Chapter 6

258 21 5
                                    

/Loving Regine Chapter Six/

KINAUMAGAHAN nakita ni manang si Regine na nakahandusay sa lapag. Matatandaang kagabi ay naparami ito ng inom at hindi na naisip pang sa kwarto na matulog dahil nandoon ang kanyang asawa.

"Regine...hija gising"paggising ni Manang kay Regine.

"Ano nangyari 'nay?"biglang tanong ni Chin

"'di ko alam e, nakita ko na lang na nakahandusay dito sa lapag. Tulungan mo 'ko."direchong saad ng kanyang ina.

Pinagtulungan nilang mag-ina si Regine na mai-angat patungong sofa.Nang maipwesto na nila ito ay tila naamoy ni Francine ang amoy alak na hininga ng kanyang amo.

"ba't amoy alak si Ma'am ?"

Kibit-balikat ang naitugon ng kaniyang ina.Inutusan niya ang anak na kumuha ng maligamgam na tubig ng maramdaman gumalaw si Regine sa pagkakahiga.

Tuluyang naidilat ni Regine ang mata.Napahawak siya sa kanyang noo dahil sa sakit at hilo na nararamdaman niya.Tinulungan siya ng dalawa na makaupo.

Pagkatapos ay iniwan muna ni Manang si Regine dahil may niluluto ito sa kusina para sa umagahan.

"Ayos lang po kayo, Ma'am?"tanong ng dalaga

"a-ah oo"utal na tugon ni Regine.

"ah"nagsalin ang dalaga ng tubig" uminom po muna kayo ng tubig. "Inabot niya ito sa amo.

"salamat."anas ni Regine.

"Ano pong nangyari? "Concern na tanong ni Francine

Walang maalala si Regine sa mga nangyari kagabi kaya pilit niya na muna itong inalala...

"oo nga pala!asan na ang friend mo? girlfriend mo?kayo pa ba?"

"Siguro kung ako y'ong nauna diyan sa puso mo...mamahalin mo 'ko..ng sobra...may pag-asa pa ba ako?'di ba wala na?"

"ano ba ang pinagsasabi mo?Hinanap ng puso ko 'yung babaeng mahal ko at si Yngrid 'yon"

"Pa'no na lang kaya kapag sinabi kong...asawa mo'ko at hindi kaibigan?siguro hihiwalayan ka niya?masaya siguro 'yon para makaganti naman ako sa mga pasakit na binigay mo sa'kin"

"Minsan lang ako manakit ng damdamin nang tao Ogie...minsan lang..."

"'Wag kang mag-alala...hindi naman kita mamahalin kahit kamatayan pa"

Ito ang ilan sa mga naalala ni Regine sa pag-uusap nila kagabi ng kanyang asawa.

"'wag na nating pagusapan. "Pag-iwas ni Regine sa tanong.

"uhm sge po pasensya na."paumanhin ni Francine

"Akyat na muna ko."paalam ni Regine

"Kaya niyo na po ba?"alalang tanong ng dalaga,tumango lang si Regine kaya napatango na rin ang dalaga.

Pagpasok ng kwarto,nadatnan ni Regine ang asawa na mahimbing na natutulog.Hindi maiwasan ni Regine na maluha habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng asawa.

Napatango siya.

"Akala ko ok na?"tuluyan ng tumulo ang kanyang luha"Ano ba kasi'ng problema? Ayaw mo ba talaga sa'kin kaya ka naghanap ng iba? Nandito naman ako e. Ang hirap-hirap mo namang mahalin,'di ko ba talaga deserve sumaya?"sunod-sunod na tanong ni Regine sa natutulog na asawa.

Alam ni Regine na hindi siya sasagutin ng asawa kaya tumango na lamang siya at pumasok ng banyo.

May oras pa kaya pagkatapos niyang maligo ay kumain muna ito bago umalis patungong Hospital.

Loving Regine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon