Chapter 7

2.8K 39 7
                                    

Sa mga manliligaw ni Kim, si Xian lang ang araw-araw nakakausap o kaya nakikita ng dalaga. Kung hindi kasabay ni Kim ang mommy niya sa pag-uwi, sinusundo sya ni Xian  , o kaya nasa mansion ng mga Yap ang binata bago uuwi sa kanila. Masaya ang dalawa at hindi nauubusan ng mapag-uusapan.Ang mommy at ang kapatid na si EJ ay kasundo din ni Xian. Sa Daddy Joe lang ni Kim siya naiilang.

Minsan nang dumalaw si Xian sa mansion ng mga Yap, naabutan niya si Daddy Joe na kalalabas lang from his home office. Pinakilala ni Kim ang binata sa daddy nya. Ang impresyon nya kay Daddy Joe , mukhang strikto at parang minsan lang niya nakitang ngumiti. Sa isip-isip ni Xian, baka overprotective lang kay Kim at only daughter pa man nya kaya siguro ganun si Daddy Joe.

"I heard you are into the construction business", tanong ni daddy Joe kay Xian

"Yes, po ",magalang na sagot ni Xian.

"Are you in any way related to Alex, Alex Uy? "

"Daddy ko po. Would you happen to know my dad, Sir ?"

"Never mind, its a long story. Excuse me, may kukunin lang ako sa taas", at bumalik uli sa kanyang home office si Daddy Joe.

Nagkatinginan nalang ang dalawa.

"Kim, bakit kaya ganun ang sagot ng daddy mo ?"

"Ewan ko, hindi naman siya nagtatanong sa akin. Wala din namang sinasabi si Mommy sa akin tungkol sa iyo or sa daddy mo."

"Sana nandito sina Daddy at am sure he has some answers to this ". Nasa bakasyon pa ang parents ni Xian. World tour at parang second honeymoon na rin nila. Ngayon lang kasi sila nakapagbakasyon nang matagal at si Xian na ang namamaha sa kanilang family business.

"Kinabahan talaga ako kanina habang kaharap ang daddy mo, iba pala.

"Anong iba pala ?" ,pagklaro ni Kim sa sinabi ni Xian.

" Kahit sanay na ako na kung sinu-sino ang ka-meeting ko, parang nangangatog ang tuhod ko kanina. Mukhang mahihirapan yata ako sa Daddy mo Kim.

"Anong sa kanyan lang, mas lalo na sa akin" at sabay kurot sa tagiliran ni Xian. 

 " Ang kinakatakot ko lang baka sa susunod na pagpunta ko dito, bawal na akong pumasok, paano ka na Kim ?"

" Anong paano ako, Hoy Mr. Uy, mag ayos ayos ka nga dyan at baka umpisa bukas hindi na kita papapasukin dito " kunwaring galit ang dalaga sa binata.

" Talaga ha ? " at nagtawan na lang ang dalawa sa pinuntahan ng kanilang usapan at sabay hampas ni Kim kay Xian.

Hanggang nakauwi si Xian ,naging palaisipan kay Xian ang sinabi ng daddy ni Kim. May problema kaya sila ng daddy niya ? Paano na ang panliligaw niya kay Kim kung nagkataon ?

Si Kim naman hindi rin nakatulog sa kaiisip sa nangyari. Hindi naman bago sa kanya na pinapakita ng Daddy nya ang pagkastrikto pag may pinakilala siyang kaibigang lalaki o kaya manliligaw. Ang pinagtaka lang nya ay kung bakit umiiwas ang Daddy na pag-usapan ang daddy ni Xian.

Ngayong nagpapagaling pa ang Daddy Joe from his cancer ailment, mas lalong naging tahimik ang ama. Probably his way of coping with his ailment. Iniiwasan din nila na ma stress ang kanyang Daddy o bigyan ng kung anong problema. Ang Mommy Ching at si Kim na ang namamahala sa business dito at ang Kuya Jojo naman duon sa America. Anytime na gusto ni Daddy Joe na sa beach house nila sa Batangas magpahinga, kasama na duon si Mommy Ching at si Kim na ang bahala sa business .

Paano nga kaya kung totoong may problema sila ng daddy ni Xian ? Sana naman labas na sila kung ano man ang problema nilang dalawa. Bakit ganun, kung kailan napapamahal na sa akin si Xian, saka naman may issue na ganito ?, napatanong tuloy si Kim sa sarili.

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon