Chapter 11

2.5K 36 6
                                    

          Mabilis dumaan ang mga buwan at lalo pang napagmahal ni Xian at Kim ang  isa't isa.  Paminsan-minsan nagkakatampuhan  din  ang    dalawa pero mabilis naaayos at   nadadala sa pag-uusap  .  Iba din kasi kapag kapwa silang dalawa ay pinahahalagahan kung anong meron sila.

          Maayos na rin ang   pakikitungo ni Daddy Joe kay Xian at may mga pagkakataon na nagkakwentuhan ang dalawa.  Halos araw-araw nasa mansion ng mga Yap ang binata kaya kung minsan nagtatampo na rin sina Daddy Edison at Mommy Menchu sa anak. Napagkasunduan nila na at least once a week may lunch or dinner date silang apat para din maging kumportable sa kanila si Kim.

           Palaging kinukulit si Xian ng kanyand daddy at mommy na  magpakasal na sila ni Kim. Excited na daw sila makita ang mga future na apo.  Napapangiti nalang ang binata at siya din naman ay na- eexcite tuwing maiisip nya na yayaing  magpakasal si Kim.  Kailan kaya ang tamang panahon mapag-usapan ang  tungkol sa kasal    at  nararamdaman at nakikita ni Xian na masyadong apektado ang pamilya ni Kim sa sakit ni Daddy Joe.

          Napansin ni Kim na mula nuong nag-usap sina Xian at ang kanyang Daddy Joe ay  mas naging protective at mas maalaga sa kanya ang boyfriend niya . Minsan ang tawag pa sa kanya ay baby niya. Kinikilig din naman si Kim sa pinapakita ni Xian sa kanya. Naging masaya ang mga araw niya at nandyan si Xian na naka-alalay sa kanya habang pinoproblema ang kalagayan ng ama. 

         Parehong busy sila sa kanya-kanyang business na pinapatakbo  kaya napag-usapan ng dalawa na  di masyadong magpagabi sa office. Si Xian kasi ay sobrang workaholic na kung minsan nakakalimutan ang oras kapag mag-umpisa  na magtrabaho. Para may oras sila para sa kanilang dalawa, sinusundo  ni Xian si Kim para  sabay na silang umuwi ni Kim .

         Nakaupo sa may veranda ang dalawa para magpalipas ng oras. Katatapos lang nilang maghapunan kasama ang daddy at mommy ni Kim.   

        " Maaga pala ako uuwi bukas Xi, " pag-umpisa ni Kim.

        "Why, anong problema ? " , nag-alalang tanong ni Xian.

       " Wala. Birthday kasi ni Tita Lynn bukas " ,patuloy ni Kim

       Ayaw sanang dumalo ni Kim sa party kaya lang hindi pumayag si Mommy Ching at  nakakahiya daw sa Tita nya . Si Daddy Joe ay hindi pwedeng pumunta at bawal pa kay Daddy Joe na ma-expose sa maraming tao . Kaya  silang tatlo ni EJ ang dadalo sa birthday party para hindi madisappoint si Tita Lynn sa kanila. Dahil nga close ang kanilang mga pamilya, expected kumpleto ang kanya-kanyang pamilya kung may mga salu-salo kung kaninong pamilya. 

       " Paano yan at baka nandun ang ex  mo ? ", may halong pag-alala  at selos  sa tanong ni Xian.  Hindi nila napag-usapan ang dating boyfriend na si Enrique pero naalala ni Xian na minsan nabanggit ni Kim kung paano siya kinukulit nito at gustong makipagbalikan sa kanya.

       "Wala namang nabanggit si Mommy na nandito ang asunggot na yun. Siguro naman , if ever nandun siya, behave sya siguro   at birthday party ng mommy nya yun" pag-assure ni Kim sa boyfriend.

       Nag-alala pa rin si Xian para kay Kim  pero sa isip isip nya  nandun naman sila ni  Tita Ching at EJ kaya okey na rin.

      " Sabay na tayong maglunch bukas para ihahatid na kita pauwi . May breakfast meeting lang ako bukas then sa  mga project sites na ako in the afternoon so flexible ang schedule ko", patuloy ni Xian.

      " Ano, gusto mo I will cook your favorite beefsteak bukas for lunch ? " palambing na sabi ni Kim.

       " Kahit  anong ipakain mo sa kain basta kasabay lang kitang kumain, busog na busog na ako ", hirit naman ni Xian,"pero gusto ko yang beefsteak na yan ha."

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon