Disclaimer. This is a work of fiction, Names, Characters, Business, Events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Imelda's House
Bonget: Aimee? Ano bang mga ginagawa ni Mommy these past few days?
Aimee: Laging nasa garden nag tatanim, at saka pauli-uli lang dito sa bahay.
Bonget: Wala naman siyang dinadaing na masakit? or something?
Aimee: Wala naman kayo lang naman hinihintay ni Mommy Meldy, miss na miss nga kayo tagal niyo kasing bumisita.
Bonget: Yon na nga problema kaya di kami makadalaw rito yung dalwa nating kapatid na mo-mroblema sa kanilang mga buhay. Hindi ko na rin maintindihan kung talaga bang gusto ito ni Irene.
Aimee: Anong ibig mong sabihin Kuya?
Bonget: Bago kami pumunta dito, pumayag na si Kuya Greggy na pirmahan ang divorce paper na inayos ni Irene.
Aimee: Tama ba ang narinig ko?
Bonget: Oo, pero hindi ko alam kung ito ba talaga ang gustong gawin ni Irene, nakikita ko kasi na sobra siyang nasasaktan pinipilit parin niyang kumapit kahit alam niya na siya yung pinakang nasisira. Kahit sa divorce na inayos niya alam ko at ramdam ko na gusto parin niyang kumapit don sa kasal nila ni Greggy.
Aimee: Hindi naman ganon kadaling burahin ang pinagsamahan nila Kuya, ilang taon din silang kasal at saka may mga anak sila, siguro napuno na si Ate Irene kaya buong loob niyang ginawa ito at ang pakikipag hiwalay kay Kuya Greggy kahit na labag ito sa kanyang kalooban.
Bonget: Kasalanan ko din ito, kasi pinag katiwalaan ko sila na aalagaan nila ang mga kapatid natin.
Aimee: Kuya no, wag mong sisihin ang sarili mo, nagtiwala ka lang naman sa kanila, tayo nagtiwala tayo, hindi mo kasalanan kung bakit ganon ang ginawa nila kay Ate Imee at Ate Irene, matatapos din ang lahat ng ito Kuya.
Bonget: Nahihirapan din ako sa tuwing nakikita ko silang nasasaktan, pag kaminsan gusto ko na din lang harapin sila Kuya Tommy at Greggy, gusto ko lang naman silang makaharap at tanungin kung bakit ang lakas ng loob nilang gawin yon sa mga kapatid natin, wala namang ginawa sa kanilang masama sila Ate Imee diba? Saan sila nakakuha ng lakas ng loob na manloko!
Aimee: Kuya huminahon ka, baka sa lagay mong yan ay masugod mo silang dalwa.
Imelda: Ano naman ang pinag-uusapan niyong dalwa?
Aimee: M--Mommy?
Imelda: Oh? Bakit andito kayo sa kusina? Akala ko si Irene at Imee ang magluluto para mamaya?
Bonget: Nag aayos lang po kami ng mga kagamitan para mamaya Mommy, para hindi na mahirapan sila Ate Imee sa pag luto.
Imelda: Ah ganon ba?
Aimee: Mommy asan po si Ate Irene?
Imelda: Ka aakyat lang sa kwarto niya, mag papahinga raw muna siya.
BINABASA MO ANG
I Will Hold You Season 3
RandomThey parted ways but destiny keep's bringing them back together, what do you think will happen? Do you think that the love that they built for years will remain? Do they still love each other? Will they fight for their marriage? Even the pain is too...