Chapter 1

12K 59 13
                                    

"It's really her !!!" excited na tinapik ni Xian si Matt para tumingin sa papalapit na si Maja  at sa kasama nya na isang matangkad at  mestisang chinita pero medyo mahiyain ang dating.

"Hi !" bati ni Maja sa dalawa and at the same time kissing the cheek of  Matt,  her boyfriend of  two years, 

"I'm surprised to see you here Xian , kumusta na ? tagal na natin hindi nagkita ha ? Hindi ka na rin sumasama kay Matt sa gym lately."

Maja owns a dancing studio and a fitness gym kaya si Matt at si Xian duon na rin naggy-gym.

Bago pa makasagot si Xian,

"Guys, meet nga pala my friend Kim Yap, Kaklase ko since grade school  kaya lang, she left for the States after high school para duon na mag- aral."

"Kim , my boy friend Matt and si Xian, best friend ,cousin at boss ni Matt ."

Si Xian Uy, an only child , took over as   the CEO of  the family construction business after completing  his Masters degree from the US. Si Matt naman na pinsan ni Xian ay duon din nagtratrabaho . Matt's family is also a part owner of the company , although majority owner pa rin ang family nila Xian. Magkapatid ang tatay ninaXian and Matt and who both agreed to let them,  the next generation, manage the business they have started. 

"Hoy Xian ! bakit natulala ka dyan ? Sabi ko this is Kim Yap."

"Grabe ka naman kung makatitig , bakit is there something wrong with my face ?" nahiyang tinanong ni KIm si Xian.

Biglang natauhan si Xian, "Naku , sorry Kim,  I just can't believe that I  finally met .you ", sagot ni Xian

"Ha ? Anong sabi mo ?" nagtakang tinatanong  ni Kim pero parang hindi narining ni Xian .

"Saan ka ba nagtago at ngayon lang kita nakita muli ?"  tanong uli ni Xian.

"Hindi naman siya nagtago Xian", sagot ni Maja. "Bihira lang kasi siya umuuwi dito."

"Dito na uli ako sa Pinas, I'm done na rin with my management course  at  Daddy ko kasi  is sick so I have to help mom with our business."

Ang family ni Kim Yap owns one of the leading chain of restaurants in the country.

Habang nakatingin pa rin kay Kim, si Xian nagsasalita sa sarili-  Kim, ikaw pala si Kim. After all these years, finally nagkakilala na rin tayo . Kung alam mo lang  kung gaano na kita katagal  hinahanap, kung gaano katagal na kitang napapanaginipan .  I will make sure ,this time, hindi ka na mawawala sa paningin ko. 

"Excuse us guys , sasamahan ko lang sandali si Kim duon sa shop. Matt, balik ako kaagad."

"Bye guys, nice meeting you", mahiya hiyang pagkasabi pa ni Kim.

Bago pa makapagsalita uli si Xian, nakaalis na ang dalawa.

 Hindi maalis alis ang tingin ni Xian kay Kim habang papalayo ang dalawa.

Siniko ni Matt si Xian, "Okey ka lang bro ? Para kasing manghang mangha ka habang pinakilala sa atin si Kim".

"Wala bro, wala yun !   Ngayon mo lang ba nakilala si Kim ? Hindi ko kasi maalala na nagbanggit ka  about Kim.

"Actually, palaging nababanggit ni Maja sa akin si Kim but then we never had the chance to meet pag umuuwi siya dito ... Bakit bro, crush mo ba si Kim? Pansin ko lang kasi grabe ka nakatitig kay Kim kanina."

 Ngumiti is Xian bago sumagot sa tanong ni Matt , "Bro, i have something to tell you ...."

Habang naglalakad  naman si Kim at Maja,

"Maja, ganun ba talaga si Xian ?" tanong ni Kim sa kaibigan ." Bakit ?"   " Grabe naman kasi kung makatingin . Nako-conscious tuloy ako kanina."

"Ewan ko nga sa kanya hindi naman siya ganyan ka attentive pag may pinakilala sa kanya.,  Naku, ha  di kaya type ka ni XIan ?  Ang alam ko, wala siyang girl friend ngayon. Sobrang focused kasi  sa trabaho, Bihira nga siyang sumasama sa amin ni Matt.  Parang bahay - office lang ang alam. Sayang nga, ang gwapo gwapo pa nya, matangkad, mayaman   pero hindi mahilig lumabas. Ang dami nga daw mga girls na nag fli- flirt sa kanya pero di naman nya pinapansin", kwento ni Maja kay Kim.

"Mukha nga siyang ang daming iniisip , kaya siguro...", pero hindi na tinuloy ang sasabihin pa ni Kim.

Pumasok na sila  sa isang shop ng mga mamahaling sapatos .

"Andito na pala si Mommy" . "Hi Tita Ching ",  bati ni Maja sa mommy ni Kim.. "Oh, Hello Maja . Magkasama pala kayo ni KIm ?"

"Nagkasabay lang po kami ni Kim papasok dito. My boyfriend po is waiting for me  at the Coffe Shop. Sinamahan ko na lang po papunta dito si Kim para makapagkwentuhan naman kami kahit saglit lang.Ngayon lang po kami nagkita uli since she arrived two months ago. Busy kasi masyado ang friend ko. "

"Sige po Tita Ching" .  "Kim , tatawagan kita so we can go out naman".

" Oo nga Maja, isama mo nga etong si Kim para naman makapagsocialize. Nasa  bahay lang  palagi si Kim after office eh. "

"Hihintayin ko tawag mo Maja, Thank you pala sa paghatid mo sa akin dito".

Pagbalik ni Maja sa Coffee Shop, "Where's Kim ? " tanong agad ni Xian .

"Naku Xian ha, parang napansin ko lang na parang may gusto ka sa friend ko  ? Andun iniwan ko sa shop. She's with her mom na. Actually, nagkasalubong lang kami on the way here kaya hinatid ko lang duon sa meeting place nya with her mom."

"Ganun ba ?" biglang lungkot ang mukha nang binata.

"Matt, Maja mauna na ako."  

"Akala ko ba sabi mo kanina dito kalang, ngayon bigla ka naman aalis? " malokong tanong ni Matt .

"Maybe next time pag may ka date naman ako, Iingitin nyo lang ako sa kasweetan nyo dyan?"

"Alam ko na, Kim and I are planning to go out, ano kaya if  sumama na  rin kayo ni Matt para mas masaya ? Kaso, busy nga pala si Xian ?" 

"Talaga Maja? I will surely find the time, gusto mo bukas na  ?"

"Aba aba Xian, ikaw ba yan?  . Akala ko ba sabi ni Matt super busy ka daw palagi ?

"Busy naman talaga ako , ah " depensa ni Xian. " But I can drop everything for Kim"

Sige na, tatawagan ko muna si Kim if pwede siya this Friday or Saturday ."

"Di ba talaga pwedeng bukas na Maja ?"

" Naku Xian ha, parang masyado ka nang obvious, seryoso ka?"

Tumawa lang si Xian sa dalawa , sabay tayo , para maka alis na at baka lalo pa siyang tuksuhin ng dalawa .

"Basta Maja , ikaw na ang bahala sa lakad natin with Kim !" bilin ni Xian .

Tumingin na lang si Maja kay Matt at parang nagtatanong , bakit ganun na lang ka excited si Xian na makasama uli si Kim ? Nagkita na kaya sila dati ?  May nakaraan kaya ang dalawa  ? 

---- My first ever attempt to write , this is dedicated to MS.GIDGET Corpuz for inspiring me to finally do this ....

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon