Chapter 10

2.5K 37 7
                                    

           Sabado maaga nagising si Xian. Kinakabahan siya sa napipintung pag-uusap nila ni Daddy Joe. Halos hindi na nga siya nakatulog sa kakaisip sa mga posibleng mangyayari sa kanilang pag-uusap.

          Naabutan ni Mommy Menchu si Xian sa breakfast table  na parang malalim ang iniisip.  Hindi  napansin ni Xian na papalapit na si Mommy Menchu at nagulat na lang siya ng magsalita ang mommy  sa kanya.

          "Your dad told me mag-uusap daw  kayo ni Joe  mamaya  ? " concerned na tanong ni Mommy Menchu kay Xian.

          " Hindi ko nga  po alam Mom if  anong naramdaman ko ngayon ", pagsumbong ni Xian sa mommy nya.

           " Mabuti na rin yan anak  na magkausap kayo ni Joe para makita niya na sincere ka kay Kim.  Malay mo, this will also  make way for your Dad and Joe to be friends " , sagot ni Mommy Menchu

          "But Mom what if ? ", pag-alalang sagot ni Xian.

          Hindi na pinatapos magsalita ni Mommy Menchu si Xian, "Ssssh , son , kaya nga kayo mag-uusap eh.  "

          The night before napag-usapan na nina Xian at Daddy Edison ang tungkol kay Daddy Joe.  Naikwento nya na nagka-usap sila ni Kim.  Nalungkot si Edison at hindi niya akalain na ang kanyang anak  ang maging apektado sa mga pangyayari nuon. 

         "Mabuti na  rin that Joe is talking to you.   Sana lang mapatatawad na niya ako for whatever differences we had in the past. Ayaw ko lang na kayo ni Kim ang apektado sa mga nangyari sa amin, " malungkot na nagsalita si Daddy Edison kay Xian.   "If there is anything I can do son to fix this, gagawin ko. "

        "Thank you Dad  at sa side nyo po ni Mommy , wala akong problema. " ang malamyang sagot ni Xian sa Daddy niya.

         Pagdating ni Xian sa mansion ng mga Yap, sa may poolside muna sila ni Kim  nag-uusap . Nilapitan sila ng katulong para ipaalam na pinapapunta na  si Xian kay  Daddy Joe. Hinatid ni Kim si Xian sa home office ng daddy niya pero si Xian lang ang pumasok.

        Nag-good morning ang binata kay Daddy Joe at  pinaupo naman ang binata sa harapan nya . Matagal bago nagsalita ang isa sa kanila. Halatang may tension na namamagitan sa dalawa.

       "Kumusta na ang Daddy mo? " naunang nagsalita si Daddy Joe.

       "Mabuti po at nangangamusta din po si Daddy sa inyo" , sagot naman ni Xian kay Daddy Joe.

        Napangiti si  Daddy Joe.  " Has your Dad mentioned to you na we were never  been friends ?"

       "Parang ganun nga daw po Sir sabi ni Dad ", mahinang sagot ni Xian,

       " And I never imagined that our paths would cross again " , pagpatuloy ni Daddy Joe.

       Hindi na kumibo si Xian at alam niya  na papunta na sa kanila ni Kim ang usapan.

      " Honestly Xian, nung nalaman ko na anak ka ni Edison,  natakot ako for Kim.  I never imagined that this is going to happen . I have been  very protective of my princess  pero mas higit  na ngayon when I come to know that you are Edison's son", tuloy-tuloy na nagsalita si Daddy Joe.

      "Naintindihan ko naman po Sir knowing she is your only daughter. But if it is because of your differences with my Dad, matagal na pong nakalimutan ni Dad what happened between the two of you. ", ang sagot ni Xian.

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon