sinabi nyang asungot, Nahiya naman siyang magtanong uli kanina kung sino pero may hinala siya na baka isa sa mga nanliligaw kay Kim or di kaya may arranged marriage na ? Huwag naman sana  arranged marriage, papaano na ako ? Kung kailan nagkita na kami uli ni Kim at yun pa ang mangyayari ?

Palala ng palala ang naiisip ni Xian ng biglang tumunog ang cellphone nya. 

"Yes ! " parang napasigaw pa sa tuwa ng nakita saan galing ang text.

Parehong excited ang dalawa na nag-usap through text. Gustohin man ni Xian magtanong tungkol duon sa asungot, hindi na nya binanggit. Ayaw din nya na mag iba ang mood niya o kay Kim kung ano man ang kwento sa asungot na yon. Takot din siya at baka nga totong may arranged marriage  .Later na lang siguro. Ang importante eto, parehong masaya silang nag uusap kahit sa text man lang. 

Magmamadaling araw na kaya nag nag good night/good morning na sila sa isa't isa. 

Si Xian matagal pa nakatulog at iniisip ang mga kaganap. Hindi siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Late na nagising si  Kim at unang kinuha ang cellphone at tiningnan kung may mga text messages ba na natanggap.  Pero galing sa isang sender lang naman ang gusto nyang makita - kay Xian Lim at hindi siya nabigo .

GOOD MORNING, KIM ! THANK GOD FOR THIS BEAUTIFUL MORNING ! ang message ni Xian .

Magreply pa sana si Kim nang nagring ang cellphone at si Maja ang tumatawag .

"Hello Maja , I was about to call . Hindi na kasi ako nakatawag kagabi."

"Naktulog na nga ako sa kahihintay . Andami na palang nangyayari sa inyo ha ?Nagkwento na sa akin si Xian . Sorry Kim ha at binigay ko number mo. Kinukulit nya kasi ako, pero sa totoo lang Kim, ibibigay ko pa rin sa kanya kahit hindi pa nya hihingin sa akin ."

"Ikaw talaga Maja. Nagtext nga siya kagabi at sinabi nya he got my number from you ." Hindi nalang sinabi ni Kim na may puyatan na kagabi dahil sa text.

"Friday naman ngayon, how about if we go out mamaya for dinner ? "

" Ah, eh, "

" Sige na Kim para naman magkakwentuhan tayo.Okey lang naman kay Tita Ching. Ganito na lang, susunduin ka namin ni Matt sa office mo around 6:00 mamaya ?"

" Paano yan, may date pala kayo ni Matt tapos sinasama -sama  mo pa ako. "

" Palagi naman kaming magkasama ni Matt. Para maiba naman, andyan din naman si Xian  eh"

" Ikaw talaga Maja ha, di ka kaya kinausap ni Xian ? "

Hindi pinansin ni Maja ang sinabi ni Kim.

" Basta Kim , mamaya 6pm, its a date, ok ? "

" Sige na, ok na ako ! "

Agad tinawagan ni Maja si Xian. Nasa meeting pa si Xian pero panay ang tingin nya sa cellphone at hinintay ang text galing kay Kim o tawag ni Maja. Pagkakita na tumatawag si Maja , nag excuse si Xian para sagutin ang tawag. Dati pag nasa meeting siya, ayaw nya may  istorbo ,pero iba ngayon.

Excited na ibinalita ni Maja na tuloy  ang lakad nila mamayang gabi. Bago  bumalik si Xian sa meeting , nagtext siya uli kay Kim .  IT'S INDEED A BEAUTIFUL DAY . SEE U LATER KIM . Hinintay niya muna sandali kung magreply si Kim at nagreply nga - Hi Xian, ang bilis pala ng balita.  Yes, see u later !

Sobrang excited si Xian pagkatapos matanggap ang text ni Kim. Kung dati napakabilis ng oras sa dami nyang iniisip at pinupuntahan na meetings, parang ang bagal bagal ng oras ngayon.  Si Kim naman ayaw ipahalata sa mommy nya ang kanyang excitement. Basta nagpaalam lang siya na lalabas sila nina Maja . Hindi na niya binanggit na kasama si Matt at may Xian pa.

Pagkatapos ng meeting, bumalik agad si Xian sa office . Bago pa makaupo si Xian, siya namang pagpasok ni Matt.

" Bro, tumawag na ba si Maja sa iyo " , tanong ni Matt sa kanya.

"Yes, kaninang umaga pa " , sagot ni Xian.

" I mean ngayon lang", sagot ni Matt.

" No, hindi pa, bakit daw? " ,tanong uli ni Xian,

Kinabahan si Xian. Bakit kaya tatawag si Maja , baka hindi  tuloy ang lakad namin ? Ano kaya ang problema ?

Bago pa matawagan ni Xian si Maja ay nag ring na ang phone ni Xian ....

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon