Chapter 18

1.5K 23 4
                                    

                 Napalingon si Kim. Naririnig niya na tinatawag ang pangalan nya .

               "Tita Lyn, kayo po pala ! " ,  yumakap at  nagbeso si Kim sa kanyang Tita.  Alanganing ipakilala ni Kim si Xian sa kanyang Tita  Lyn pero inunahan na siya.

                " Kim, eto ba si Xian ? "  nakangiting nagtanong si Tita Lyn na nakatingin kay Xian.

                "Good evening po " bati ni Xian . 

             "Xian , you call me   Tita Lyn!" pilit nakangiti  si Tita Lyn kay Xian pero nalulungkot siya para sa anak na si Enrique.

              Magsasalita pa sana si Xian ng tinawag ng Mommy Ching ang kumare ," Mareng Lyn, kailan ka pa dumating  ?"

                Nabaling ang atensyon ni  Tita Lyn kina Mommy Ching na pinakilala  sa kanilang mga kasama .

             Nakikita sa mukha ni Tita Lyn na gulat sa nakitang magkasama na si Joe at Edison kaya kusang nagbalita si Mommy Ching sa matalik na kaibigan,  "Magpapakasal na ang mga bata ! Nagdinner kami ngayon para magkakilala naman  kami bago  sila mamanhikan this weekend. "

              Matagal bago nakapagreact si Tita Lyn sa sinabi ni Mommy Ching.  Parang bomba na sumabog sa kanyang harapan ang mga sinabi ng kanyang kumare. Kararating pa lang nilang mag-asawa galing sa America para ayusin ang problema ng kanilang business  kaya kung ilang buwan din silang namalagi duon. Hindi akalain ni Tita Lyn na hahantong sa kasalan ang dalawa dahil  sa pagkaka-alam nya , ayaw ng Pareng Joe nya si Xian kasi nga anak siya ni Edison. Kaya umaasa pa silang mag-asawa na magkabalikan pa si Enrique at Kim. Eto din ang isang rason kung bakit  hindi pa bumalik sa Amerika si Enrique at  ang buong akala nila ay nililigawan uli ni Enrique si Kim.

                  Sa mga panahon na napagkwentuhan nina Mommy Ching at TItal Lyn ang tungkol sa lovelife ni Kim, ang alam niya, ayaw ni Joe kay Xian dahil sa mga issues nila nuon ni Edison.  Aware siya kung paano ituring ni Joe na mortal enemy si Edison kaya kampante siya nuon na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa. Kilala  nya si Kim kung  paano siya   sunod-sunoran sa kung ano ang gusto ng Daddy nya.

                    Unang pumasok sa isip nya " kawawa naman ang anak ko, umaasa pa man din si Enrique na magkakabalikan pa sila ni Kim . "  Kasalanan din kasi ni Tita Lyn na siyang nag-eencourage kay Enrique sa balak nya na ligawan uli si Kim dahil alam nya na ayaw ni Joe sa pamilya ni Xian.

                     Buong akala ni Tita Lyn, nililigawan na uli ni Enrique si Kim. Ilang beses na kasi naekwento sa kanya ni Enrique na nagkita sila ni Kim. Ang hindi nya alam ay sa mga pagkakataon na nagpangita ang dalawa, hindi maganda ang nangyayari.  Ilang buwan din sila sa  Amerika dahil sa problema sa  business nila duon kaya hindi na napag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa.

              "Ah,eh, this is a surprise for me , ah ano, paano ba , congratulations ? best wishes?  to everyone ? ", nakangiti man si Tita Lyn pero halata sa kanyang mukha ang panghihinayang na wala ng pag-asa si Enrique kay Kim.

                     Sinundo ni Xian si Kim kinabukasan.  Napagkwentuhan ng dalawa ang kaganapan noong gabi at  ang tungkol kay Tita Lyn.  Natanong ni Xian si Kim kung nagparamdam pa ba si Enrique sa kanya.

                     "These past weeks hindi na siya tumatawag or nagtetext . Pero minsan , may nabanggit yung gwardya sa bahay  na nakikita nya ang kotse ni Enrique na  naka- park daw sa labas pero maya't-maya daw ay umaalis  rin. Tiempo daw na nasa bahay ka    kaya siguro hindi na tumuloy" , kwento ni Kim kay Xian.

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon