Chapter 27

229 22 12
                                    

/Loving Regine Chapter Twenty-seven/

TANGHALI na nang makaramdam ng bored si Regine sa loob ng kwarto niya. Tulog si Dawn kaya napagpasyahan niyang pumasok na muna ng banyo.

Buntong-hininga agad ang ginawa niya ng makapasok ng banyo. Ito ang unang pagkakataon na makikita niya ang kaniyang sarili pagkatapos ng session.

"...Salamat ka at maganda ka talaga kahit nakikipaglaban ka diyan sa sakit mo."

Mali. Walang maganda ngayon ang nakikita ni Regine sa salamin. Kun'di isang Regine na maputla,mapuputing labi, mapupungay na mata, at ang buhok niyang nakabalot.

Totoo ngang,kapag kaibigan mo ang magbigay ng compliment sa'yo,hindi lahat totoo. Minsan,sinasabi lang nila iyon to boost your confidence.

Sighed. Lumabas ng banyo si Regine ng makarinig ng tunog ng cellphone sa labas ng banyo. Pagkadating ay napag-alaman niyang cellphone ni Dawn ang nag-ri-ring.

Unknown number. Iyan ang naka-flash sa screen. Ayaw niyang gisingin si Dawn dahil halatang kulang ito sa tulog kakabantay sa kaniya. Kinuha niya ito at sinagot.

"H-hello?"

[R-Regine?]

Nanlaki ang mga mata ni Regine ng mabosesan si Ogie sa kabilang linya.

"Ah-hello? I-I can't hear you."hinawakan ni Regine ang kaniyang labi

[R-Reg. Nasaan ka?]

"Hello, who's this?I can't hear you,again."

[Bumalik ka na please?]

"I am sorry,I need to end this call. I can't hear you. Bye."

Ka-agad na pinatay ni Regine ang tawag. Naupo siya sa kaniyang kama at napabuntong hininga na lamang.

"Oh,"pumasok si Lea at nilapitan si Regine"Ba't parang nakakita ka yata ng multo?"

"Ah,-t-tumawag kasi si Ogie e."

Nagising si Dawn ng marinig ang boses ng dalawa.

"Oh, umalis ka ba kanina?"kinusot-kusot niya ang kaniyang mata.

Inilingan siya ni Regine. Inabot naman ni Regine ang cellphone kay Dawn.

"Oh,he called?"Takang tanong ni Dawn

"Yeah-b-but I ended the call agad. I d-don't wanna talk to him. I can't."yumuko si Regine

"Kunwari pa. Miss mo 'di ba?"asar ni Dawn,napatawa naman si Lea.

"Hindi. Ano lang, excited lang a-ako na makita siya. Para, makapag-paalam."

"Excited?"si Lea"Alam kong excited kang makita ulit siya. Hindi ka excited na makita siya para lang magpa-al---ano?Gaga ka!"natawa si Regine.

Ngayon lang yata napansin ni Lea na may sinabi si Regine na ayaw marinig ng tenga niya.

"Anong paalam-paalam. Baka gusto mo iuntog ko 'yang ulo mo diyaan sa pader?!"ikot-matang sambit ni Lea

"It's just the fact,Lea."depensa ni Regine"Hindi talaga tinatanggap ng katawan ko ang mga medisina rito. Kaya, operation ang tatapat dito. At handa ako."

"Reg naman!"

"Handa nga ako,Lea. Lalaban ako,for the both of you. For my parents."

"Lumaban ka rin for yourself."

Napataas ang kilay ni Regine dahil sa sinabi ni Lea.

"Akala ko ba huwag ako dapat maging selfish--"

Binatukan naman siya ni Lea.

Loving Regine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon