Chapter 2

3.5K 39 7
                                    

Hanggang nakauwi si Kim sa bahay, mukha pa rin ni  Xian ang nakikita niya.  Kinikilig siya habang naaalala ang mga titig ni Xian sa kanya kanina. Haay ! ang cute pa rin nya at mas lalong gumwapo habang nagmature siya , sabi ni Kim sa sarili.

Hindi nahalata na pigil na pigil ni Kim ang sarili nang nakita nya uli si Xian kasama si Matt. Parang bumalik na naman ang kanyang nararamdaman nuon tuwing nakikita niya si Xian.

Hirap makatulog si Kim ng gabing yun. Siguro excited lang siya sa nangyari kanina. Si Xian naman parang hindi dinalaw ng antok sa excitement niya na nakita niya uli si Kim.  Gustong- gusto na nyang tawagan si Maja para malaman kung nakausap na nya si Kim at  kung tuloy ang lakad nilang apat.

Paano na kaya ang gagawin ko kung hindi papayag si Kim? Baka turn-off ako kanina sa kakatitig sa kanya . 

Maaga nagising si Xian kahit madaling araw na nakatulog. As usual, its another busy day for him. Pansamantala muna kinalimutan ang tungkol kay Kim sa sunod sunod na meetings nya. Dalawa ang magkasunod na meetings nya sa may Dusit Hotel.  Pagtingin nya sa oras , it was almost 2 p.m.

Nagmamadali na siyang naglalakad sa lobby para lumabas ng napansin nya  ang babaeng galing sa kabilang dulo ng hotel .

"Hi Kim !" medyo nilakasan ang pagtawag ni Xian  and at the same time  waving his hand to catch her attention habang lumalakad siya papalapit sa dalaga.

" Xian ikaw pala ", bati naman ni Kim sa kanya 

Hindi na alam ni Xian ang gagawin. Kung kagabi, gulong-gulo siya sa kaiisip kung paano na si Kim, ngayon ,eto na siya sa kanyang harapan. Pero sigurado siya - to the highest level ang saya nya!

"I just had a meeting here at papalabas na sana ako when I saw you. Kasama mo ba si Maja ?" tanong ni Xian .

"No, I just came from a meeting too at pabalik na rin sana sa office" , sagot  ni Kim.

"If okey lang sa  ' yo,  how about if we have coffee muna at the Coffee Shop ?" paanyaya ni Xian.

"That's fine with me, thank you ".

It was around 2:00 in the afternoon when they entered the hotel's Coffe Shop at hindi nila namalayan na mahaba haba na rin ang napag usapan ang dalawa. Para lang silang magkaibigan na matagal-tagal ng  hindi nagkita.

Enjoy na enjoy si Xian nakikinig sa mga kwento habang nag aaral si Kim sa America lalo na at marami silang mga lugar na pawang napuntahan nilang dalawa pero sa magkahiwalay na okasyon. Medyo mahiyain nga si Kim pero makwento din pala siya. Gandang-ganda talaga si Xian sa babaeng kausap niya. Para tuloy gusto na niyang iuwi para hindi  na siya mawala sa kanyang paningin.  Si Kim naman, hindi makatingin ng deretso at para siyang matutunaw sa mga titig ni Xian .

Maraming nalaman si Xian sa kanilang kwentuhan. Ang  Kuya Jojo pala ni Kim ang namamahala sa kabubukas na business nila sa America at  may isang nakababatang kapatid na lalaki na si EJ  na  ka kagraduate lang sa high school.  Sa loob-loob ni Xian nasabi nya - tama din lang na umuwi siya at walang iba na makakatulong sa kanilang business at higit sa lahat para mahanap ko na siya.

Unti-unti nasasagot sa mga kwento ni Kim ang mga katanungan sa isip ni Xian. Gusto na sanang balikan ni Xian ang nangyari nuon pero  biglang nagring ang cellphone ni Kim.

"Asan ka na, anak" ? tanong nang mommy ni Kim.

"Mommy, am here pa rin sa Dusit having coffee with Maja's friend", sagot ni  Kim.

"Just don't forget we are having dinner here in the house with your Tita Lynn".

"Yes po. Actually  I am about to leave na rin. I love you mom! "...lambing ni Kim sa mommy nya.

Ngayong nakauwi na si Kim, parang magkabarkada lang ang turingan ng mag-ina.  Palagi na lang sinasamahan ni Kim ang mommy nya lalo na sa pagsho-shopping  para naman makabawi sa ilang taon na sa ibang bansa siya nag aaral.

"Naku Xian, mag 5 5:30 na pala. Kaya pala ang sama ng tingin ng waiter at eto lang ang order natin. 

I really have to go. May bisita pala kami for dinner ngayon pero sana walang asungot na kasama", parang napalitan ng lungkot ang boses nya.

"Sinong asungot ?"nag alalang tanong ni Xian.

" Wala yun, just forget that I said it ", bawi ni Kim.

"I  really enjoyed talking with you Kim, Thank you for having coffee with me . I hope to see u again okey lang ba Kim? "

Kim smiled and replied , "Oo naman pero  ewan ko lang ha but sabi nina Maja, ikaw na daw ang pinaka busy na tao dito sa Pilipinas ."

 "I will always find the time for you Kim", pangiting sagot ni Xian. " And which reminds me, nag-usap na ba kayo ni Maja after kahapon ? "

"Hindi pa nga ,eh . But she told me she will call kasi gusto niyang labas naman kami. "

" Sana  it would be soon Kim !"

Pinauna muna ni Xian maka alis sina Kim at saka tinawagan ang driver na nasa carpark na kung ilang oras na naghintay sa kanya. Natawagan pa man din nya ang driver na palabas na siya ng hotel bago nya napansin si  Kim.

Pagtingin sa cellphone, naka 10 missed calls na si Matt at may iba pang tumawag at kung ilang text messages . Doon lang naalala ni Xian na dapat papunta pa sya sa isa pang  meeting when he saw Kim walking at the hotel lobby.

 Agad agad tinawagan niya si Matt ." Bro, anong nangyari  sa meeting ?"

" Bro, ikaw ang anong nangyari ? " balik tanong ni Matt. "Naisip ko na tuloy na nakidnap ka na !!! Saka na ang meeting , ikaw , what happened ?"

" Bro, today must be my lucky day !!! Guess what?"

'Guess what ka dyan, ano ?"

"I saw Kim on my way out of the hotel and invited her for coffee ! "

"Bro, nakita mo lang si Kim, nawala ka na sa mundo ? Paano na yan, isang araw pa lang, nagkaloko loko na lahat ? "

For the first time, walang pakialam si Xian sa nangyari. Hindi na niya narinig ang mga pinagsasabi ni Matt . Basta isa lang ang alam nya, sobrang saya niya ngayon.Parang walking on sunshine lang ang feeling nya.

"Bro, I am on my way back to the office. Usap na lang tayo doon. ".

Si Kim din naman enjoy na enjoy kausap si Xian. Kung hindi lang tumawag ang mommy niya, baka tuloy-tuloy pa  ang kwentuhan ng dalawa hanggang gabi.

Tatawagan na nya sana si Maja para ipaalam ang "date " nya with Xian, pero naisip niya na baka tuksuhin lang sya. Mamaya na lang siguro at siguradong mahabang kwentuhan ito.

Nagmadaling magbihis  si Kim at baka dumating na sina Tita Lynn nya, pero bigla siyang tumigil nang  maisip niya kung paano nga kaya kung kasama siya ?

SIno si Tita Lynn at  bakit ayaw makita ni Kim ang kasama ni Tita Lynn.  Ano nga talaga ang nakaraan ni Xian at Kim ?

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon