/Loving Regine Chapter Twenty-one/
NASA kalagitnaan ngayon ng pagda-drive si Regine ng tumunog ang kaniyang cellphone at nag-flash ang screen. Nakita niya ang pangalan ni Lea kaya sinagot niya ito.
Umiling muna siya.
"Lea, let's talk about this later. Nasa biyahe ako."
[Importante lang,Reg.]
"Com'on,tell me now."
[Huwag ka ng tumuloy rito. Gulo lang ang mangyayari,please. Huwag na.]
"Bakit? Ano'ng nangyari diyan?"
[Basta!Huw--]
Ka-agad na binaba ni Regine ang cellphone niya at mas nagmadali siyang magmaneho dahil sa sobrang kaba. Nang ma-i-park ang sasakyan ay dali-daling bumaba si Regine.
Sa labas pa lang ay maraming tao na ang nakatingala sa taas. Nilingon naman ito ni Regine.
"Batid kong nariyan ka na!"
"Reg!I told you huwag ka ng pumunta rito!"sermon ni Lea
"Is that Yael?"tanong ni Regine
"Oo,si Ogie narito. May natamo siyang pasa kaya diniretso na sa emergency room."
"Ano'ng ginagawa diyan ni Yael?"inosenteng tanong ni Regine
"Hintayin mo!Magsasalita 'yan ulit."
Hindi pa man nag isang minuto ay narinig na ni Regine ang boses ni Yael.
"Regine,magpapakamatay ako rito kung hindi ka pumunta dito. Magpapakamatay pa rin ako kung hindi mo pa ako mahal. After all I did!"sigaw ni Yael
"Insane."napailing si Regine
Nakatingin naman ang ilang nurses at tao dito sa labas kay Regine.
"Ano'ng ginagawa niyo rito?May mga pasyente kayo sa loob 'di ba?."galit na sabi ni Regine
"Sorry po,Doc."
Ka-agad nag-alisan ang mga nurses at ibang tao.
"Aakyat ka?"
"Oo,alangan naman hayaan kong mamatay 'yan diyaan!"tinuro niya pa si Yael"Mahal magpa-libing. Aasikasuhin ko pa nga sarili kong burol e." Patay malisyang naglakad si Regine.
Nagmadali rin siyang umakyat ng rooftop.
"Yael?"walang emosyong saad ni Regine
Humarap si Yael saka nginitian si Regine. Wala namang natanggap na ngiti si Yael kay Regine.
"You're here."
"Look,I came here para pababain ka. Nothing more. Please,pagod na ako. Bigyan niyo naman ako pahinga kahit ngayon lang."pakiusap ni Regine
"Pero,mahal mo na ba ako?"tanong ni Yael" I'm sorry.Gusto mo ba ako?"
Dahan-dahan humakbang si Regine palapit kay Yael"Alam mo, komportable ako kapag kasama kita pero hindi ibig sabihin no'n na--gusto kita."pagtatapat ni Regine
"Regine, magpapakamatay ako rito kapag hindi mo ako hinayaang ligawan ka."
Umiling si Regine"Desperado ka na,Yael."
"Yes,I am. At ngayon lang ito nangyari sa akin. Sa'yo lang nangyari 'to, Reg. Mahal kita e."umiiyak na sabi ni Yael"Please?Pwedeng bitawan mo na ang asawa mo?"
"Hindi ko 'yon magagawa,Yael. Hindi pa ngayon--ang gulo."naguguluhan na sabi ni Regine"Bumaba ka na,please? Para sa akin."
Bagsak-luhang umiling si Yael at tumalikod kay Regine.
BINABASA MO ANG
Loving Regine (Completed)
RomanceFormer Title: ALPAS "I'll do Loving Regine until my last breath." Title:Loving Regine Genre: Fanfiction, Romance Started:June 14, 2022 Finished: December 25, 2022 Revision Started: January 30, 2023 Revision Finished:July 29, 2023