Chapter 19

196 21 1
                                    

/Loving Regine Chapter Nineteen/

PAGKAGISING na pagkagising ni Regine ay ka-agad siyang nagtaka kung bakit nasa kama na siya gayong ang pagkakaalam niya ay tinulugan niya ang ginagawa niyang pagsasaliksik kagabi.

Kanina pa rin siya tulala at pinagmamasdan lamang siya ni Chin. Nais tanungin ng dalaga ang amo pero,baka masira nito ang malayong imahinasyon ng amo.

Naagaw ang atensyon ni Regine ng mahulog ni Chin ang isang kutsara. Kumunot ang noo ni Regine at napakagat-labi naman ang dalaga.

"What are you doing?"tanong ni Regine sa dalaga

"Ah--s-sorry po,Ma."

Natawa ng mahinhin si Regine"Can I ask you a question? Marami na kasi ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan."

"Ah-o-opo,Ma. Pwedeng-pwede,alam ko rin naman pong may bumabagabag sa iyong isipan. Kaya,tulalang-tulala kayo."

"Really?Am I?"Takang tanong ni Regine,hindi naman kasi niya alintana na tulala siya kanina."Nah!By the way,who knows na nasa guest room ako kagabi? Naramdaman ko kasing--may bumuhat sa'kin. I even hear some voice na napaka-pamilyar sa tenga ko."

"Ma?Tayong apat lang po ang tao rito. Hindi ako ang bumuhat sa iyo,hindi rin si nanay kasi tulog agad kami kagabi pagkatapos ng mga trabaho."

Tama siya,apat lang kami rito. Kung hindi siya at ang nanay niya, posibleng si Ogie?Nakita niya ang ni-re-research ko?;she thought

"Ma,kalma!"saad ni Chin ng makitang nagpapanic ang mukha ng amo.

Boses ni Ogie ang nakapagpatahimik lalo sa pagitan nilang dalawa.

"Good morning,ladies!"bati nito habang pababa ng hagdan.

Tinungo niya agad ang kusina dahil naroon ang dalawa. Binati niya si Chin,lumapit naman siya sa asawa.

"And,good morning." Yumuko si Ogie na parang sinasamba niya si Regine. Parang reyna niya ito.

Akmang hahalik na siya sa pisngi ng asawa ng agad na umilag si Regine at ngumiwi pa ito.

"Sorry,Madame. Nadala lang. Pa'no ba naman kasi,sobrang ganda ng umaga ko lalo pa't mukha mo agad ang sumalubong sa pogi kong mukha." Tinaas baba ni Ogie ang kaniyang kilay.

Dahil sa inasal ni Ogie ay wala sa ereng napa-awang ang labi ni Regine.

"Oh,laway mo!"natatawang sabi ni Ogie at hinawakan ang baba ni Regine saka ito inangat para masara.

Tinabig naman ni Regine ang kamay nga sawa at kumunot ang kaniyang noo.

May kung anong nararamdaman si Regine sa puso niya. She's wondering kung ano 'yon. Hindi niya maintindihan. Natutuwa siya,naiinis,naasar at, kinikilig?

Saka,ngayon lang napansin ni Regine na,may kakaiba sa mukha ng asawa niya. Tiningnan ni Regine ang asawa mula paa hanggang ulo.

Wala namang bago sa pananamit niya,siya pa rin ito. Pero ng dumako ang kaniyang tingin sa mukha ni Ogie,there. Alam niya kung ano ang kakaiba sa asawa niya.

Tayong-tayo kasi ang medyo mahabang buhok ni Ogie. Parang naka gel yata ito or something hair sprayer. Pero, naaamoy ni Regine na gel iyon. Dumako ang tingin niya sa bibig ng asawa.

No beard. Inahitan na ang may pagka-mahabang balbas sa mukha. Saka ang labi rin ng asawa,sobrang pula.

Natawa si Regine dahil sa mga iyon.

"Grabe ka makatingin! Parang hinuhusgahan mo ako ha?"sa tono ng pananalita ni Ogie ay parang,nagtatampo ito o may something pa"Pero okay lang,ikaw lang naman 'yan e."

Loving Regine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon