Chapter 2

306 20 1
                                    

/Loving Regine Chapter Two/

NAGTUNGO na ng kusina si Regine habang pinuntahan naman ni Francine ang kanyang Sir sa kwarto nito.Kumatok ito ng tatlong beses bago siya pagbuksan ng pinto

Nang mabuksan ito ay sabay na silang bumaba.Sinabi ni Chin na wala pa si Regine.

Nag makarating sila ng kusina ay nag-iba ka-agad ang mukha ni Ogie sabay sabing...

"Akala ko ba wala--"

Hindi na ito natuloy ni Ogie ng hilain siya ni Chin paupo.

"sige na po lalamig na po 'yung kanin at ulam,upo na po kayo"ngiting sabi ng dalaga.

Walang nagawa si Ogie kun'di ang umupo.Inikot niya ang kanyang mga mata dahil ayaw na ayaw niya talaga ang magkasabay sila ng kanyang asawa.Natawa lang ang reaksyon ni Regine dito.

Nagsalin si Ogie ng kanin.Hinawakan naman ni Regine ang kamay ng asawa para pigilan ito.

"Let's pray first, it's better kasi parang kasama natin ang diyos sa pagkain,saka minsan lang 'to"sabi ni Regine.

Tinabig ni Ogie ang kamay ni Regine.Napabuntonghininga na lang si Regine at nagdasal.Nakisama naman si Ogie.

Nagsimula na silang kumain.'Yung mesa nila ay may apat na upuan lamang dahil alam din naman ni Regine na kahit kailan ay hindi lalaki ang pamilya niya.Alam niya na,na hindi sila kailanman magkakaroon ng mga anak.

Magkatapat sila ng upuan ngayon pero hindi halos lumingon si Ogie kay Regine.Habang si Regine naman ay nakatulala lang sa asawa,mangha rin siya sa kagwapuhan nito.

Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso niya ngayon, pakiramdam niya sya na 'yung pinaka swerteng babae sa buong mundo dahil napasakanya ang lalakeng katulad ni Ogie.

Hindi nga lang siya mahal.

"May dumi ba 'ko sa muka? Kanina kapa nakatingin"masungit na sabi ni Ogie ng mapansing nakatingin sa kanya ang asawa.

"uh huh"umiwas ito ng tingin sa asawa"Wala"pasimple siyang ngumiti

Matapos nga ang halos kalahating oras ay naunang natapos si Regine.Tumayo siya at saka kinausap si Chin na sila na bahalang maglinis.

"akyat lang ako"paalam nito sa kanyang asawa.

"edi umakyat ka"sabay paikot nito ng kanyang mga mata.

Pasimpleng napatawa naman si Regine saka umakyat na. Mga ilang minuto ang lumipas ay natapos na rin si ogie kaya umakyat na rin ito, pero bago s'ya umakyat ay sinabi niya kay Manang na kumain na sila.

Humiga si Regine at nagse-cellphone lang

Pag pasok ni Ogie nakita niya si regine na nakahiga sa kama 'di naman n'ya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa kama.Nakatayo ito at naghihintay na umusod si Regine.

"oh higa ka na"sabay usod nito sa kanan.

"whatever"patay-malisya nitong tugon.

Pinipigilan naman ni regine ang tawa nya.

"sungit"pabulong na sabi ni Regine.

"may sinasabi ka?"

"wala ah"pag-denny ni Regine

Bigla namang may kumatok.

"Buksan mo for sure ikaw ang kailangan niyan"sabi ni Regine sa asawa.

"Ba't ako?Ikaw ang mas malapit diyan ah"sabi naman ni Ogie sabay taklob ng blanket nila.

Loving Regine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon