Chapter 25

230 17 3
                                    

/Loving Regine Chapter Twenty-five/

KAAGAD na nagtungo si Regine sa sarili niya mismong hospital. Dumaan siya sa fire exit para hindi siya makita ng ilang nurses doon. Baka kasi pag-chismisan siya at makarating sa asawa niya ang mga chismis na iyon.

Sinalubong naman siya ng kaniyang dalawang kaibigan. Isang tagong kwarto,doon niya gustong magpahinga habang narito siya sa hospital niya.

Ayaw niya na may maglalabas-pasok sa kwarto niya. Ayaw niya ng bisita. Ayaw niya ng maingay.

Ilang minuto lang ay sinimulan na ni Lea ang kaniyang trabaho sa kaibigan. Naka-suporta naman si Dawn sa kaniya. Habang ginagawa ang mga bagay na iyon kay Regine.

Isa lang ang iniisip ni Regine.

Ang mga naging desisyon niya sa buhay. Maling-mali na nagka-gusto siya kay Ogie. Maling-mali na nalaman iyon ng mga magulang niya. Maling-mali na nagpakasal sila.

Pero,hindi niya iyon pinagsisihan. Nagmahal lamang siya.

Pagkatapos ng mahigit isang oras, nailipat si Regine kabila kung saan naroon ang kaniyang kama. Mahimbing siyang natutulog.

"Pa'no natin sasabihin sa kaniya?"nanghihinang tanong ni Dawn

"Kahit itago natin,alam nating malalaman niya,Dawn. Knowing Regine, napakatalino niya. At saka,kapag may mali,alam niya agad. Kapag may tinatago,alam niya iyon. We can't hide it from her,Dawn."

"Pero,gagawin naman natin lahat 'di ba to save her? She needs us."

"Oo,Dawn. We'll do everything for her. Everything for my beloved Regine. Siya ang buhay nila Tita at Tito. Mas masakit sa kanila ang pinagdadaanan ngayon ni Regine."malungkot na sambit ni Lea

"We can do this,Lei. Hahanap tayo ng maraming impormasyon at panalangin sa diyos. Laging kasama ng tao ang diyos kahit pa minsan ay nakakalimutan na natin siya. Pero ang diyos,nariyan lang. Binabantayan tayo."

Nagyakapan silang dalawa.

Sumapit na ang gabi at nagising na si Regine. Gutom na gutom ito. Sakto namang may pagkain ng hinanda ang magkaibigan kaya kumain na agad ito.

"Bakit nandito pa kayo?You need to rest. Kaya ko rito,Lea,Dawn. Bukas na lang kayo bumalik dito."

"TSS!Kami pa rin iniisip mo? Tingnan mo nga iyang kalagayan mo oh."sambit ni Dawn

"Kaya ko naman e."angal ni Regine

"No,okay?Kumain ka na."saad naman ni Lea

Walang nagawa si Regine kun'di ang hayaan ang dalawa niyang kaibigan na magbantay. May napansin naman siya sa mukha ng mga kaibigan.

At naghihinala na rin sina Lea at Dawn na,alam na ni Regine na may gustong sabihin ang magkaibigan.

Sa bahay naman ng mag-asawa. Walang kaalaman-alam si Ogie na wala na rito ang asawa. Wala rin namang nababanggit si Chin, maghapon siyang tahimik.

"Ang sarap naman nito,bakit kaya hindi na lang ikaw ang magluto araw-araw?"sambit ni Manang ng madatnan na nagluluto si Ogie ng adobo.

"Marami lang po kasi akong na-realize e."tugon naman ni Ogie at natawa pa"Umuwi na po ba si Regine?"

"Hindi pa."

Natigil si Ogie sa kaniyang ginagawa at napatingin sa matanda.

"Hindi pa ho?"Takang tanong nito,umiling naman ang matanda"Pwede niyo po ba siyang i-text?Pakisabi po kay Chin."

"Sige,hijo. Pupuntahan ko lang sa kwarto ang anak ko."pagpayag ng matanda.

Nakahain na ang lahat sa mesa. Kompleto na,asawa niya na lamang ang kaniyang hinihintay.

"S-Sir?"sambit ng dalaga at mas likuran niya ang kaniyang ina.

"May problema ba?"tanong ni Ogie

"U-umalis na po kasi si Ma'am. A-ang sabi niya po,p-punta siya ng B-Bulacan."napayuko ang dalaga."May dala siyang d-damit."

Bumagsak ang balikat ni Ogie at walang gana itong umupo sa dining chair.

Wala siyang ganang kumain. Ngayon ay nasa kwarto siya,kaharap niya ang isang brown envelope. Kanina niya pa ito tiningnan. May nakita rin siyang isang makapal na notebook dito.

Bawat pahina ay nasasaktan si Ogie. Batid niyang labis ng nasaktan si Regine sa ginagawa nito. Pero,ang hindi niya alam. Marami pa pala ang nangyari kay Regine na isinulat niya sa notebook na iyon.

Sa pinalikod naman ng notebook cover ay may nakita si Ogie rito na You are now free,my love. At naroon din ang pangalan ni Regine.

Pagkatapos mag-iiyak ni Ogie ay humingi siya ng number ni Dawn kay Richard. Tinawagan naman niya agad ito. Nagpapasalamat siya at sumagot si Dawn dito.

"H-hello?"

[Who's this?]

"D-Dawn,s-si Ogie 'to. Huwag mo muna sanang ibaba ang cellphone mo."

[What?Where did you get my number?]

"K-kay Richard. Sorry ha. Gusto ko lang kasi itanong kung alam mo kung saang Bulacan si Regine naroon."

[Sorry?]

"Dawn,I can't live like this! This house is hell without Regine. Please,give me her address."

[I am really sorry,Ogie. I only obey Regine. I only obey ng friends. And,do you think ibibigay ko talaga ang address niya sa katulad mo na sinaktan lang ang damdamin niya?No.]

"Hindi mo naiintindihan--"

[Kasi,hindi mo ipina-iintindi. Ang mabuti pa,hayaan mo muna si Reg ngayon. She's happy.]

"But, I need her,Da--"

Kaagad na pinatayan ni Dawn si Ogie ng tawag. Napabuntong hininga naman si Ogie rito.

Loving Regine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon