Keith
Nagising ako na tila may kulang.
Ang normal kong umaga ay nababalot ng maiinit na bisig ng aking mahal at mararahang paghilik nito. Kahit na sa malamlam na liwanag ng pagbubukang-liwayway ay inaaninag ko ang hubog ng mukha nito: ang makakapal nitong kilay, ang hulma ng kanyang ilong, ang pisngi nitong puno na naman ng papatubong balbas, at ang labi nitong naglalabas ng mainit na hininga.
Ang paggalaw nito sa tuwing hahaplos ako sa kanyang pisngi, o di kaya nama'y ang paghigpit ng mga bisig nito na nakapulupot sa akin.
Ngayong umaga ay binungad ako ng malamig na unan sa aking gilid.
Ito ang unang pagkakataon na mas naunang magising sa akin ang tiyo. Wala akong ideya kung bakit mas maaga itong nagising gayong alam ko naman na wala itong ibang aasikasuhin maliban sa paghahatid ng mga kalakal at paninda na arawan naman nitong ginagawa.
Iniunat ko ang aking katawan at inayos ang pinaghigaan at tinungo ang pintuan palabas ng kwarto. Sa aking paglabas ay sinalubong ako ng masamyong amoy ng isang niluluto. Napangiti ako at marahang binaybay ang kusina kung saan nakita ko ang tiyo na nagluluto.
Nakatalikod ito mula sa aking kinatatayuan at kasalukuyang hinahalo ang sinangag. Sa gilid naman nito ay nakalapag ang tortang isda. Hinimay nito ata ang mga natira kagabi at inihalo sa itlog.
Ang bango ng niluluto nito ay humahagod sa aking ilong at siya namang nagpaugong ng aking sikmura. Kung di lamang ito tutok sa kanyang ginagawa ay marahil narinig na nito ang pagsusumamo ng aking tiyan na matikman ang niluto nito.
Napansin ko din ang pangingintab ng katawan nito dahil nakasuot lamang ito ng salawal at walang pang-itaas.
Di ko alam kung sa init ng apo'y kung kaya ito pinagpapawisan dahil ni patak ng pawis ay wala namang lumalabas sa akin kapag ako ang nagluluto sa kinaumagahang tapat.
Datapwat, ikinagagalak ng aking damdamin ang marinig ang saya sa mga huni nito ng himig ng isang musika.
Di ko mapigilan ang aking malapad na ngiti.
Ang pangamba na naramdaman ko noon sa anong pwedeng mangyari sa pagdating namin sa buhay ni tito Roldan; na nagbago at naging paghanga sa kanya dahil sa pagpupursigi nito na mabigyan at maiparamdam samin ang kahulugan ng isang pamilya; na binago ulit ng takot dahil sa paggalaw nito sa akin, na kahit na sa agwat ng aming edad at kahit na magkapareho ng kasarian ay sekswal nito akong hinangad; na sa kahuli-hulihan ay aking minahal at patuloy na mamahalin.
Muli namang napabaling ang aking mga mata sa kanyang malapad na likuran. Sa katunayan ay ito ang unang pagkakataon na mapagmamasdan ko ito ng maigi. Hindi man hubog ang katawan, na kung ihahalintulad sa mga adonis na aking nakikita sa mga pahayagan at rebista ay pihadong di ko pa rin ipagpapalit ang lalaking kasalukuyang nagluluto ng sinangag para sa aming agahan.
Kung tutuusin ay wala akong akong nararamdamang paghanga o pagsinta sa ibang kalalakihan maliban lang kay Roldan.
Kahit ang noo'y paghanga sa mga magagandang kababaihan ay humupa na at ngayo'y napalitan ng paggiliw sa aking sinta.
Di man normal sa mata ng karamihan ang aming pagmamahalan sa dami ng kadahilanan, at sa kahit na sa edad ko ay iisipin ng iba na andaming pang bagay na makakapagpapabago ng aking isip at damdamin, tinitiyak ko na ang lalaki sa aking harapan ang siyang panggugulunan ko ng aking pagmamahal hanggang kailanman.
Napabalik nalang ako mula sa aking iniisip nang marinig kong sinambit ni Roldan na tapos na itong magluto.
Pagkatapos isalansan ang niluto sa malaking mangkok ay akma na nitong dadalhin ang mga ito sa hapag ay natigilan ito ng makita ako.
