Maganda ang gising ni Xian." Ganito pala ang feeling pag inlove ? She is indeed worth the wait. The girl in my dreams is for real. Thank you Lord for bringing Kim into my life. "
Nagising si Kim sa tunog ng cellphone at excited na sinagot pagkakita kung sino ang caller. Ang tagal bago siya nakatulog kagabi siguro dala ng mga kaganapan that night. Hindi siya makapaniwala na ang dating fan na may crush sa isang basketball idol, ay ngayon girlfriend na ni idol . Just like in the movies?
"Hello Xian "
"Sweetheart, nagising ba kita ?"
" Wow , ang sweet naman ng boyfriend ko! "
Tuwang-tuwa si Xian na narinig na tinawag siyang boyfriend ni Kim. Parang mga teen-agers ang dalawa na nagkulitan sa phone. Pinaalala ni Xian anong oras niya sunduin si Kim para makapagsimba sila at tuloy na sa dinner kasama si Matt at Maja para ipaalam na sila na.
Pagbaba ni Xian, nasa breakfast table na ang Daddy at Mommy niya. Pagkatapos mag good morning kiss sa dalawa, umupo na rin siya to have breakfast.
" You look different son , in love ba ang anak ko ? " panunukso ng Mommy Menchu .
" Halata ba Mom ? " , na ang ngiti ni Xian abot hanggang tenga.
"Hindi naman masyado anak. Kahapon ko pa napansin na parang may iba sa iyo,eh. Hindi ko lang makuha kung ano."
" Yung date mo ba ka gabi? I'm ready to listen son. It seems ang daming nangyayari while we were away . Pag hindi ka magkwento, ipapatawag ko si Matt, sige ka ! ", pananakot pa ni Mommy Menchu sa anak.
Natawa si Xian sa litanya ni Mommy Menchu.
"Dad, Mom , girlfriend ko na po si Kim."
"And who is Kim ?"hindi naman obvious na excited sila at sabay pang nagtanong ang dalawa sa anak, .
Nag-umpisang nagkwento si Xian sa kanila, pati na yung tungkol sa nangyari sa isang party many years back. First time niya nakita si Kim at na love at first sight ang binata. Kinikilig si Mommy Menchu sa kwento ni Xian at ngayon pa man excited na siya na makilala ang girlfriend ng anak. Ngayon lang niya nakita uli si Xian na ganito ka saya.
" Son, you mentioned na Yap ang pamilya ni Kim, kilala ba natin sila ?" Kinabahan si Daddy Edison sa banggitin na pangalan ni Xian .
" Dad, I think you know them - si Joe Yap ang daddy ni Kim." Nakatingin si Xian sa daddy nya at gustong makita kung ano ang reaksyon sa pangalan na narinig .
" Have you met him son, have you met Joe ? "
Sinabi ni Xian kung paano siya tinanggap ng pamilya ni Kim at ang nangyari ng si Mr. Yap ang kausap niya.
" Kaya nga Dad, Mom, iniiwasan muna namin ni Kim na pag-usapan tungkol dito kasi feeling namin baka may issue kayo ni Mr. Yap ."
" Pasensya na anak at somehow naapektuhan kayo ni Kim. But I can assure you son na whatever is our issue kung meron man, this won't affect your relationship with Kim. Matagal na yun. Sa kwento mo kanina, I know she is the right one for you and its about time son. Like your mom,excited kami to meet her."
" Thank you Dad , pero ano ba talaga ang issue at umiiwas si Mr. Yap na pag-usapan ", pagpupumilit ni Xian sa Daddy niya. Kaya nagkwento na rin si Daddy Edison kay Xian.
Nasa iisang college na pinag-aralan sina Edison at Joe pero ahead ng isang taon si Joe sa kanya. They were considered campus rivals dahil palitan sila kung sino sa kanila ang lider sa kahit anong school organization. Dahil sa campus rivalry hindi sila nabigyan ng pagkakataon na maging magkaibigan .
Naging personalan ang kanilang pagiging magkaribal nang nagkahiwalay si Joe at ang kanyang girlfriend at si Edison ang tinuturong third party. Naunang nag graduate si Joe at batchmate ni Edison ang girlfriend ni Joe na si Mary Ann. Nanliligaw pa si Edison kay Menchu na pinsan naman ni Mary Ann . Sa ibang school si Menchu nag-aaral kaya panay ang lapit ni Edison kay Mary Ann para ilakad kay Menchu. Bago pa man nag graduate si Joe, may balak na makipaghiwalay si Mary Ann sa kanya at marami na silang hindi mapagkasunduan . Napabilis na lang hiwalayan dahil kay Edison.
Kapwa sa construction business pumasok si Edison at si Joe. Maraming mga pagkakataon na sila din ang nag uunahan sa mga projects kaya nagpatuloy pa rin ang rivalry ng dalawa, mas mainit na ngayon. Dahil may galit si Joe kay Edison sa nangyari sa kanila ng girlfriend niya, sinisikap ni Joe na matatalo nya si Edison sa mga makukuhang projects.
Namatay ang ama ni Joe kaya napilitan siya na magtake over sa restaurant business bilang panganay sa pamilya . Mukhang nakabubuti sa kanilang dalawa ang pag-iba ng business ni Joe para pansamantalang mawala ang kumpetisyon sa pagitan nilang dalawa . Sa kanya-kanyang mundo na ginagalawan kapwa sila naging successful - si Edison Uy sa construction business at si Joe Yap naman sa restaurant business.
Pero parang sadyang nananadya ang tadhana at pinagtapo na naman ang dalawa, ngayon naman dahil sa mga anak nila .
Parang nabunutan ng tinik si Xian sa kwento ng ama. Laking pasalamat at walang problema on his side. Ang daddy na lang ni Kim ang concern niya. Nag-offer si Daddy Edison na kausapin niya si Mr. Yap pero sabi ni Xian hindi pa kailangan.
Natuwa si Kim sa balita ni Xian.
"Ano kaya kung kausapin ko na ang daddy mo Kim ? "
"Huwag na lang muna, baka hindi pa ready si Daddy pag-usapan yon. "
"So ganito na lang , how about dinner sa bahay bukas? Excited lang kasi sina Dad and Mom na makilala ka ."
Pumayag na rin si Kim sa pamimilit ni Xian. Nahihiya pa siya to meet his parents pero curious din naman siya na makita at makilala ang taong ayaw mapag-usapan ng daddy nya.
Hindi na nasurprise si Matt at si Maja sa balita. Expected na nila na maging sila. Bagay ang dalawa at magkasundo pa sa ugali. Ang nakakatuwa lang ay complete opposite naman sila sa kanila ni Maja. Ang gulo-gulo nina Matt at Maja samantalang si Xian at Kim ay medyo seryoso at planado ang mga galaw.
Kinabukasan deretso na ang magkasintahan sa mansion ng mga Uy. Gusto pa sana dumaan ni Kim sa bahay nila para makapagpalit ng damit pero nag-insist si Xian she looks fine with her get up. May bitbit na cake si Kim para sa daddy at mommy ni Xian na ikinatutuwa lalo ng mag-asawa.
Pagpasok pa lang nila sa mansion, sinalubong na sila ng Daddy at Mommy ni Xian. Ang gaan ng pakiramdam ni Kim sa kanila at feel niya ang sincerity at warmth ng mag-asawa. Totoo nga ang sabi ni Xian tungkol sa parents niya, mga simpleng tao lang sila kaya naging kumportable kaagad si Kim sa kanila.
Model dati si Tita Menchu, ang tawag ni Kim sa mommy ni Xian at hanggang ngayon ganun pa rin siya kung kumilos. Parang magkabarkada lang silang tatlo kung magkwentuhan at game din kasing magkwento ang Tito Edison .
Past 10 o'clock na kaya nagpaalam si Xian at ihahatid pa niya si Kim. Enjoy si Kim sa dinner with Xian's parents . Ang daddy at mommy naman ni Xian sinabihan ang dalawa na sana kung pwede every week sila sa bahay magdinner . Tuwang -tuwa sila sa nakikita kay Kim at alam nila na hindi nagkamali si Xian sa kanyang piniling hintayin.
" Kim, dalas dalasan mo naman kaming bisitahin dito ha ? " bilin ni Mommy Menchu kay Kim.
"Sige po Tita Menchu gagawin ko po yun".
Tanggap ng pamilya Uy si Kim. Kumusta naman kaya si Daddy Joe , magbabago kaya ang pakikitungo niya sa binata ?

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga
FanfictionWhen two persons are destined for each other, no matter where they were and where they are, everything would work to bring two separate lives together when the right time comes...