Walang kaalaman-alam ang binatang si Ogie kung ano ang kanilang gagawin sa bahay ng mga Villarama.Pero,pinasuot siya ng kanyang ina ng isang puting barong para magmukhang prensentable sa harap ng mga Villarama.
Nasa labas na ng malaking bahay ang mga Acosta at naghihintay na lamang ang pagbubukas ng malaking pintuan.
"Amega!"
Bati ng Ginang nang mabuksan ang malaking pintuan.Kasama niya dito ang kanyang asawa at ang kanilang unica hija na si Regina.
Saglit na natigil si Regine ng makita si Ogie.Ganito talaga siya kapag nakikita niya si Ogie,gustong-gusto niya kasi ito pero alam niyang malabong magustuhan siya ng binata dahil inamin ito mismo ng binata sa kanya.
Nagkasalubong naman ang mga kilay ng binata.Napayuko ang dalaga sa inasal ng dalaga.
"Pasok kayo at meron kaming inihandang mga pagkain dito sa loob"aya ng ina ni Regine.
Sabay-sabay silang pumasok sa malaking bahay ng mga Villarama.Makulay ang bahay,makintab ang mga gamit at aakalain mong mga Hari't Reyna ang nakatira dahil sa laki ng bahay at sa sobrang ganda rin nito sa loob at labas.
Nagtungo sila ng hapag-kainan.Sa hapag ay may labindalawang upuan at ang mahabang mesa na marami ang pagkain.Naupo ang mag-asawang Villarama sa magkabilang hiwalay na upuan.
Habang ang mag-asawang Acosta naman ay magkatabing umupo sa kanang upuan at nasa kaliwang upuan naman ang binatang si Ogie at dalagang si Regine.
Ramdam ni Regine ang inis ni Ogie ng tumabi ito sa kanya.
"Pa,pwede po ba akong dito na sa tabi ni Mama?"tanong ng dalaga
"Hindi na,diyan ka na maupo tabihan mo si Ogie"tugon ng kanyang ama.
Walang nagawa ang dalaga kun'di ang umupo at tiisin ang inis ni Ogie.
Bago sila kumain ay nagdasal muna ang dalaga.Nagkwentuhan ang kani-kanilang mga magulang nakikisabay na lamang ang dalawa kahit na hindi nila gaano maintindihan ang nangyayari.
Matapos namang kumain ni Ogie ay nagpaalam muna siya sa kanyang mga magulang at sa mga Villarama na kung pwedeng magpahangin na muna siya.Pinayagan naman siya nito at ang hindi niya alam ay susundan din pala siya ni Regine.
Pero bago makaalis si Regine ng kusina ay narinig niya ang pag-uusap ng kanilang mga magulang.
"Ilang taon ba Amega ang kontrata?"tanong ng ina ni Ogie
"Amega,hindi mahalaga ang kontrata.Basta kapag tumigil na ang anak ko,kapag siya mismo ang bumitaw tapos na ang usapan natin,bayad na kayo."
"Ginagawa lang namin ang lahat ng ito para sa kaligayahan ng unica hija namin.Masaya siya at gustong gusto niya si Ogie"sabi ng ama.
"Pero sana maintindihan ito ng mga bata pagdating ng panahon"sabi naman ng ama ni Ogie."Kailan ba sila ikakasal?"
"Malapit na"
Ngayon ay mas naging malinaw ang lahat kay Regine.Si Ogie at siya ay magkakaroon ng relasyon pero bayad lamang iyon ng pamilya ni Ogie sa kanyang pamilya.
Walang kontrata o taon na titigil ang relasyon ng dalawa.Titigil lamang ito kapag si Regine mismo ang bumitaw at magsabing hihiwalayan na niya si Ogie.
Ang kailangan gawin ngayon ni Regine ay kausapin si Ogie tungkol dito.Para alam niya rin kung anong buhay ang papasukin niya.
"Ogie?"
BINABASA MO ANG
Loving Regine (Completed)
RomanceFormer Title: ALPAS "I'll do Loving Regine until my last breath." Title:Loving Regine Genre: Fanfiction, Romance Started:June 14, 2022 Finished: December 25, 2022 Revision Started: January 30, 2023 Revision Finished:July 29, 2023