IWHY Season 3 Part 31

231 15 5
                                    

Disclaimer. This is a work of fiction, Names, Characters, Business, Events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Irene's House 

Greggy: Oo naman anak ayos lang kami ni Mama mo, may mga hindi lang kami pag kakaunawaan 

Luiz: Nako Daddy dapat ayusin niyo na po agad yan.

Alfonso: Tama si Luiz Daddy, dapat ayusin niyo agad yan para hindi na po lumaki pa. 

Greggy: Oo mga anak aayusin ko agad ( Ngiti kong sabi ) 

Luiz: Mabuti pa Dad ay mag pahinga kana po ulit maya maya na po namin dadalhin yung niluto ni Yaya at saka gamot. 

Greggy: Sige anak, Salamat... 

Celeste Pov.

Pagkapasok ko sa aking silid agad akong humiga sa kama at saka kinuha ang aking telepono habang nag bo-browse ako sa aking instagram ay nakita ko si Sam na may bagong post. Andito na ulit siya sa pilipinas kaya naman agad ko siyang tinawagan. 

Samantha: Hello? Celestina?

Celeste: Wala ka man lang pasabi na andito kana ulit sa pilipinas. 

Samantha: I su-surprise nga sana kita, kaso nakita mo pala sa IG gusto kasi nila Mommy na mag post ako pag dating ko para makita nila na safe ako. 

Celeste: Mukang hinahanapan ka na rin ni Tita ng magiging boyfriend. 

Samantha: Anong boyfriend ka diyan hindi ako papayag no. Alam mo naman na mataas din ang standards ko katulad mo. 

Celeste: Sabi ko nga. 

Samantha: E asan kaba ngayon? Lumabas ka nga. 

Celeste: Lumabas? Ngayon na? 

Samantha: I mean sa bahay niyo lumabas ka ngayon na. 

Celeste: Huh? Ano bang pinag sasasabi mo? 

Samantha: Basta gawin mo nalang. 

Celeste: Okay okay, ( Agad akong bumangon sa kama at lumabas ng bahay ) 

Samantha: Surprise! 

Celeste: Kanina ka pa andito?! 

Samantha: Oo nung tumawag ka saakin ( Tawa kong sabi ) 

Celeste: Ikaw talaga! 

Samantha: May pasalubong ako sayo, here chocolates, bag's and mga pang make-up, alam mo ba si Mommy pa ang pumili niyang mga yan na mi-miss kana rin raw kasi. 

Celeste: Talaga ba? 

Samantha: Yup, Ito naman para kila Kuya Alfonso at Kuya Luiz,  Chocolates, watches and Damit, and lastly para kay Tita Irene and Tita Imee Bag's and watch.  

Celeste: Thank you Bes, matutuwa si Mama at Tata nito pag dating. 

Samantha: Asan ba si Tita? 

I Will Hold You Season 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon