IWHY Season 3 Part 22

269 24 12
                                    

Disclaimer. This is a work of fiction, Names, Characters, Business, Events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Irene's Pov:

Ngayong buong-buo na ang desisyon ko at nasabi ko na din kay Greggy ang tungkol dito isa nalang ang ikinakabahala ko yon ay kung paano ko ipapaliwanag sa mga bata ang paghihiwalay namin ni Greggy. ( Agad akong napakapit sa aking ulo ng makaramdam ako ng hilo, pero pinilit ko paring lumayo mula kay Greggy na nasa likuran ko lang na nakatingin saakin. Hanggang sa nakita ko si Ate Imee na papalapit saakin )

Imee: ( Nakita ko si Irene na pabalik kaya agad akong tumakbo papalapit sa kanya... ) Bunso kamusta ang paguusap niyo ni Greggy? ( Nagulat ako ng bigla siyang kumapit saakin at namutla ) Bunso ayos ka lang ba?

Irene: Ate pwede mo ba akong ihatid sa sasakyan ko? Please wag mo ng sabihin sa kanila.

Imee: ( Hindi na ako umimik at inakay ko agad siya papunta sa may sasakyan niya ng makarating kami agad siyang napaupo sa may passenger seat ) Ano bang nangyari bunso? Ayos ka lang ba?

Irene: ( Hindi ko pinansin ang tanong ni Ate Imee saakin at bagkus ay ipinikit ko ang aking mga mata )

Imee: ( Sumaglit ako sa sasakyan ko at kinuha ang aking bag at saka kinuha dito ang gamot sa sakit sa ulo at ng pabalik ako sa sasakyan ni Irene nakita ko na nakapikit parin ang kanyang mga mata, at ng papalapit na ako dito ay may nakita akong luha sa kanyang pisngi, Kaya hinayaan ko muna siya at lumayo-layo ako ng pwesto kung saan hindi niya ako makikita )

Alfonso: Bunso gusto mo saamin kana sumabay mamaya?

Celeste: Kay Mama nalang ako sasabay, siya kasi ang kasabay kong dumating dito at saka Kuya walang kasama si Mama.

Luiz: Tama naman si Celestina. Wag mo ng pilitin Kuya ang magandang gawin mo ay manghingi ng lalagyan at mag uuwi tayo nung cake. ( Biro kong sabi )

Alfonso: Nakakahiya ka talaga ( Tawa kong sabi )

Irene's Pov:

Nang maimulat ko ang aking mga mata nakita ko na wala na si Ate Imee, siguro ay bumalik na siya don sa reception muli kong ipinikit ang aking mga mata at saka pumatak ang aking mga luha, ngayon lang ito ( Mahina kong sambit )

Greggy: Bonget, nakita mo ba kung saan pumunta si Irene?

Bongets: Hayaan mo na muna siya, kasama naman niya si Ate Imee wag kang mag-alala.

Greggy: Pero kailangan kong kausapin ulit si Irene...

Bongets: Kuya alam mo naman na ipinagkatiwala ko sayo si Irene dahil sabi mo mamahalin mo siya panghabang buhay pero anong nangyari, hindi ba pinigilan ka ni Irene dati na mag ibang bansa kasi gusto niya na mag kakasama kayo dito? Ang sabi pa nga niya ay siya nalang ang mag ta-trabaho para sa mga gastusin sa bahay at para din sa mga bata, at saka hindi din naman kayo pababayaan ni Mommy Meldy. Pero ipinagpatuloy mo dahil sabi mo gusto mo na ikaw ang sumoporta sa pamilya mo ayaw mo iasa kay Mommy Meldy at kay Irene. Pero anong ginawa mo? Ano bang ginawa ni Irene para saktan mo siya ng ganito?

Greggy: B--Bong...

Bongets: Mukang mali na ipinagkatiwala namin sayo si Irene.

Greggy: B--Bong hindi ko din gusto ang nang....

Liza: Mahal? ( Ngiti kong sabi ) Hinahanap tayo ng mga bata gusto ata nila sumali sa mga palaro.

Bongets: Sige susunod na ako Mahal. ( Muli akong lumingon kay Greggy ) Kuya ang maipapayo ko lang sayo ay sundin mo nalang kung anong gusto ni Irene ilang buwan ko na rin siyang nakikitang nahihirapan wag mo ng dagdagan pa.

Imee's pov:

Nang makalayo ako sa sasakyan ni Irene bigla nalang bumuhos ang kanyang mga luha pinipigilan ko ang sarili ko na lumapit dahil gusto ko na makapag-isa muna siya. Gustong-gusto ko siyang yakapin at patahanin pero alam ko din kung anong nararamdaman niya kaya't pinili ko nalang na panuorin muna siya sa malayo.

Simon: Nakita niyo ba si Tita Irene?

Vincent: Oh bakit mo naman hinahanap si Tita Irene?

Sandro: Kasama ni Tita Imee nakita ko sila kanina.

Simon: Hinahanap kasi ni Tito Greggy.

Vincent: Nako wag mo ng sabihin kung asan si Tita Irene.

Sandro: Tama si Vincent pabayaan nalang muna natin ni si Tita Irene.

Simon: Sa bagay kung kasama din naman niya si Tita Imee e.

Luiz: Anong pinag-uusapan niyo?

Vincent: W--Wala...

Luiz: Akala ko ba sasali tayo sa palaro nila.

Simon: Nanalo na kaya kaming tatlo kayo nalang ni Kuya Alfonso ang hindi pa nananalo no.

Alfonso: Nakita niyo ba si Celeste? Hindi ko mahanap kanina pa

Sandro: Andyan lang yon hindi pa naman tayo uuwi kaya hayaan mo muna siya

Simon: Baka nakikipag date kay Bryle yon. ( Biro kung sabi )

Irene's Pov:

Agad akong nag taklob ng muka at sinubsob ko ang aking ulo sa aking mga hita. Mga ilang sandali pa ay may naramdaman akong kamay sa aking likod kaya agad kong inangat ang aking ulo.

Imee: Bunso...

Irene: A--Ate anong ginagawa mo dito? ( Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga pisngi )

Imee: ( Agad kong inabot ang aking panyong dala ) Ayos ka lang ba?

Irene: Syempre naman Ate ako pa ba.

Imee: Alam mo bunso ayos lang naman kung gusto mong umiyak, mas masama yung pinipigil.

Irene: A--Ate.. ( Agad akong napatingin sakanya kasabay ng pagpatak ng aking mga luha )

Imee: ( Agad kong sinalo ang kanyang mga ulo gamit ang aking bewang at saka hinawi ang kanyang mga buhok. ) Alam ko bunso, alam ko ang nararamdaman mo... ( Agad kong tinapik-tapik ang kanyang balikat )

Celeste's Pov:

Naglakad-lakad ako sa may tabing dagat dahil nakaramdam ako ng sakit ng ulo kaya itinuon ko ang aking mga mata sa dagat hanggang sa nakaramdam ako ng lungkot.

Bryle: Athena? Anong ginagawa mo dito?

Celeste: ( Agad akong napalingon ng may nag salita ) Oh bryle, ikaw bakit ka andito?

Bryle: Napansin kita kanina na nag lalakad dito kaya agad kitang sinundan baka kasi kung anong gawin mo ( Biro kong sabi ) E ikaw anong ginagawa mo dito?

Celeste: ( Napatawa ako sa sinabi niya ) Namiss ko lang yung dagat matagal-tagal na din kasi nung huling nakapunta ako sa tabing dagat

Imee's Pov:

Nasa labas ako ng ER at nagdadasal na sana ay ayos lang si Irene...





I Will Hold You Season 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon