Chapter 6

2.9K 48 9
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. 

Unti-unti napapalapit sa isa't-isa si Xian at Kim .  Hindi na lang pinapansin ni Matt ang mga pagbabago na nakikita sa kanyang pinsan at  masaya naman siya  para kay Xian. Kung nuon bihirang lumabas si Xian, ngayon, siya pa ang magyaya na lumabas silang apat .Halos regular na silang lumalabas kapag Friday night o kaya sa weekend.

Kahit hindi naman makwento si Kim sa mommy Ching nya , alam naman niya kung sino ang mga kasama ng dalaga. Halos sa mga lakad ni Kim, kung hindi si Maja ay ang  tatlong pangalan ang paalam   na kasamang lumabas.

" Kim" , tawag ni mommy Ching habang papalapit kay Kim . May kausap ang anak na isang matangkad na lalaki na sa tingin niya ay isang customer ng kanilang restaurant. 

"Mom ", sagot ni Kim at humarap din kay Mommy Ching ang lalaki na kausap. 

" Good afternoon po ", bati ng lalaki.

" Mommy, this is Xian Uy", pagpakilala ni Kim sa kausap. " Xian, Mommy Ching ko ".

" Hello po Mrs. Yap" , sabay abot ng kanyang kamay to shake hands with her. " I am happy to  meet you po."

" Hay, naku, call me nalang Tita Ching, masyado ka namang pormal.  Ikaw pala si Xian ?  Familiar na kasi sa akin ang pangalan mo at nababanggit nina Kim na kayo ang magkakasama palagi. Si Matt, na meet ko na  one time ng sinundo nila si Kim sa bahay."

Napangiti ang binata at medyo nahiya pang tawaging Tita ang mommy ni Kim.  " Pinsan ko po si Matt and at the same time we are both working together sa family business namin." 

" Yun  din  ang sabi ni Matt sa akin. By the way, have you tried our food here ?"  , curious na tanong ni Mommy .

" Duon po kami palagi sa branch nyo in Alabang. Pero ngayon lang kami nagka lunch meeting dito. " 

"Salamat naman at you are patronizing our restaurants. By the way, have you tried our new dessert , that's Kim's recipe ? "

Nagblush si Kim ng nabaling sa kanya ang usapan "si Mommy naman , bigla tuloy akong nakonscious ! "

"Wala namang binanggit si Kim . Paano yan Kim, dapat pala matikman namin yan. Ano kaya kung makapagschedule ng  lunch meeting bukas dito para yan ang dessert namin? " , patuksong sagot ni Xian.

Natawa nalang si Mommy Ching sa panunukso ng binata. " By the way, Kim , may meeting pala kami for our high school reunion.  Ipapasundo nalang kita kay Mang Tony mamaya ".

Bago pa makasagot si Kim, naunang nagsalita si Xian. " If  you don't mind Tita , ako na lang ang maghahatid kay Kim. "

" Huwag na Xian , alam ko naman kung gaano ka ka busy ", mariin na tanggi ni Kim.

" Okey lang Kim. May titingnan lang akong project site malapit dito  and then I'm done for today."

" O sige Xian, bahala na kayo mag usap ni Kim kung ano. I have to go now. Nice meeting  you  ".

 Nakakatawa ang dalawa. Si Kim excited din naman na makita si Xian . Si Xian, pumaparaan para makita ang dalaga. Nagpameeting bigla sa restaurant at nagbaka sakali na makita o kaya makausap ang dalaga. Miss na nya kasi si Kim at two days na na hindi nya nakita.

Naabutan ni Matt isang hapon sa office  si Xian na nakaupo lang sa kanyang office chair, nakaharap sa may bintana na parang ang lalim lalim ang iniisip.

Umupo si Matt sa isa sa mga silya sa harapan ng table ni Xian at  pinansin ang pinsan.

"Bro, may problema ba , parang ang lalim ng iniisip mo ah ", tanong ni Matt sa pinsan.

Inayos ni Xian ang upuan at napaharap na kay Matt.

" Wala naman Bro, napag isip lang . "

" New projects ba ?"

" Si Kim ang iniisip ko , ano kaya kung ligawan ko na?"

"Hahaha" , lakas lang ng tawa ni  Matt . You mean, wala pa palang ligawan na nangyayari ? Ang bagal bagal  mo naman ,hahahha".

"Sobra ka namang manlait Bro", reklamo ni Xian sa pinsan.

"Alam mo Bro, you may be the best pagdating sa business pero pagdating sa lovelife, ewan ko ba , sigurado ka ba na isang Uy ka ? Pero seriously bro, if ask me, of course, go for it !!! Kung ilang taon mo na hinintay  si Kim, tapos hihinay hinay ka ? Naku baka maunahan ka pa ng iba diyan, ikaw din ."

" Is there something you know that I don't know ? Bakit, may sinabi ba si Maja sa iyo ? "  

" Wala pa naman.  Siyempre, sa ganda ba naman ni Kim, imposible naman na ikaw lang ang  nagkagusto sa kanya . Kaya, please lang, bilis bilisan mo na bro. "

Lalong napa isip si Xian. Hindi na nya napansin na nagpaalam si Matt at may pupuntahan na project site.

Nasanay na si Kim na isa sa mga una at huling text messages na natatanggap niya araw araw  ay galing kay Xian. Buong araw din ay kung naka ilang text messages ang binata kanya.Hindi naman niya pinapahalata pero kinikilig naman ang dalaga sa ginagawa ni Xian.

That Saturday was unusual. Except for the morning greeting ni Xian sa kanya, tahimik ang binata.

Ano kaya ang nangyari kay Xian at hindi man lang siya nagparandam ? tanong ni Kim sa sarili. Baka may date ? Hmp, bahala siya !

Pagkatapos maghapunan nang sabay ang pamilya Yap, naunang umakyat sa silid si Kim. Naisipan niyang buksan ang isang cabinet at kinuha ang isang pink na kahapon. Binuksan niya ito at kinuha ang isang album . Mga pictures at news articles tungkol kay Xian nuong basketball days niya. Walang naka alam sa koleksyon ni Kim at ayaw niya na tinutukso siya ng barkada. Crush lang naman eh sabi nga ni Kim.  Dahan-dahan niyang binuklat ang mga pahina at tiningnan uli ang mga pictures ni Xian. Napangiti nalang si Kim habang naiisip nya ang pinaggagawa nila ni Maja pag may laro si Xian nuon.

Nagulat si Kim ng marining ang  malakas na mga katok sa pintuan ng silid , "Ate Kim Ate Kim ,may naghahanap po sa inyo ". excited na boses ng katulong.

Agad binuksan ni Kim ang pinto ." Ate Kim, akala ko po artista, ang gwapo, ang tangkad, ang bango bango pa " , pagdescribe ng katulong sa bisita.

" Sino daw ", tanong ng dalaga.

"Si Sir Xian daw po siya.  "

" Sige,  pakisabi  na bababa na ako ".

Hindi alam ni Kim ano gagawin , basta excited lang siyang makita ang binata. Ayaw man aminin pero na miss rin nya si Xian. Buong araw kasi itong tahimik at hindi nya alam kung bakit.

Pagpasok ni Kim  sa may receiving room, tumayo agad si Xian, nakangiting  inabot ang isang dosenang  roses kay Kim. “Beautiful roses for an equally beautiful lady.”

Napangiti ang dalaga sa ginawa ni Xian , pero sabay hampas sa binata.  “ Ikaw talaga, may paflowers flowers ka pa. Pero , thank you ha?” . Natawa na lang si Xian sa reaksyon ng dalaga pero masaya siya at nagustuhan ni Kim ang mga bulaklak..

Lumipat sila sa  may pool side at masayang nagkwentuhan ang dalawa ng kung anu-ano. Habang lumalalim ang gabi, nag umpisang nagseryoso ang binata.

“Kim, gusto kung iparamdam sa iyo what you are to me, what I feel for you !  Sana you will give me the chance so I can show you how special you are to me.”

Para hindi mahalata na kinikilig naman si  Kim sa naririnig ay biglang nagpatawa si Kim –“ hoy, bakit ka biglang nag-emote diyan ,nilalagnat ka ba ?” at kunwari, inilagay  ni Kim ang kamay sa noo ng binata  kung mainit  ba ito.

Inalis ni Xian ang kamay ni Kim sa noo  nya at  hindi na ito binitawan habang ibinaba.  Hindi alam ni Kim kung ano pa ang sasabihin sa binata at parang matutunaw siya sa  mga titig nya.

“Totoo naman talaga Kim, at hindi ako nilalagnat  ha ? “

“ Ikaw, baka mapapagod ka lang! “

“ Kim,  anything, everything, whatever it takes ,  gagawin ko for you !"

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon