Chapter 14

2.3K 36 9
                                    

              Mapagkamalang honeymooners ang dalawa na habang naglalakad sa beach , si Xian nakaakbay kay Kim at  si Kim ay nakayakap sa beywang ni Xian .  Buong pamilya ni Kim ang may overnight sa beach house sa Batangas kasama ang mga barkada ni EJ at   ang pamilya ng kapatid ni Daddy Joe na si Tito Jude.  Dapat nandun din si Maja at Matt kaya lang may birthday party ang kapatid ni Maja kaya hindi nakasama ang dalawa.

              Palubog na ang araw kaya naglalakad na sila pabalik sa beach house. Natatanaw na nila ang Daddy at Mommy ni Kim na masayang nagkwuwentuhan kasama si Tito Jude at ang asawang si Tita Mila   at sina EJ naman kasama ang barkada at pinsan ay maingay na naliligo at naghahabulan pa sa dagat.  

              "Happy Sweetheart ?" malambing na tinanong ni Xian si Kim habang nakatanaw sa kanila. 

         "Very very happy    Sweetheart  and I thank God na bumabalik na ang saya at sigla sa pamilya namin " , masayang sagot ni Kim kay Xian. " Thank you din Sweetheart for being so supportive and understanding sa akin at sa pamilya ko. I love you !"

           Ngumiti si Xian, "You just don't know how much I love you Sweetheart at pinakamasaya ako seeing you this  happy " sabay  halik sa lips si Kim.

           Naalala  ni Kim ang mga pangyayari ilang araw na ang lumipas na sinamahan siya ni Xian sa kanyang office habang naghihintay ng balita galing kay Mommy Ching sa huling check up ni Daddy Joe. Nagpromise ang mommy nya to call her as soon as they are done with the check up.   Touch na touch si Kim at sadyang naghalfday pa si Xian para may moral support siya.

           Nakaupo sila sa sofa ng office ni Kim ng magring ang cellphone ni Kim  na nasa kanyang table .

         Mommy Ching calling ang naka display sa phone. Tumingin si Kim kay Xian,  "Sweetheart, si Mommy .... " na parang nagtatanong  kay  Xian kung sagutin ba nya o hindi ang tawag. 

      Nanginginig na pinindot ni Kim ang phone para sagutin ang tawag, "  Mommy ? " .

     " Kim , anak " putol-putol ang boses ng mommy ni Kim at halatang  umiiyak ito. "Kalalabas lang namin from the clinic "

     " Mommy, kumusta po si Daddy ? " , kinabahang nagtanong si Kim. Eto na ang kanina pa nyang hinihintay na balita.  Si Xian ay  napatayo  at nilapitan si Kim.

     " Sabi ni Dr. Cruz , mas maganda  na ang latest  results ng mga lab exam ni Daddy kaya hindi na   kailangan ng addtional session ng chemo or radiation treatment.   Ayaw naman niyang sabihin na cancer-free na si daddy but he is giving him  clearance that he  can now  slowly go back to his normal daily routine  ."   Mangiyak-ngiyak pero masayang nagbalita si Mommy Ching kay Kim.  " Pero as precautionary measures lang, he has to continue with his regular check ups."

         "Thank God for this good news mom ", mangiyak-ngiyak din na sumagot si Kim. .  "

         Nakahawak sa beywang ni Kim si Xian   habang kausap ang mommy nya kaya naririnig nya ang usapan ng dalawa.  Pinahiran nya ang mga luha sa mukha ni Kim,  " O, bakit ka umiiyak, di nga ba good news sabi ng Mommy mo kaya dapat nakangiti ka na Sweetheart ? " ,concern na sabi ni Xian . Tuluyan ng umiiyak si Kim na nakasubsob sa dibdib ni Xian at mahigpit namang niyakap ng boyfriend.  Tears of joy at   ang mga naipon na tension kaya napaiyak si Kim.

          Masaya din si Xian sa narining na balita. Nakikita at naramdaman nya kasi kung gaano ka apektado ang pamilya sa pinagdadaanan ng Daddy ni Kim.

         Si Daddy Joe ang nagyaya na  sa Batangas sila sa weekend. Kung dati ang gusto ni Daddy Joe na sila-sila lang para tahimik at walang distorbo, this time gusto ni Daddy Joe na mas marami ang kasama para masaya at parang celebration na rin sa magandang balita. Ganun naman talaga dati bago nagkasakit si Daddy Joe , ang  weekends in Batangas ay palaging masaya. 

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon