Chapter 16

1.8K 29 8
                                    

                     A few weeks  bago nagpropose si Xian kay Kim, kinausap  na nya si Daddy Edison at Mommy Menchu.

                      "Dad, Mom, balak ko na  magpropose kay Kim ", seryosong nagsabi si Xian.

                       Hindi na nagulat ang mag-asawa sa sinabi ng anak  . Matagal na kasi nilang kinukulit si Xian na   magpakasal na sila ni Kim.      Ayaw magbigay ng detalye si Xian kung kailan at kung saan siya magpropose. Ang tanging request ni Xian ay magpapatulong sa mommy niya na  maghanap ng engagement ring. 

                   " Anak, there is no need  for you to look for  an engagement ring. Matagal na na  ready ang engagement ring na bigay ng Dad mo sa akin nuon. Yun sana ang  gusto namin ng Daddy  na ibigay mo kay Kim ,  and in  the future , this will also be for the  wife-to be  of your oldest son. " excited na nagsalita si Mommy Menchu. 

               "Tama yan Xian, don't give further details about your proposal at baka sasama pa ang Mommy mo, hindi naman siya halata na  excited ", panunukso ng Daddy ni Xian sa kanyang asawa kaya nagtawanan silang tatlo.

                      Itinago  ni Xian ang engagement ring na bigay ng mommy nya bago siya umalis papuntag office.  Nasorpresa si Xian na ang engagement ring pa ng Daddy at Mommy nya  nuon ang gusto nila na ibigay kay Kim.    Isang  Tiffany - diamond ring ito  na kahit hindi man sinabi ni Mommy Menchu, sigurado napakamahal  ito kahit nuon pa man  at lalo na ngayon ay  priceless na  ito  dahil sa sentimental value.

             Maghihintay muna ng magandang timing si Xian kung kailan nya gagawin ang pagpropose sa girlfriend. Nababahala   si Xian at marami pang iniisip si Kim - sa business nila at sa pamilya, kaya gustuhin man na agad-agad na magpropose sa girlfriend kailangan muna maghanap ng magandang tiempo at baka ma reject pa sya ni Kim.

                   Plano niya na isasama si Kim sa kanilang mansion sa Tagaytay at duon magpropose. Kung kailan, hindi pa nya alam.  Espesyal kay Xian ang mansion at parang puro positive vibes lang ang naramdaman niya tuwing pumupunta siya dito. Kaya tuloy naisipan niya na dito nya gagawin ang pagpropose sa girlfriend.  

                           " KIM, SWEETHEART ,IT'S YOU I WANT TO SHARE  THE REST OF MY LIFE  WITH  , TO BE MY LIFETIME PARTNER  AND THE ONE I WANT TO GROW OLD WITH,....KIM  WILL YOU MARRY ME  ???? !!!!!

                            Nataranta si Kim sa mga sinabi ni Xian. Hindi niya alam kung ano ang isasagot  sa marriage proposal - parang feeling nya kailangan nya pumili --- si Xian o ang pamilya nya .... Gulong-gulo ang isip ni Kim at  naramdaman na lang ni Kim ang mga luha na unti-unting pumapatak ....

                        Kita ni Xian ang mga luha na unt-unting pumapatak sa mga mata ni Kim. Habang nakaluhod at hawak ng isang kamay ang singsing , gamit ang  kabilang kamay, pinahiran nya ang  mga luha  at inulit ang pagsabing , " KIM, MARRY ME !!! "

                            " Lord, tulungan mo naman ako, ngayon ba dapat sagutin pag may magpropose sa iyo ? Lord, tulungan mo ako kung anong dapat kong isagot , please Lord " , taimtim na dasal ni Kim. 

                             Matagal bago sumagot si Kim pero nanatili pa rin na nakaluhod si Xian nakatingin lang kay Kim at  ang isang kamay hawak ang engagement ring , ready nya isuot sa daliri ni Kim.

                              "Xian,I can't think of anything I want more  than to spend the rest of my life with you too! Kaya, YES pumapayag ako !" , nangiyak iyak  na sumagot ni Kim kay Xian pero may ngiti sa kanyang mukha.

                          Napayakap ng mahigpit kay Kim si Xian at hindi na rin mapigilan ang sarili na mapaiyak sa tuwa.     " Kim, thank you at pumayag ka ! You just   made   me the happiest man tonight. " .  

               Puno ng kasiyahan at excitement na patuloy nagsalita si Xian habang isinuot ang engagement ring sa daliri ni Kim,  "Sweetheart, I want you to wear this ring everyday so everyone will see that very  soon,  you will  be my wife  ! "

                     Tumango lang si Kim sa sinabi ni Xian. " Sweetheart, may problema ba ? " nag-alalang tanong ni Xian at napansin nya na biglang nalungkot si Kim.

                        " Paano sina Daddy ? Hindi ko alam how to tell them. Natatakot ako baka hindi sila pumayag. Ang dami pa kasing  plano si Daddy sa business namin at  directly involved kami ni Kuya ". 

                        " Don't worry Sweetheart,  sabay nating harapin yan. Ipapaalam natin  kina Tito at Tita bukas ang tungkol sa plano natin.  Kung magagalit sila, iuuwi kita sa amin o kaya itanan na lang kita, okey ba 'yan sa 'yo ?" sabay kindat kay Kim.

                          "Ikaw talaga, magawa mo pa na magjoke, ang laki kaya ng problema ko ! " , na may pag-alala sa kanyang boses.

                        " Pinapatawa lang naman kita. Hindi pa nga natin nakausap ang daddy at mommy mo, pinoproblema mo na. From now on, whatever is your problem is my concern too. Kaya sabay natin itong harapin." ,  pag assure ni Xian kay Kim.

                       Magkayakap muli  ang dalawa at hinalikan ni Xian ang mga labi ni Kim na agad naman tinugunan ni Kim ang halik ni Xian. Palalim ng palalim ang bawat halik nila para iparamdam kung gaano nila kamahal ang isat-isa.

                           " I love you Sweetheart ! I can't wait for the day na araw-araw na tayong magkasama."      " And I love you more Xian " .   

                          Pagkatapos ihatid si Kim, sa sobrang excitement ni Xian , ginising nya ang kanyang daddy at mommy  pagkauwi  ng bahay kahit almost midnight na. Napaiyak ang mommy niya sa tuwa para sa anak .

                              " So kailan ang kasalan , anak ?" excited na tanong ni Mommy Menchu.

                           " Hindi pa po namin pinag-usapan ni Kim. Kakausapin pa  namin mamaya ang parents niya . Natatakot kasi si Kim baka hindi papayag o baka magalit ang Daddy nya " .

                               " Sana anak  everything would be okey  " , at niyakap ni Mommy Menchu si  Xian.

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon