Chapter 4

4.7K 69 0
                                        

Keith

Kasalukuyan akong nakahiga at nakatingin sa kisame habang nag-iisip sa mga nangyari sa aking buhay, lalo na ngayon. Halos isang buwan nang di bumabalik ang aking ina. Tinangka naman naming ipagtanong sa bayan habang tangan ang litrato nito sa mga nakakasalubong na mga tao; dahil sabi ng ina ay may pupuntahan ito sa bayan para sa panibagong raket na inalok ng kakilala nito. Pinuntahan din namin ang palagiang pinaglalabhan ni nanay ngunit sabi nito'y matagal na itong di napupunta sa kanila.

Kilala ko ang aking ina, at isa lang ang rason na namumuo sa aking isipan - na sumama na ito sa ibang lalaki. Kung tama man ang hinala ko ay siyang ikakagalit ko. Sa halos dalawang taon naming nanatili sa puder ni tito Roldan, oo salat man, ngunit ang mga pangangailangan namin ay pinipilit punan ng aking amain. Isang matuturing na hulog ng langit ang tiyo, lalo na sa akin, na kahit walang katiting na dugo na nagdudugtong sa amin ay inako nito ang pagiging padre de pamilya sa amin. Kung sa akin ay wala na akong mahihiling pa, kung babae man ako ay hinding- hindi ko pakakawalan ang katulad ni tito Roldan.

Halos perpekto na ang lahat, ngunit nagawa pa ring lisanin ni inay si tito Roldan. Marahil ay nakahanap ito ng taong makakapuno ng materyal nitong pangangailangan.

Napatakip naman ako ng aking mga mata gamit ang likod ng aking braso. Di ko alam ang gagawin lalo pa't wala na akong dahilan para manatili sa bahay na ito - na sa unang pagkakataon ay itinuring kong tahanan. Di naman ganun kakapal ang aking mukha para patuloy na manirahan sa bahay na ito. Alam kong mabait si tito Roldan pero ayaw kung samantalahin ang kabaitan nito. Wala akong alam na pwedeng tuluyan dito at isa lang ang alam ko na paraan para may matirhan kung sakali man: ang maging katulong. Halos maluha na ako ng mapagtantong ang mga binubuo ko palang na mga pangarap ay gumuguho na. Gusto kong magmakaawa, lumuhod, o sundin ang ano mang gusto ni tito huwag lang ako nitong paalisin. Kahit huminto man sa pag-aaral ay gagawin ko para makatulong sa gastusin. Masakit man sa loob na huminto muli sa pag-aaral ay gagawin ko wag lang paalisin sa bahay na ito.

Gusto ko sanang hintayin ang tiyo upang sabihin ang aking suhestyon na animo'y pagmamakaawa, ngunit dahil sa pagod na dala ng sobrang pag-iisip ay nakatulog ako.

Napukaw naman ako ng makarinig ng mabibigat na paghinga. At mula sa liwanag ng buwan mula sa bintana ay kita ko ang pigura ng isang malaking tao. Di malinaw ang aking paningin dulot ng pagkakahimbing kaya naman kinusot ko ito upang maging klaro ang aking paligid.

Napalaki naman ang aking mga mata nang mapagtanto na si Tito Roldan pala ang taong nakatayo sa aking harapan. Ang mas ikinabigla ko pa ay ang makita itong nagsasalsal. Di pa nito alintana na ako'y nakatingin sapagkat nakatingala ito dala ng kanyang ginagawa.

Base sa amoy na dumadampi ay nakainom ang tiyo. Di ko alam kung dahil dala ng alak kung bakit nagkamali itong pumasok sa tamang kwarto kung kaya naman nasa harap ko pa ito ng gawin nito ang pagsasalsal.

"T-Tito?"

Utal kong sambit na kumuha sa atensyon nito. Kita ko pa ang muntikang pag-igtad nito. Tangan nito ang naghuhumindig na kanyang kahabaan. Salungat man sa liwanag ay alam kong nakatingin si tito Roldan. Narinig ko ang isang mabigat na paghinga bago ito magsalita.

"Keith tulungan mo ako."

Halos pabulong na nitong sabi ngunit dahil sa katahimikan ng gabi ay rinig ko ang bawat kataga nito.

Di ako makagalaw. Di ako makapag-isip ng matino. Parang balde ng tubig na ibinuhos sa akin ang aking mga alaala sa kahayupang ginawa sa akin ng lalaki ni inay noon. Nanginig ako sa mga memorya na pilit kong kinalimutan.

Ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Nakainom ang tiyo kaya't baka dala lang ito ng kalasingan at init na pangangailangan ng katawan lalo pa't siguro'y matagal din itong hindi nakapagparaos. Alam ko ang pakiramdam dahil lalaki din ako.

Sabihin na nating kailangan ko ng bahay na matitirhan ngunit kapalit naman nito ay sakaling mga alaala na panghabambuhay kong dala.

Ang katanungan lang ay bakit nasambit ng aking amain ang aking pangalan kung siya man ay lubog sa alak? Kung magkagayon ay ako talaga ang kanyang pakay.

Ngunit bago pa man ako makapag-isip ng aking gagawin ay mabilisang tinahak ni tito Roldan ang daan palabas ng kwarto; at naiwan akong tuliro.

Wala mang nangyari sa amin na dapat kong ikalugod ngunit pihado akong bukas na bukas ay isa akong ganap na palaboy.

Di ko alam kung bakit ganito kamalas ang buhay ko. Akala ko'y magiging tama na ang lahat ngunit lahat pala ay akala ko lamang.

Umagos na naman ang luha ko at kasabay nun ang tunog ng pangunahin naming pinto. Marahil ay umalis ang aking amain sa marahil sama ng loob ng paking pagtanggi.

Pagkatapos nun ay di na ako nakatulog pa hanggang mag-umaga.

At sa mga oras na nakalipas ay nakapagpasya na ako. Susubukan kong magsumamo, ngunit kung kinakailangan kong punan ang gutom sa laman na iniwan ng aking ina kay tito Roldan ay gagawin ko. Labag man sa aking kalooban ngunit ito na marahil ang dinadama ng aking ina noon na kapit sa patalim maitaguyod lang ang bawat araw ng buhay namin.

Nakapagdesisyon man ay pilit pa rin akong nag-iisip, naghahanap ng pwedeng alternatibong paraan.

Papasibol na ang araw sa silangan. Paikot-ikot ako sa bahay ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang tiyo. Ninais kong makita sa mata nito ang pagsisisi at pag-unawa ngunit isang hungkag na damdamin ang tila namumutawi sa mga mata nito.

Ilang segundo kaming nagtitigan nang makita ko ang pagtikab ng bibig nito, marahil at piyadong sasambitin nito ang kagustuhang umalis ako sa pamamahay nito.

Bago pa man nito sabihin ay mabilis akong pumunta sa paanan nito at lumuhod na umaakap sa mga paa nito.

Umagos na naman ang mga luha sa aking mata bago tumingin sa kanya.

"T-t-tito..."

Tito Tatay MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon