Roldan
Napangiti na lang ako ng maalala ko kung gaano kainis ang mukha ni Keith sa selos sa tagpong mabatid nito na pinagtatambal kami ni Gloria.
Ang galak na malaman na tunay akong minamahal ni Keith dahil sa pagkainis at takot nito na baka ako ay maagaw ni Gloria ay dumagdag sa saya na aking dama na nagresulta sa isang ngiti.
"Ginoo, tila maayos na ang pakiramdam mo't napakalapad ng iyong ngiti."
Tanong ng nakakatandang pasyente malapit lang sa aking higaan na mayroong komplikasyon sa atay dulot ng labis na pag-inom ng alak.
Nang mag-umpisang manirahan sa aking tahanan ang mag-ina; nang bumalik si Keith sa pag-aaral; at nang maging irog ko ang bata; ay aking tinapyas ang aking mga bisyo sapagkat gusto kong bawasan ang gastos at gayon ding maging malakas at malusog. Malaki ang pagitan ng aming edad kaya naman gusto kong makasama ang aking minamahal ng mahabahaba.
Paminsanan lang akong mainom, kung merong espesyal na okasyon o di kaya nama'y kasiyahan ng mga kabaro. Maliban roon ay todo tanggi na ako sa mga paanyaya.
Syempre, dapat lang na may resistensya pa akong magpunla sa bahayan nito hanggang kami'y makabuo.
Pahamak lamang itong pagkakadisgrasya ko't di ko mapupunan ang aking pangako. Datapwat, ay aking tinitiyak na ituturok ko ang aking kahabaan hanggang sa mahigop ng kaloob-looban ni Keith lahat ng aking semilya sa tagpong ako'y makalabas dito sa hospital.
Napakislot naman ang aking pagkalalaki kaya bahagya akong tumagilid upang di mahalata ng aking kinakausap ang iniisip kong kahalayan. Siya bang bakat na bakat ang aking kaselanan sapagkat ako'y hindi nakapagsuot ng korto at tanging manipis na salawal ang aking gamit ngayon.
Ngunit ang aking pagninilay-nilay ay nagdulot pa ng paglapad ng ngiti sa aking labi.
Tumingin ako sa aking kausap na may ningning sa aking mata. "Opo! Lubhang napakaayos na po ng aking kalagayan dulot ng labis na pag-aasikaso ng aking mahal!" Masigla kong tugon na tila wala sa ulirat na masambit ang aking pangungusap.
"Tunay nga namang napakaswerte mo't nakatagpo ka ng maalaga at napakagandang dilag." Saad nito.
"Siya ngang tunay na napakaganda niya. Kaya nga't sobra ko itong sinisinta." Tugon ko rito't di pa rin alintana ang mga pinagsasambit.
"Di ba't Gloria ang pangalan ng dilag na yaon?
Abay, di pa rin siya nakakabalik mula nung lumisan ito kahapon?"
Napamaang nalang ako dahil sa pagsambit ng pangalan ni Gloria, ay aking napagtanto ang mga katagang lumabas sa aking bibig.
Mabuti nalang at mali ang pag-aakala ng matanda, na sa halip na si Keith ay si Gloria ang tinukoy nito.
Isang buntong hininga ang kumawala sa aking bibig.
Siyang di ko kayang pigilan ang lugod ng aking damdamin kapag pinag-uusapan aking mahal.
Kahit papano ay napangalandakan ko ang pagsinta ko kay Keith kahit mali man ang pagkakaintindi nito.
Dahil sa aking buntong-hininga ay mas lalo pang namali ang matanda.
"Huwag kang mag-alala. Marahil ay inaasikaso pa nito ang mga kinakailangan mo.
Pihadong di magtatagal at makakalabas ka rin at makakapiling ang iyong irog.
Tiyak na dadating din iyon." Sabay kumpas ng kamay nito upang ihayag na maayos ang lahat.
Bago pa man ako makatugon ay muli itong nagsalita.
"Siya nga pala Ginoo, Di ba't anak mo yung tisoy na binatilyo? Abay lamalaking makisig ang bata."
Napangiti nalang ako at napatango sa pagsang-ayon.
