Napatayo bigla si Xian ng makita si Enrique. Nanatiling nakaupo si Kim at sadyang tinakpan sa nakatayong si Xian para maprotektahan si Kim kung ano na namang kabastusan ang gagawin ni Enrique. Akmang itutulak na sana ni Xian si Enrique para hindi na ito makalapit pa sa kanila ng magsalita ito,
" Xian, please, hindi ako manggugulo, gusto ko lang magsorry sa inyong dalawa ni Kim " , mahinahong pagkasabi ni Enrique, taliwas ng kanyang ginagawa sa mga previous na pagkikita nila.
Tahimik lang si Xian at hindi kumibo. Si Kim ay napatayo na rin sa tabi ni Xian.
Nagpatuloy magsalita si Enrique, " Xian, Kim, I know I acted like a j*rk and for that I would like to apologize. Sorry talaga at nabastos ko si Kim, kayong dalawa, please , please, I am really sorry ! "
Napayuko si Enrique at naghintay kung anong gawin o isasagot ng dalawa. Nagulat na lang si Enrique at naramdaman niyang tinapik ang kanyang balikat.
" Kalimutan na natin yan Enrique. I guess , this is the best time na magkaayos na rin tayo specially kayo ni Kim" , patuloy na nakahawak si Xian sa balikat ni Enrique at napatingin kay Kim. Nakikita naman ni Xian ang sincerity ni Enrique habang nagsasalita siya.
" Okey na ako Enrique, kalimutan nalang natin kung ano man ang nangyari ", si Kim naman ang nagsalita.
" Pasensya na talaga and sorry sa lahat ng panggugulo ! ", at nag-extend ng kamay si Enrique kay Xian , " Friends ? " sabay tingin kay Xian at pagkatapos tumingin naman kay Kim.
Tinanggap naman ni Xian ang kamay ni Enrique, " Friends! Why don't you join us dito sa amin ni Kim ? "
" No , no thanks ", mariing tumanggi si Enrique sa pag-anyaya ni Xian sa kanya .
" Tama na na maging okey na tayo. My friends are waiting for me duon sa parking lot . Tense nga ang mga yon at baka magwawala na naman daw ako dito. Nag warning sila sa akin na sila mismo ang tatawag ng pulis pag manggugulo daw ako sa inyo ", paliwanag ni Enrique at nakuha na rin na ngumiti sa dalawa.
"I really have to go! " at sabay tumalikod at umalis si Enrique.
Hindi na nila nakita ang lungkot sa mga mata ng binata dahil agad na itong tumalikod at umalis papuntang parking lot. " I know you are in good hands with Xian kaya masaya na ako for you, gago ako for taking you for granted nuong tayo pa. Tama sila Kim, I don't deserve you . Xian is very lucky to find a rare gem like you are "
Nuong nalaman ni Enrique na pinauwi na si Kim para makatulong sa business nila dahil nagkasakit si Daddy Joe , nakiusap din si Enrique sa kanyang mga magulang na uuwi na siya sa Pilipinas . Gusto nya na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral dito at hindi na duon sa America.
Napag-isip isip nya na kailangn na nyang magpakatino at get serious with his life at baka mapag-iwanan na siya ng kanyang mga kaibigan. Isa na rin dahilan ay gusto niyang balikan si Kim. Sa mga nakarelasyon ni Enrique tanging si Kim lang kasi ang gusto ng daddy at mommy nya at nuong sila pa ni Kim , napaka-loyal ni Kim sa kanya kahit kung anong kalokohan ang pinaggagawa nya.
Sinorpresa ni Enrique ang mommy nya noong kanyang birthday. Hindi pa man pumayag ang mga magulang na dito na siya uli mag-aral, umuwi pa rin si Enrique sa araw mismo ng birthday ng mommy niya. Sa birthday party ng kanyang mommy nakita nya muli si Kim pagkatapos ng dalawang taon.
Sa excitement niya pagkakita kay Kim, akmang nanakawan nya sana ng halik ang dalaga kaya nagalit si Kim sa kanya. Tuloy , hindi na siya pinansin ni Kim buong gabi kahit na magkasama pa sila sa isang table.
Pagkatapos nuong insidente sa birthday party, may ilang beses nya nakita si Kim na may kasamang matangkad na lalaki. Nalaman nya sa mommy nya na may bagong boyfriend si Kim pero malapit na silang maghiwalay dahil ayaw ng daddy ni Kim sa pamilya ni Xian. Alam kasi ng mommy ni Enrique na sinusunod palagi ni Kim kung ano ang gusto ni Daddy Joe. Kaya kampante lang si Enrique na liligawan nya uli si Kim.
Ang sumunod nilang pagkikita ay sa birthday party ng asawa ng barkada niya sa America na si Gian. Hindi niya akalain na ang asawa ni Gian na si Megan ay pinsan ni Xian. Duon niya nakita kung paano tinanggap si Kim hindi lang sa mga magulang ni Xian kung di pati sa ibang nilang mga kamag-anak. Kaya ng kinausap si Enrique ni Gian at Megan bago sila bumalik sa America tungkol kina Xian at Kim, unti-unti na niyang tinatanggap na wala na syang Kim na babalikan pa.
Ilang beses nya tinatawagan si Kim para makausap at makahingi ng tawad sa mga inasal nya pero sadyang ni rereject ang kanyang mga calls at hindi sinasagot ang mga text na pinapadala. Dumadaan din si Enrique sa bahay nila Kim pero palaging nandun si Xian kaya hindi na siya pumasok. At ngayon na engaged na ang dalawa at ikakasal na, naglakas loob na siyang lapitan si Kim kahit kasama pa si Xian para mag-sorry.
Nakaalis na si Enrique at paglingon nya kay Kim napansin ni Xian na umiiyak si Kim.
" Sweetheart, what's wrong ? " malambing na tanong ni Xian habang ipinahid ang mga daliri sa kanyang mga pisngi.
" Okey lang ako " nakangiting sumagot si Kim ." Masaya lang at nagkaayos na tayo with Enrique. Alam ko na big deal sa kanya ang paghingi ng sorry pero ginawa nya. Siguro pinagsabihan din nina Tita kaya ganun . Wish ko lang na sana ganito tayo palagi na kahit anong problema na dumating in the future nandito tayo for each other."
Nakangiting nakatingin si Xian kay Kim habang nagsalita ang dalaga at pagkatapos ay hinalikan niya si Kim sa noo. "Of course Sweetheart, dapat sabay natin harapin kahit ano pa man at dapat walang bibitaw . Walang bibitaw . I love you my soon to be Mrs. Uy ".
" And I love you more Mr. Uy !
Naglalakad na naka-holding hands ang dalawa papunta sa sasakyan ni Xian habang sa di kalayuan isang pares ng mga mata na puno ng galit ang nakatingin sakanila.
" Let us see kung hanggang saan ang inyong mga maliligayang araw ! " pag-uusap nya sa kanyang sarili at sabay isinara ng malakas ang pinto ng kanyang sasakyan.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga
FanfictionWhen two persons are destined for each other, no matter where they were and where they are, everything would work to bring two separate lives together when the right time comes...