"Sweetheart, mapaparami na naman ang kain ko ngayon ",nakangiting sabi ni Xian habang nakaakbay kay Kim at nakatingin sa pagkain sa dining table.
"Siempre ako yata ang nagluto dyan " , pagyayabang pa ni Kim
Sa mansion ng mga Yap nagbreakfast si Xian kinaumagahanan Si Kim mismo ang nagluto para sa breakfast nila kaya tuwang-tuwang si Xian. Wala pa ang daddy at mommy ni Kim . After lunch pa ang balik nila from Batangas kaya maaga si Xian para may kasabay si Kim magbreakfast.
" Sana ganito tayo araw-araw, sabay magbreakfast at pagkatapos sabay din going to the office." nakangiting nagsalita si Xian habang kumakain. Si Kim tuloy-tuloy lang sa pagkain at inuubos ang pagkain na inilagay ni Xian sa kanyang pinggan.
Matagal nakatulog si Kim that night from Batangas. Pagod man sa biyahe at sa buong araw na nasa beach pero masayang binalik-balikan nya ang mga bonding moments nila ni Xian. Napapansin na rin ni Kim na palaging nagpapasaring si Xian tungkol sa pag-aasawa. Kahapon lang, tinutukso pa nya si Kim tungkol sa may kinakargang bata.
" Gusto na siguro ni Xian na mag-asawa ? Sa akin kaya ? Ngeh, ang assumming ko !!1" pagtatanong ni Kim sa sarili. " Paano ang mga plano ni Daddy na si Kuya ang uuwi dito at ako muna duon sa America para ipagpatuloy ang Masters ko ? " Yes, I love Xian so much, gusto ko na siya na talaga ... , pero mahal ko rin ang pamilya ko ? Sana hindi dumating ang time na kailangan ko pang pumili, si Xian ba o ang pamilya ko !"
Pagkatapos magbreakfast , sabay umalis ang dalawa. Hinatid muna ni Xian si Kim saka siya pumunta sa office nya. Dahil Monday, pareho ang dalawa na sunod-sunod ang mga meetings. Past 7 na ng gabi na nakabalik sa office ni Kim si Xian kaya nagpahanda na ng pagkain si Kim. Habang kumakain ang dalawa,
"Sweetheart, free ka ba this Friday evening ?", tanong ni Xian kay Kim .
" I think so Sweetheart, bakit ?" balik tanong ni Kim
" Good! So can you come with me ? May social event kasi for construction firms and the big clients and prospects in the industry. Purely socials lang , may cocktails then dinner after .
Ayaw sana sumama ni Kim pero naging insistent si Xian na isama ang girlfriend. Excited kasi si Xian to introduce Kim to his circle of friends in the industry in a not so business-like atmosphere.
Maagang dumating si Xian para sunduin si Kim that Friday evening. Ang gwapo ni Xian in his black tuxedo and as usual may bibit na red roses for Kim. Speechless na naman si Xian pagbaba ni Kim na naka black evening dress with moderate V-neckline, cap sleeves and a moderate bare back. Kahit simple lang ang suot ni Kim , lutang pa rin ang beauty ng girlfriend nya.
Marami na ang tao sa loob ng function hall ng New World Hotel kaya pumasok na sila. Handsome pair kung tingnan ang dalawa . Proud boyfriend si Xian na pinakilala ang kanyang girlfriend sa mga kaibigan na tulad nya ay may mga sariling construction firms. Siempre mas kilala at isa sa pinakamalaki ang construction firm ng pamilya ni Xian.
Nameet ni Kim si Rey and wife Susan, Carlo at ang girlfriend na si Marie, si Bryan at si Dave. Buntis ang asawa ni Bryan kaya hindi sumama , si Dave came single. Nagkukwentuhan ang grupo ng may binubulong si Dave kay Xian, "Look who is coming pare ", bulong ni Dave.
" Hello guys and ladies ? " bati ni Karla sa kanila. Nagulat si Xian ng makita si Karla. Una siya nagbeso kay Dave na kaibigan nya at pagkatapos ay hahalik sana sa labi ni Xian pero si Xian mabilis nakaatras.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga
FanfictionWhen two persons are destined for each other, no matter where they were and where they are, everything would work to bring two separate lives together when the right time comes...