Chapter 1

455 20 1
                                    

/Loving Regine Chapter One/

22 years later

MAAGANG nagising si Regine ngayon dahil may duty siya.

"Damn,not so good"ito na lamang ang bulyaw na narinig ni Regine sa kanyang asawa"still here?"dagdag pa nito

Hindi alam ni Regine kung ano ang pwede niyang isagot sa asawa niya.From the start,alam niyang masisira ang araw ng asawa kapag nakita pa siya nitong nasa bahay nila.

"Auhm"agad na tumayo si Regine"paalis na rin ako,nag prepare lang ako ng breakfast mo"ngumiti pa rin si Regine sa kabila ng mga nangyari sa kaniya.

"'di ba't sinabi ko na sa'yo na 'wag ka ng mag prepare ng breakfast para sa'kin?Hindi masarap don't push yourself to cook for me okay?!Stupid!"

Napapikit na lang si Regine sa inasal ng asawa.Araw-araw niya nang naririnig ang salitang 'stupid' galing sa asawa niya pero hanggang ngayon masakit pa rin iyon sa kanya.

Akalain niyo naman kasing pagsabihan ka ng 'stupid' e gawain naman iyong ng isang asawa.Sino ang hindi masasaktan duon?

"Don't be sarcastic"Regine tried to calm herself "don't worry, starting tomorrow Manang will prepare your breakfast na"she then added"I'll go ahead"

Agad na lumakad ang asawang babae.

"Pwede ka namang hindi bumalik"

Natigil ito ng marinig kung ano ang sinabi ng asawang lalake.Nilingon niya ang asawa at ngumiti sabay sabing...

"I can't promise"muli siyang naglakad palabas ng bahay nila.

"i can't promise"ginagaya ng asawang lalake ang kanyang asawa"Manang where's my breakfast? I'm running late na!"sigaw naman niya para tawagin si Manang,ang kanilang kasambahay.

"Ah Hijo kasi,wala e"sabay kamot nito sa kanyang batok"'yung magaling mong asawa 'yung naghanda,sinabi ko na sa kanya na ako na,atrabida naman siya!"naiiritang sabi ng kanilang kasambahay.

Mula sa simula pa lang talaga hindi na ayos ang relasyon ng kanilang kasambahay kay Regine.Marami kasing sinabi si Ogie tungkol sa kanyang asawa na mga 'negative' kumbaga.

"Diyos ba siya para sundin?"

"kaya nga e"umupo ang Ginang"hiwalayan mo na kaya 'yan"suhestiyon nito sa kanyang amo.

"Malabo"

"Mahal mo na sya?"

"No way!and never! she's not my ideal woman!"Ogie denied

Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap,ang hindi nila alam ay kanina pa pala nakikinig si Regine sa usapan nilang dalawa sa likod ng pinto.

"e hiwalayan mo na nga Hijo"pagpupumilit ng kanilang kasambahay

"Kapag hiwalayan ko siya mawawala sa'min ang kompanya,mawawala ang lahat sa'min at isa pa may utang ang pamilya namin sa pamilya nila"

"Taling-tali ka na diyan sa babaeng 'yan! paalisin mo na lang kaya siya dito?"

"Bahay nila 'to Manang"pagpapaalala ni Ogie sa Ginang

"Ewan ko na lang,kumain ka na diyaan..tikman mo na lang kung masarap"mapait na sabi ng ginang"alam mo naman 'yung babaeng 'yon,pangit ng lasa ng mga niluluto!"napangiwi pa ito.

Natawa na lang si Ogie.

"Sige mauna na ako"paalam ng Ginang

Tango lang ang sinagot ni Ogie.

Habang si Regine naman, nagpatuloy na siya sa paglalakad at sumakay na sa kanyang kotse.Ang kotseng ito ay ang kotseng regalo sa kanya ng kanyang ama noong kinasal na si Regine sa asawa niya.

Loving Regine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon