Nasa living room ng mga Yap nag-uusap ang apat. Si Mommy Ching, si Daddy Joe at si Kim magkatabing nakaupo. Si Xian sa katabing upuan na malapit kay Kim siya nakaupo. Nahirapan si Xian kung paano magsabi sa mga magulang ni Kim kaya kung ano na lang tungkol sa business ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki habang nakikinig si Kim at ang kanyang Mommy. Kung nahihirapansi Xian maghanap ng timing, si Kim naman ay tahimik at natatakot sa maging reaksyon ng daddy nya,
" Sabi ni Kim may sasabihin ka daw sa amin Xian ? ", tanong si Daddy Joe kay Xian at napapansin niya na kung saan-saan na nakarating ang kanilang usapan.
Hindi na makuhang magpaligoy-ligoy pa si Xian tutal naumpisahan na ng Daddy ni Kim. "Tito, Tita, last night po kasi nagpropose na po ako ng marriage kay Kim and she said Yes."
Nabigla si Daddy Joe sa sinabi ni Xian. Si Mommy Ching ay lihim na napangiti. May hinala na kasi si Mommy Ching na duon na rin papunta ang dalawa. Palagi kasing nag-uusap ang mag-ina kaya naramdaman nya na seryoso na ang dalawa. Nakikita niya naman na masaya si Kim with Xian . Napatingin si Daddy Joe una kay Kim tapos kay Xian saka nagsalita uli.
" Hindi ba masyado pang maaga na pag-usapan natin ang kasal ? Wala pa nga kayong isang taon at heto, kasalan na kaagad ? nag-alalang tono ng boses ni Daddy Joe.
Nag-umpisa ng pinagpawisan si Xian at sa tono ng pananalita ni Daddy Joe ay mukhang kokontrahin pa yata ang balak nila na pagpapakasalan.
" Wala naman po siguro yun sa tagal ng relasyon Tito Joe. Sa tingin namin ni Kim mas importante na ready na kami sa kung ano ang papasukan namin at higit sa lahat mahal namin ang isa't isa ", paliwanag ni Xian.
" Bakit ba kayo nagmamadali ? Enjoy nyo muna ang pagiging single ! ", pagdiin pa ni Daddy Joe .
Tuloy- tuloy na na napakwento si Daddy Joe tungkol sa mga challenges of married life at ang mga responsibilidad kasama sa pag-aasawa. Nakikinig ng maayos si Xian at Kim at paminsan minsan sumasagot naman si Xian kung may mga tinatanong si Daddy Joe sa kanya. Natuwa naman si Daddy Joe sa mga naging sagot ni Xian na hindi naman sila magkalayo ng mga pananaw.
"Alam mo Xian, dahil sa mga pinagdaanan ko these past months, nabago talaga ang mga priorities ko sa buhay. Narealize ko na its not just about business or about making money . Mas mahalaga ang pamilya . Naramdaman ko kung paano sila naka suporta sa akin kaya sa mga panahon na gusto ko na sana mag-give up, sa kanila ako humuhugot ng lakas para labanan ang sakit ko "
Tumingin muna si Daddy Joe kay Mommy Ching at patuloy na nagsalita , " Naging masunurin si Kim sa kung ano ang gusto namin , kahit alam namin na iba sana ang mga plano nya . This time, we will respect kung ano ang desisyon ni Kim. Xian, Kim, we give you our blessing sa plano nyo na magpakasal. Life is too short for me at pinangarap ko na nandun ako, kami ng mommy nya on her wedding day."
" Tito , Tita, thank you po at pumayag po kayo, alam ko po how precious si Kim sa inyo. Hindi ko man kayang pantayan , but I will do whatever it takes to take care of Kim and our future family" , maluha-luha pa si Xian na nagpasalamat habang nakahawak sa mga kamay ni Kim.
Napayakap si Kim sa kanyang Daddy at Mommy at nagpasalamat din sa kanila. " You will forever be our Princess , Kim " ang tanging nasabi ni Daddy Joe. Tears of joy ang nakikita kay Mommy Ching na masaya para sa anak .
Naisip ni Xian na mas maganda siguro na bago pag-usapan ang mga plano tungkol sa wedding nila mas makabubuti na magkaayos muna sina Daddy Edison at Daddy Joe kung meron mang dapat ayusin. Pumayag si Daddy Joe na magdinner ang dalawang pamilya kinabukasan. Sa side ni Xian, alam nya madali lang ayusin ang schedule ng Daddy at Mommy nya. Excited din kasi ang dalawa sa maging outcome ng pag-uusap ni Xian sa parents ni Kim.
"O ano na ? " nakangising nagtanong si Xian kay Kim . Magkatabi na ngayong nakaupo ang dalawa pagkaakyat ng Daddy at Mommy ni Kim. Naka akbay si Xian kay Kim habang hawak ni Kim ang kabilang kamay ni Xian. "Anong date ba ang gusto mo for our wedding day ?"
" Ikaw, kailan ba gusto mo ?" binalik ni Kim ang tanong kay Xian. Hindi pa nya kasi naisip ang date at medyo tense pa siya at baka nga hindi pumayag si Daddy Joe.
" How about tomorrow ,ok na sa 'yo ?", nakatawang sumagot si Xian.
" Ikaw talaga, niloloko mo na naman ako eh ! " sabay kurot sa tagiliran ng boyfriend.
Naunang dumating sina Xian at ang kanyang mga magulang sa Italian restaurant kung saan sila magdidinner. Nang dumating sina Kim, agad sumalubong si Xian sa kanila. Tumayo sina Daddy Edison at Mommy Menchu para pormal na ipakilala sa bagong dating. Medyo nagkaroon ng tension sandali at walang gustong maunang magsalita sa magkatabing Edison at Joe. Maya't-maya, binasag ni Edison ang katahimikan at finally nag-usap ang dalawa.
Nakakatuwang tingnan si Edison at si Joe na parang mga long lost friends na ngayon lang ulit nagkita pagkaraan ng maraming taon. Eto pa ang unang pagkakataon na magkausap ang dalawa bilang magkaibigan. Parang flashback ang napag-uusapan habang pinagtagpi-tagpi nila ang mga pangyayari nuon at ngayon nakuha na nilang matawa sa pinaggagawa nila sa kainitan ng kanilang rivalry nuon.
Masaya ang lahat at natapos ang gabi na naayos kung ano man ang naging issue nina Edison at Joe. Wala namang naging problema sa dalawang mommy at mukhang magkasundo ang dalawa. Ang nakakatuwa pa , si Mommy Ching at Mommy Menchu ay parang mas excited pa sa ikakasal . Napagkasunduan ng dalawang pamilya na sa darating na weekend , sa mansion ng mga Yap ang dinner para mapag-usapan na ang mga plano ni Xian at Kim sa kanilang kasal.
Kagagaling lang nya sa isa sa mga function rooms ng matanaw nya sa di kalayuan sina Kim at ang mga kasama na tumayo na para lumabas na ng restaurant. Nagmamadali siyang naglakad para maabutan pa nya ang papalabas na grupo at nagtakang napatanong sa sarili "Bakit magkasama na sila ngayon, akala ko ba mortal enemies si Joe at si Edison, anong ibig sabihin nito ? Kailangan maabutan ko sila bago pa sila makalabas ng restaurant !"

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga
Hayran KurguWhen two persons are destined for each other, no matter where they were and where they are, everything would work to bring two separate lives together when the right time comes...