Chapter 5

3.2K 42 7
                                    

Pagkatapos maibigay ni Kim ang direksyon papunta sa mansion ng mga Yap  biglang tahimik na ang dalawa sa loob ng sasakyan ni Xian.

Si Xian nag iisip kung ito na ba ang tamang oras na pag usapan ang nakaraan, si Kim naman nag alala kung hanggang saan kaya ang kwento ni Maja patungkol nuon.

Naunang nagsalita ang binata . "Kim , nag enjoy ka ba kanina ?"

Tumagilid ng kaunti si Kim para makaharap si Xian, "Oo naman. Kalog din pala si Matt noh kaya magkasundo sila ni Maja ."

Napagkwentuhan tuloy ng dalawa ang kanya kanyang mga kalokohan nila nuon .Si Kim kasama si Maja at si Matt naman at Xian.  Nagkatawanan sila sa mga pinaggagawa nila nuon at hanggang nakakita na ng tiempo si Xian na tanungin si Kim.

"Kim, can you still remember what happened at Manila Hotel some years back ? biglang napaseryoso ang tanong ni Xian.

"Ha, anong  ? " ,kunwari gulat si Kim sa tanong.

"Manila Hotel ?  ", excited at medyo tumaas ng konti ang boses  ni Xian.

Matagal bago sumagot si Kim . Tumingin ng derecho sa daan na dinadaanan ng tumatakbong sasakyan.  Walang salitang binitawan pero tumango lang siya na ibig sabihin - "Oo natatandaan ko pa!"

Paano ba naman niya makalimutan yung Manila Hotel incident  at kaya  naman siya sumama sa party ng dating school ng kanyang Kuya Jojo  ay dahil nagbakasakali siya na nanduon ang dating crush. Curious lang naman siya kung ano na ang hitsura ni Xian after two years na hindi na niya napanuod maglaro.  Sa America na kasi nag aral si Kim at umuwi lang dahil may long break sa school nila . Ang girlfriend  naman kasi ng Kuya Jojo ni Kim ay duon pa rin sa school nina Xian at may pa fund raising event kaya binigyan din si Kim ng ticket para sumama.

HIndi na nagpaalam si Kim kay Enrique na pupunta siya sa party. Kasama naman niya ang Kuya Jojo at girlfriend nito. Galit din siya sa boyfriend at may nakakita na naman kay Enrique na may kasama sa mall na ibang girl.  Hindi pa nga siya nakabalik sa America, may naririnig na siyang ganitong balita!

Para naman may excitement sa pupuntahan nya, ang iniisip na lang ni Kim ay kung nandun si Xian sa party.  Wala naman sa isip niya na magkakilala sila  pero sa gusto lang niya makita uli kahit sa malayuan tulad ng dati. Isa lang siyang  fan ni Xian at hindi nag ilusyon na magkagusto sa kanya ang kanyang hinahangaan na basketball star. Pero sa loob-loob nya " ano din kaya kung makasayawan ko siya mamaya , di ba naman exciting ?" at kinikilig siya sa possibleng mangyayari kung magkataon.

Habang nagsasayawan ang ibang dumalo sa party, enjoy na rin na tumitingin tingin si  Kim kung may mga dati ba siyang kakilala o kaya high school batchmates na duon na rin sa school nag aaral. So far , may tatlo siyang dating kaklase na nakita . Binati  siya ng mga ito nang  napadaan sa table na kinaupuan nila ng Kuya Jojo at girlfriend nito.

Napansin ni Kim sa kabilang banda ng function room ang isang matangkad na lalaki na may kausap na sexy na babae. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang dibdib at pamilyar sa kanya ang tayu at ang mga galaw ng lalaki kahit nakatalikod. " Si Xian , am sure of that ", ang sabi ni Kim sa sarili.

Pinagmasdan ni Kim ang lalaking nakatalikod hanggang narinig ni Kim na may tumawag kay Xian galing sa tabi ni Kim  kaya biglang lumingon ang binata sa kanyang direksyon.

" Wow, ang gwapo pa rin nya. Congratulations Kim  at  tama ka nga ! ", kinikilig na nakatitig si Kim sa lalaki. Matapang naman ang loob niya na nakatitig  sa dating crush dahil medyo may kalayuan naman kaya hindi mapansin. Nakita niya na hila hila siya ng kasamang babae palayo at papunta sa isang grupo na siguro barkada nila. "Girlfriend nya siguro , sexy niya pero hmp di hamak mas maganda naman ako". At natatawa na lang sa sarili sa pagkumpara.

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon