Chapter 13

2.6K 43 9
                                    

          Nasa office si Xian at si Matt at naikwento ni Xian ang nangyari nuong gabi.

         "So anong balak mo ngayon? " , concerned na tanong ni Matt sa pinsan.

         "I don't know Bro , hindi ko talaga alam.  Naalala mo, the first time nagpang -abot kaming tatlo was the first time I saw Kim ? Umiiyak si Kim sa hotel lobby and that was time na nakipagbreak si Kim from him. Kagabi, ganun din, Kim was crying sa takot na magkasuntukan kami . I hate to think na mauulit pa ulit what happened last night and I don't know anong magawa ko sa lalaking 'yun."

         "Pakasalan mo na kaya si Kim para mawala na ang mga umaaligid sa kanya lalo na ang ex na yan ni Kim" , pabirong sabi ni Matt  .

         "Kung pwde lang Bro !   Matagal ko ng gustong pag-usapan ang tungkol sa kasalan   pero andami pang concerns ang pamilya ni Kim kaya I don't want to bring up  muna usapang kasalan. Halos araw-araw nga  kinukulit ako ni Mommy eh. Pero I don't  I don't think that will solve the problem with her ex. "

         "Iba din ang trip niya no, obvious naman na ayaw na sa kanya ni Kim . Sabagay, siguro na realize niya kung ano ang nawala sa kanya. "

          Hindi na sumagot si Xian  sa sinabi ni Matt at parang lumilipad na sa kung saan-saan ang isip niya.

        Sa hotel kung saan naka check in sina Megan  at Gian ginanap ang birthday party. Nandun ang mga kamag-anak  from both sides ng mag-asawa at mga kabarkada nila. May live band kaya ang iba enjoy na enjoy sa dance floor habang ang iba naman ay nagkukentuhan habang kumakain or umiinom.

       Magkaholding hands  si Xian at Kim habang naglalakad sa lobby ng hotel. " Sweetheart, you seem so quiet ?" tanong ni Xian .

      "Naisip ko lang nandun ang  mga relatives mo parang nahihiya tuloy ako",  mahinang sagot ni Kim .

      "So ? Excited nga sila to meet you eh , and don't you  worry, I won't leave your side." , pag -assure ni Xian sa girlfriend.

       Pagpasok nila sa ballroom, sinalubong ni Megan ang dalawa . " I'm so glad nandito kayong dalawa". Nagbeso si Xian at Kim kay Megan  sabay  bati  ng "Happy birthday" sa kanya at pagkatapos inabot ang birthday gift sa pinsan. 

      "Hon, look who's here ?" tawag ni Megan sa asawa na nakatalikod sa kanila at may kausap pa  na bisita. Humarap si Gian  sabay bati " Xian, kumusta ?" . Binaling pabalik sa kausap ang tingin ni Gian para ipakilala ang mga bagong dating. Hindi pa nakapagsalita si Gian ay biglang nagpaalam ang kausap at hindi na hinintay na makilala ang dalawa, "Excuse me, punta lang ako sa labas."

       Nagulat silang apat at unang nakapagsalita si Megan " What happened to him hon ? " .

       SI Xian ang sumagot, " Actually , we know each other kaya lang may konting problema kami . Gian, si Kim, my girlfriend and that was her ex-boyfriend. We bumped into each other, kami ni Kim, the other day and  medyo nagkagulo kami. "

       " Hello Kim " at nagbeso si Gian kay Kim. " Tama nga si Megan, you look good together. Tuwang-tuwang nga si Megan, I was thinking baka pinaglilihian ka  na ng honey ko at grabe ang hyper  niyang nagkwento after she met you with Xian."

        " Yung si Enrique is a good friend of my brother kaya palaging kasama siya pag may happenings kami duon. I didn't know na si Kim pala ang sinasabi nya sa amin na girlfriend nya dati . I have to apologize to both of  you sa ginawa ni Enrique" tuloy-tuloy na nagsalita si Gian.

        " Hayaan na natin si Enrique and let's just enjoy the night " , may pagkainis na pagkasabi ni Megan sa tatlo sa ginawa ni Enrique. " Xian, ikaw na ang bahala kay Kim !"

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon