Chapter 29

255 18 12
                                    

/Loving Regine Chapter Twenty-nine/

NAGING maayos ang usapan noong nakaraang Linggo. Kaya naman, narito si Yael sa kaniyang kwarto. May dala itong prutas at bulaklak.

"Kumain ka na,Reg?"tanong nito at tumango naman si Regine.

Ang totoo,ayaw niya na may ibang tao rito sa kwarto niya bukod kay Lea at Dawn. Pero mapilit si Yael e.

"Ah,by the way. Nagpapagawa ulit ako ng divorce papers para sa inyo ni Ogie. Tutulungan kita,'di ba nawawala 'yung sa'yo?"umupo ito sa gilid ng kama ni Regine"Tutulungan kita para mapadali ang lahat."

"I-isantabi na muna natin 'yon,Yael. K-kinalimutan ko na iyon e."sambit ni Regine

"Ah--okay. Pero, hindi mo ba muna padadalawin si Ogie rito bago ka umalis?"

"Hindi na siguro."tugon naman ni Regine

"Reg,may pinagsamahan naman kayo 'di ba? I'm sure ma-mi-miss ka niya bago tayo umalis dito."

"Pag-iisipan ko."tanging tugon ni Regine

"Yeah sure."ngumiti si Yael"Ah,do you want--apple?"

"If you don't mind."at saka ngumiti si Regine

Hiniwa-hiwa ni Yael ang isang pulang mansanas. Sinaluhan naman niya si Regine na kainin ito.

Sa susunod na araw ay operasyon na ni Regine. Sa ngayon, hinihintay niya na lamang ang pirma ni Ogie. Alam niyang batid na ni Ogie kung nasaan ang mga papel na iyon.

"Dawn?"tawag niya sa kaniyang kaibigan

"May kailangan ka?"

"Can you call Ogie?"

"A-are you sure?"nag-aalinlangang tugon ni Dawn,tumango naman si Regine dito"Oh-okay. Yeah,I can call him."

Kaagad na di-nial ni Dawn ang number ni Ogie na bigay sa kaniya ni Richard.

"Ito,Reg. Sumagot na oh."

Inabot ni Dawn ang cellphone kay Regine. Itinapat naman ito ni Regine sa kaniyang tenga.

"H-hello?"

[M-may k-k-kailangan ka ba,Reg?]

Ramdam ni Regine na bumalik ang dating Ogie. Ang cold na pakikipag-usap nito sa kaniya.

"Gusto ko lang sabihin na,"napalunok si Regine"'Yung mga papel. Kung, mapirmahan mo na,make sure to give it to me before the operation on the following day."

[Address?]

"Sa hospital n-namin--Ogie." Naglabas ng hininga si Regine

[S-subukan ko.]

"Please?"

[Ano ba!Ang kulit mo! Sinabi kong susubukan ko 'di ba? Buwisit!]

Halos mabingi si Regine dahil sa pagbaba ni Ogie ng kaniyang telepono. Mapait na ngumiti si Regine saka inabot ang cellphone kay Dawn.

"Oh ano raw?"

"He'll try."tugon nito"Pwedeng iwan mo muna ako?Gusto kong mapag-isa sa ngayon."

"Mukhang kailangan mo ng karamay e?Ayos ka lang ba?Namumutla ka oh."

Lalapit na sana si Dawn pero agad siyang sinenyasan ni Regine.

"Okay lang ako,Dawn. Ano lang,masakit lang ang ulo ko."

Ito na ang araw ng operasyon ni Regine. Hinihintay niya na lamang dito si Ogie. Dahil mamayang gabi ay simula na ng kaniyang operasyon.

Hindi niya alam pero, kinakabahan siya. Kinakabahan siya dahil baka hindi pa rin nakapirma si Ogie doon sa mga papel.

"Reg?"

Pinapasok ni Regine si Lea na nasa pintuan.

"Gusto ka maka-usap ni Aga."

Napangiti si Regine ng makita ang lalakeng hinahabol-habol ni Lea. Hahabulin niya talaga ito dahil napaka-gwapo ng lalakeng ito.

"This is the first time we meet,Aga. And probably,maybe last time na rin?"nagbibiro lamang si Regine pero sineryoso iyon ni Lea"I was just joking around,Lea."

"Whatever."Lea rolled her eyes"Oh?Ano pa'ng hinihintay mo?Sabihin mo na ang gusto mong sabi."aniya kay Aga.

"Nahihiya ako e."

"Gago!Ang tapang-tapang mo kapag ako kaharap mo tapos mahihiya ka kapag siya na kaharap mo?"

"Lumabas ka nga!"iginaya ni Aga si Lea palabas ng kwarto"We need privacy."

"Che!"

"So,what brings you here?"tanong ni Regine

"Ano lang,Reg,e. Kumustahin ka lang sana. Alam kong hindi ka okay kaya,hindi na kita tatanungin."he smiled"At,may sasabihin sana ako sa'yo."

"Ano?"

"Ano kasi e--"

"Ano nga kasi iyon?"

"Ano e--"

Parehong naagaw ang atensyon nila sa pintuan ng marahas itong bumukas at iniluwa rito si Ogie. Itinaas niya ang brown envelope. Napangiti si Regine at the same time,nalulungkot.

Iyong asawa niya ng mahigit isang dekada ay iiwan na siya.

I hope I made the right decision;she thought

"Hindi na ako magtatagal pa. May itatanong lang ako." Lumapit si Ogie kay Regine. Magulo ang buhok ni Ogie at madilim ang aura ng kaniyang mukha"What's with the one million pesos?"

"It's for you. Para rin sa kompanya mo. You can use the one million."tugon ni Regine

"I don't need them. Save it for you."hindi binabalingan ng tingin ni Ogie si Regine.

"Of course you need them. Saan ka kukuha ng pera para magpatuloy ang takbo ng A'SCENTS?"

Sinenyasan ni Regine si Aga na lumabas ang muna.

"Kaya ko ang sarili ko,I don't need your help."mariing sambit ni Ogie

"Hayaan mo naman akong matulungan ka,Ogie. May pinagsamahan din naman tayo--"

"Kinalimutan mo na 'yon 'di ba?! Kinalimutan ko na rin na may pinagsamahan tayo kaya please, magkalimutan na tayo."

Tumalikod na si Ogie kay Regine. Natigil siya ng marinig ang iyak ni Regine.

"Ang sakit mo magsalita,Ogie. I just trying to help you ang dami mo ng sinasabi. You even called me 'buwisit'. Alam kong matagal na akong buwisit sa'yo,pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon?"

Humakbang muli si Ogie.

"Ogie, I want you to promise something before I die."sambit muli ni Regine

Psh."Ano naman ang i-papangako ko sa'yo? Sundan ka sa langit?Sino ka ba?Si Yngrid ka ba?Hindi 'di ba? Kahit kailan hindi kita minahal Regine. Kahit kailan,wala."

Tumango naman si Regine at mapait na ngumiti.

"Ngayon,may rason na ako para hindi lumaban. Salamat,Ogie."

Loving Regine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon