Chapter 15

231 22 5
                                    

/Loving Regine Chapter Fifteen/

NASAPO ni Regine ang kaniyang noo dahil sa sinabi ni Ogie. Nakakainis siya!

"Ano ba'ng problema mo?"mariing tanong ni Regine

"Did you over work yourself?"

"At ano'ng pakialam mo?"mariin pa rin itong sinambit ni Regine

"I care yes, it's your health. I-I am concern."

"I don't want your concern. Give it to your 'girlfriend'." With qouted fingers"And you know what?Napaka-pakialamero mo. I don't like that. Mind.your.own.business."

"Regine--"

"Stop."pigil ni Regine

"M-ma. S-Sir?Kain na h-ho kayo?"sabat ni Chin,gusto niya matigil talaga ang away.

"Busog pa ako."tugon ni Regine saka tumuloy ng maglakad patungong kwarto nila.

Nang masiguro ni Chin na nakapasok na ng kwarto ang amo ay humarap siya sa among lalake.

"What?"tanong ni Ogie ng makita sa harapan niya si Chin

"Alam niyo, Sir --"

"Pa'no ko malalaman if you haven't tell anything yet?"

"Nice one joke,Sir."she faked a smile"Ito nga,Sir. Ang sabi raw po e, natural lang daw sa mga mag-asawa ang nag-aaway."

"Ano ba ang nais mong iparating,Chi--"

Hindi pa man tapos ay nagsalita na si Chin.

"Mahal niyo na po siya. Kasi po,napapadalang na po ang pag-aaway niyo. Baka may pinag-seselosan ka na. Meron na nga ba?"

"Meron. Pero,sure naman ako na hindi papatulan iyon ni Regine. I know her. It's not her type."he's confident na walang makaka-agaw kay Regine sa kanya.

"Uy!Siguro,kayo talaga ang standards niya."

"I am, siyempre. If ever hindi ako,bakit niya ako pinakasalan?"tugon naman ni Ogie

Napa-isip naman si Chin dito at napagtanto niyang,tama nga ang amo,kaya naman...

"Alam niyo,Sir. Kumain na lang po kayo. Lalamig na po ang pagkain niyo."

"Kayo na lang ni Manang ang kumain. Wala akong gana e."

"Uy! Sino po dinner niyo?Si Ma'am?"

"Hoy!Mag-hunos-dili ka nga,Chin."saway ni Ogie sa dalaga

"Okay po."natatawang tugon ni Chin"Ah,by the way po. Magtitira na lang po kami ng food para sa inyo para if ever may gana na kayo pareho,may makain kayo."

"No need."

Ka-agad na pumanik si Ogie sa kwarto. Nadatnan niyang tulog na ang asawa sa kama at hindi man lang ito nag-bihis. Iling-iling siyang humiga patalikod sa asawa.

"Regine?Still awake?"tahimik matapos itong tanungin ni Ogie"Fine,tulog ka na nga."

Ka-agad siyang humimbing sa pagtulog.

"Mamahalin kita kahit ayaw mo sa'kin,kasi 'yon ang ipinangako ko sa'yo sa araw mismo no'ng kasal natin"

"Hayaan mo lang na mahalin kita kasi doon ako masaya,sana maintindihan mo ang nararamdaman ko"

"Gusto ko ng mamatay,pagod na ako."

Napabalikwas si Ogie dahil sa panaginip na iyon. Habol hininga niyang nilingon ang asawa na mahimbing ng natutulog. Niyakap niya ito.

Loving Regine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon