Chapter 4

3.4K 45 4
                                    

Kinabahang sinagot ni Xian ang tawag ni Maja.

"Yes, Maja , may problema ba? Katatanong lang kasi ni Matt if nakatawag ka na sa akin ?"

" Ay sus, nataranta naman agad. Pinaalam ko lang kay Matt na may bibilhin pala ako for my mom so naisip ko na kung pwede we leave earlier. Hindi pala pwede si Matt at he still has to check on one of  your project sites bago  ako sunduin. Tinawagan ko na si Kim and pwede na siya by 4pm. Dadaanan nalang nya ako sa gym."

Parang nabunutan ng tinik si Xian. ANg nasa isip niya baka di matutuloy ang lakad nila for whatever reason.

" Ganun ba,  pwede naman ako nalang ang kasama nyo so Kim doesn't  have to drive. " offer ni Xian.

" Huwag na lang.  Ang driver  nina Kim ang magsundo at maghatid sa amin sa Shangrila . We will just meet you there. Kaya ako tumawag baka kasi gusto mo sumunod duon earlier ."

" Sige Maja, I will go early to Shangrila . I will meet you there by 5pm ."

Pagkatapos sabihin ni Maja kung saan sila magkikita, nakangiting binaba ni Xian ang phone.

"Ikaw ba talaga 'to bro ?" Panuksong tanong ni Matt sa pinsan." Kahapon hindi ka sumipot sa meeting, ngayon naman nag-aaply na driver bodyguard ?  Ano kaya ang susunod ,  ganito ba ang epekto ng isang Kim Yap sa bestfriend ko ?" 

Tumawa lang si Xian at hindi rin siya makapaniwala sa mga pinaggagawa niya pagkatapos nakita uli at  nakilala si Kim. Paano pa kaya kung malaman ni Matt na hanggang madaling araw sila nagte-text ni Kim.

"Pero honestly bro, mas gusto kitang makita na ganito. Don't be mad but ang boring boring mo na kasi. Masyado kang seryoso. Its not that I am complaining but tingnan mo, magka edad lang tayo pero parang ang tanda tanda mo sa akin. Hindi ka na nga lumalabas.You seem to forget how to have fun."

" Sobra ka naman, Lumalabas naman ako di ba, eh ano yung mga meetings at mga functions na pinupuntahan ko ", pareklamong tunog ng sagot ni Xian sa pinsan.

" I don't mean that , you're not having fun anymore, look at me, o di ba may nightlfe  na, may lovelife pa,hahaha " pagyayabang pa ni Matt.

"Eversince naman talaga ganito na ako di ba ? " depensa ni Xian.

" But you were outgoing then, remember your basketball Varsity days, ang sikat mo kaya bilang Team captain"

"Siempre, iba naman those days "

" Kung magsalita ka naman parang ang tagal naman nuon" reklamo naman ni Matt.

" Sana bro, si Kim na nga." patuloy ni Matt. " Iba ka rin ano ? Waiting for someone you don't even know! Kaya pala, hindi mo pinapansin kahit sino pang seksi at maganda na lumalapit na sa iyo, may Kim ka palang hinahanap all these years ? "

" Pero bro, what if its not Kim ? "seryosong tanong ni Matt.

"What do you mean its not Kim ?

" Don't get me wrong bro , although sa mga kuwento naman ni Maja, Kim is a descent girl at talagang mabait. But what if hindi kayo compatible or worst what if may boyfriend na siya or ikakasal na ?" paliwanag pa ni Matt .

" I haven't thought about that yet and I don't want to think about that ! Sa ngayon, what I know is how I feel right now, Ang saya-saya ko lang bro . I just want to see her and be with her.  Bahala na! I'll take it step by step. Now that I have the chance to know her, basta . I waited all these years na mangyayari ito, at  tingnan mo bro  its happening. I always believed na there is someone out there meant for you. I don't know with you basta ako naniniwala sa destiny" , pagdiin pa ni Xian .

Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon